Ten: Humbag assassin

1.6K 46 0
                                    

Naalala niyo pa si Griselda? Siya yung nanay ni Cello, okay?



Bakit ko natanong? Kasi may pov siya dito...




Chapter 10: Humbag assassin

***

Basil pov



Adventure na naman to! Matapos matrack yung pinapahanap ni boss at solemn ay umalis na kami ni Thyme sa bahay na iyon upang gawin ang sunod naming misyon. Binigay ko kay Solemn ang blueprint bago niya pinaliwanag kung saan kami pupunta roon at ang gagawin namin sa loob. Isa lang naman ang goal ng misyon namin ni Thyme. Kidnapin si Griselda Alcaster.



Nagpalit lang ako ng delivery man na damit bago nagsuot ng kulay itim na cap. Sumakay na ako sa simpleng motor habang hawal hawak yung maliit na box na may lamang baril.



"Alam mo na gagawin mo." irap ni sungit sa akin.

"Oo na. Di mo na kailangan pang ipaalala, sungit!" ngisi ko sa kaniya. Umirap naman ulit siya na ikinatawa ko.




Pagkarating sa village kung saan located ang tracker ay pinahinto ako ng nagbabantay na guard, kasunod ko namang dumating si Thyme na nakasakay sa itim na kotse.



"boss, sino po kailangan niyo?" tanong nung guard.



"ah delivery lang para kay Ms. Griselda Alcaster?" sabi ko at pumunta naman yung guard sa loob ng guard house bago may icheck sa record book niya.


"ako na lang ho ang magdadala." sabi nung guard sa akin at akmang kukuhanin yung box ng ilayo ko iyon.




"ako na ho, kailangan ko rin ng signature niya."



*beep*beep



Busina ng kotse si Thyme pero hindi siya pinansin nung guard na hanggang ngayon ay nakikipagtalo sa akin, muling nagbusina ng matagal si Thyme at ibinaba ang bintana ng kaniyang kotse.



"ano ba!? Kanina pa ako naghihintay dito! Inaatake na ng asthma yung pamangkin at walang kasama diyan sa bahay nila!" sigaw niya. Kahit hindi na pala umakto ang babaeng to natural talaga ang pagkamasungit.




"sorry po ma'am. Sige na ho sir pasok na kayo." panic niyang sabi kaya napangisi na lang din ako. Tss. Gumana ang plano namin.




Nagmaneho ako hanggang sa pinadulo ng village, gabi na rin naman kaya madilim na ang paligid. Sa pinakadulong parte naman ay nandoon ang pinakamalaking bahay sa village na ito, Iyan ang location ng tracker kung saan nakatira si Griselda. Tumigil kami ng medyo malayo pa sa bahay at sa bandang tagong lugar upang walang makapansin sa sasakyan namin.




"Two minutes." sabi ko kay Thyme na kakababa lang ng kaniyang kotse, nakuha niya pang umirap bago suotin ang itim na hand gloves.





"alam ko panget." ngisi niya at napailing na lang din ako. Nauna akong lumapit sa bahay, simple lang ito at mukhang mababa lang security ng bahay. Isa sa mga bagay kung saan siya nagkamali, masyadong nagpakampante ang mga Alcaster na hindi malalaman ang kanilang sikreto.



Matapos suriin ang paligid ay dumiretso ako sa likod ng bahay, madilim at hindi halata ang paggalaw ko sa likod kaya naman medyo malaya akong nakagalaw bago akyatin ang bahay. Second floor, left window.




***


Griselda pov

Dala dala ang isang baso ng wine ay pumasok ako sa aking kwarto bago naupo sa sofa na nakaharap sa malaking telebisyon. Wala na si Griffin, patay na rin ang asawa niya at ang anak na lalaki. Sisiguraduhin ko namang isusunod ko si Solemn kapag napasa amin na ang Royal mafia bago ko isusunod na pababagsakin ang Phantom mafia.




The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenWhere stories live. Discover now