File 3- The Second Member

115 7 0
                                    

-----------someone's PoV------------

Apat na taon na ang nakalipas simula noong mapawi ang sakit na aking nadarama, simula noong iwan ako ng aking ama at ina.

At ngayon sa aking ika-labindalawang kaarawan. Namatay naman ang kaisaisang tao na kumupkop sa akin at sa bou kong pagkatao. Siya si lola Gimay ... Kahit Hindi niya ako kadugo at kahit lugmok siya sa kahirapan ay pilit niya pa rin akong kinupkop ng walang pagaalinlangan. Minahal ng lubusan na walang kakulangan.

Ngunit ang kaniyang buhay ay tuluyan ng nawakasan. Ang kaniyang paghihirap ay dumating na sa hangganan.

Bakit? Bakit palaging ganito ang nangyayari sa akin? Bakit palagi akong iniiwan? Bakit?

Bakit?

Bakit?

Siguro ay ganito ang plano sa akin. Siguro ay may iba pang darating sa akin para iwanan din ako sa isang iglap lang.

Ngunit ayoko na...

Pagod na akong umasa ... Umasa sa wala.

Saan pa ang patutunguhan ng aking buhay kung wala din namang masayang kinabukasan.

Pagod na akong masaktan at pagod na akong masilayan ang kahirapan ng buhay...

Naglalakad ako dito sa isang tulay kung saan wawakasan ko ang aking buhay. Daladala ko ang patalim na siyang magdidikta ng aking kapalaran. Saksi ang tulay at ang tubig na umaagos dito sa aking magiging kamatayan.

Ako ay huminto at nakiramdam sa oras...

Handa na ako. Handa na akong mamatay. Ayoko na sa buhay na ito, buhay na hindi makatarungan. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa at nakahanda na ang aking katawan.

Pumunta na ako sa pinakagilid ng tulay at doo'y sinaksak ko ang aking katawan. Hanggang maramdaman ko ang patalim na bumabaon sa aking tiyan. Ramdam ko rin ang pagkawala ng balanse ng aking katawan. Ramdam kong nahuhulog ako sa kailaliman ng tulay.

Hanggang sa mawalan ako ng ulirat at tanging ang lamig lamang ng tubig na bumabalot sa aking katawan ang siyang aking naramdaman.

...

...

...

Nang magising ako ...

Teka buhay pa ako?

Bumalot ng pagtataka ang buo kong pagkatao. Ramdam ko ang lahat ng pangyayari kanikanina lang.

Nang makatayo ako...

Teka nakakatayo ako sa tubig?

Kitang kita ko na parang may hugis bangkang nakapalibot sa akin na gawa sa tubig. Papaano ko nagagawa ito?

Tinignan ko ang sugat na iniwan ng patalim sa akin... Ngunit... Ngunit...

Wala na ito.

Parang naninibago ako sa aking katawan, ang mga galos na aking balat ay naghilum at naging makinis.

Nagtagal ako sa ganoong posisyon at hinayaang hintayin lamang na iyanod ako sa parte ng ilog na ito. Napadpad ako sa isang pook kung saan nakikita ang mga bahay na hango sa pinagtagpi tagping yero at karton na siyang nagsisilbing dingding nito.

Marumi ang lugar ... Napupuno ng mga kalat kagaya ng Styrofoams, ibat-ibang uri ng plastiks, at mga balat ng kung ano-anong prutas o gulay na hindi mo na matukoy dahil sa pangingitim ng mga ito.

Mabaho ang lugar. Tila amoy ng pinaghalong tae ng mga hayop at patay na nilalang. Kasama na dito ang mga bulok na prutas na animoy hindi mo na mapansin ang tunay na amoy dahil naihalo na ito sa masasamang hangin ng paligid.

Elite Files: Street ChildrenWhere stories live. Discover now