Twenty: Your game, I rule

1.5K 46 2
                                    

Chapter twenty: your game,  I rule.

***

Nobody wants to mess up in their own game.  Not even me.  And I remember it too well the day I learned that view.  Nasa sala kami ng mansyon ni Hix Robert, prente lamang akong nakaupo sa single sofa sa harapan niya habang siya naman ay nakahiga na sa mahabang sofa at iniisip kung ano ang next move na gagawin. Naglalaro kami ng chess at ako ang nag aya sa kaniya.  It's my field kaya malakas ang piyansa kong mananalo sa kaniya kaya nagkaroon kami ng deal.

"kapag nanalo ako,  ibibigay mo sa akin lahat ng blade na itinatago mo at tuturuan mo akong lumaban. " walang gana kong sabi sa kaniya.

"no prob. Pero kapag ako ang nanalo iinumin  mo ang isang basong alak na ito. " sabi niya bago pumunta sa kusina para kumuha nga ng water goblet na may lamang alak at dalawang ice cubes.

"that's fine with me! " buong confidence kong sabi.

Nagpatuloy ang laro at sa huli ay ako ang natalo. Ininom ko ang alak na ngayon ay natunaw na ang yelo at doon ay nakaramdam ako ng kakaiba.

I was poisoned.

***

"you poisoned me! " inis kong baling sa aking kambal ng makarecover na ako.

"yeah. You know what?  It was your game,  twin. Hindi mo dapat hinahayaang matalo ka ng iba sa laro mo.  If it is somebody's then rule the game that's not yours and play it better,  in the end you'll win. " paliwanag niya at napatulala lang ako.

Game.  I need to rule every game.  Sa akin man o hindi ako dapat ang nangunguna at mananalo sa huli.

I was overwhelmed.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata nang magising ang diwa ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago mag sink in sa aking utak kung nasa'n ako. Mataas ang kisame ng kwarto na may nakasabit na kumikinang na chandelier, ang malaking bintana naman ay natatakpan ng napaka kapal na pulang kurtina. Sinubukan ko namang umikot sa kabilang side ng kama ng maramdaman ko ang pagkirot sa aking kaliwang braso.

"ouch... " daing ko at minabuti ko na lang maupo upang makita ang lalaking nakatayo sa verandah ng kwarto.

Kita ko ang nakatalikod na pigura ng isang lalaki.  Kahit hindi man ito humarap sa akin ay kilala ko na kung sino iyon,  ang prente nitong pagkakatayo habang nakapamulsa pa ang dalawang kamay na para bang may photoshoot,  ang maitim nitong buhok, ang maputi niyang batok at matangkad na pigura.  Di malayong si Shin nga ang lalaking iyon.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at mukha namang narinig niya iyon. Dahan dahan rin siyang lumingon at tila ba nag slow motion ang paligid sa bilis ng tibok ng aking puso.  I was faced by a pair of cold eyes that is looking intently at me.  Para bang hinihigop nito ang aking kaluluwa at nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan nang nanatiling nakatitig si Shin.  Ni hindi nga kumurap ang mga mata nito o kaya'y gumalawa lang man ang panga,  para siyang estatwang pilit akong tinatakot at kinukonsensya.

"S-Shin... " kinakabahan kong tanong at kailangan ko pang basain ng laway ang aking labi.

Hindi siya nagsalita. At ako naman na parang batang pinagalitan ay di mapakali sa aking kinauupuan habang pilit iniiwas na magtama ang tingin naming dalawa. Galit si Shin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko dahil natatakot ako sa tuwing ganiyan siya.  Lagi akong tiklop.

"I'm sorry... " mahina kong sabi.  Yumuko ako ng hindi siya nagsalita at narinig ko na lang ang malakas na pagbukas sara ng pinto.

I was welcomed by a complete silence with my conscience nagging me and hurt evident in my eyes.  Kumirot ang aking dibdib ng hindi man lang nagsalita si Shin at basta basta na lang lumabas.  Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil hindi ko siya sinunod sa una pa lang,  edi sana wala akong sugat ngayon sa braso at hindi siya nagagalit.

Tumayo na ako para maghilamos at mag ayos.  Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan sila Basil roon na mukhang nagkakatuwaan na,  binagtas ko ang hagdan pababa at napaangat naman ng tingin si Basil.

"Magandang umaga! " bati ni Basil at ngumiti lang ako.

"good morning,  ma'am solemn! "

"morning,  solemn! "

Di ko na sila pinansin pa dahil agad na hinanap ng mata ko si Shin.

"Nasa'n siya? " baling ko kay Thyme at ngumiti naman ito bago itinuro yung kusina.

Matapos magpasalamat ay dumiretso ako sa kusina. Nagluluto si Shin roon at mukhang hindi pa ako napansin kaya naisipan ko munang sumandal sa ref para panuorin lang siya.

"You could have died. " napaayos ako ng bigla siyang magsalita.  "if no one helped you,  you could have been dead ang burnt. At hindi ko matatanggap iyon dahil hindi man lang kita nailigtas agad. " humarap si Shin sa akin at kita ko ang pagkunot ng noo nito.

Sa mga mata niya ay emosyong hindi ko mawari—anger? Sadness?

"I'm sorry. " sambit ko.  "I was impulsive. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang aking kambal at gusto ko siyang makita.  Alam kong buhay siya Shin at pilit lang itinatago sa akin.  I know he is alive at papatunayan ko iyon. Hix is one of my broken pieces,  Shin at gusto kong maibalik ulit iyon. "


"but you don't have to risk your life. Nag alala ako." malamig niyang sabi, hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahugot ang mga salitang dapat kong sabihin. "You don't know how devastated I was. I almost lose my mind."

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kaniya at sa sarili ko. Naging selfish at impulsive ako sa aking mga desisyon, hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya. Yumuko ako ng maramdaman kong nanlalabo na ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha.

"babe, just don't do it again,  please.  Just listen,  okay? " he hugged me so tight I can almost feel the warmth of his body.

Ngumiti ako at gumanti rin ng yakap sa kaniya.

"I love you,  babe. "

"I love you, too. " sagot ko rin sa kaniya at mas yinakap siya ng mahigpit.

"wooooh!  Ang sweeeeet naman! " ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kaya agad akong bumitaw kay Shin na ngayon ay mukhang nagpipigil na ng inis.

"Hide.  Before I shoot you,  BASIL! " masahe niya sa kaniyang tungki ng ilong at rinig ko ang pagtakbo nga ni Basil.

"g*go ka kasi Basil! Ginulo mo ang love birds hahaha! " pahabol na sigaw pa ni Fritz.

Nangunot naman ang aking noo ng makaamoy ng sunog na bagay.

"Shin! Yung niluluto mo! "

***

Stanley pov

I was greeted by my men. Lahat sila ay agad na yumuko pagbaba ko pa lang ng aking chopper.  Ah!  What an overwhelming experience. It was like I own half of the world.

Ngumisi ako at nagdirediretso lang ng lakad papunta sa bagong dating na Limo, bumukas naman ito at lumabas si Jack na naka three piece suit.

"How's the preparation? " bungad na tanong ko.

"All set, Pearson. " ngiti naman niya at gumilid para dumaan ako at makapasok sa Limo.

"Good."

"and by the way." mabilis ko namang inangat ang aking ulo ng magsalita siya ulit. Malawak ang ngiti nito, ngiting alam mong may iba pang ibig sabihin. "Welcome back, Solemn's king."

Napangiti ako. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng aking prinsesa ay bumibilis ang tibok ng aking puso.

"Find her. The wedding will be two days from now."


***


Luh... Assuming talaga si Stanley hahaha.

Comment down!
And click the star to vote:)


#shinra
#MTBP

lovelots,
Pinkiepurpy

The Mafia & The Golden Fairy II : Uncrowned QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora