File 9 - Ang Chi Bond (2)

74 9 0
                                    

.
.
.
Jades PoV.

.
.

Nang makapasok kami sa pinaka mataas na lugar ay nakita ko ang isang katulad nila na nakaupo sa isang truno. May sout itong korona at may isang bolang kristal na hawak.

"Isang maligayang pagdating sa aming lugar... aming panauhin. Matagal ka na naming hinihintay. Ikaw na nga ang sinasabi sa propesiya." Nakangiti nitong sabi

"Ako nga pala si Gumi ang pinuno ng mga Gumiho o tinatawag na Kitsune... isa lang ang ibig sabihin nito kung bakit ka nakapunta sa aming lugar. Ito ay ang kunin ang aking pagsang-ayon  sa pakikipagkasunduan sa kontratang iyan. Ngunit... papayag lamang ako kapag napagtagumpayan mo ang tatlo kong pagsubok." Paghahamon nito.

"Kinagagalak ko pong tanggapin ang pagsubok mahal na pinuno." Nagbow ako bilang paggalang.

"Kung ganoon ay sisimulan na natin. Pagttitiyak niya...

.
.
.
Bago ako pumunta dito sa lugar ng mga Gumiho ay binigyan ako ng mga tips ni kuya tungkol sa kanila.

Sila ay mahilig makipaglaro at gaya ko ay kaya din nilang gumawa ng illusyon. At bawat kitsune ay may kaniya kaniyang elementong bahagi at nahati ito sa labing tatlong klase.

Unang pagsubok ay ang lakas at tatag ng katawan.

"Kailangan mong mapitas ang lahat ng ubas sa loob ng limang oras. At buhatin ang iyong mga ani papunta sa timbangan." Pahayag nito. Tumango naman ako.

Agad akong gumalaw at kumuha ng basket para sa lalagyan ng mga ubas. Limang oras lamang ang ibinigay nila sa akin. Kaya dapat dalihan ko pa.

"Bakit hindi mo gamitin ang kakayahan mo bilang isang Elite?" Paghamon ng pinuno.

Naisip ko nga iyon pero baka hindi tatalab ang talento ko sa lugar na ito. Pero nagisip ako... pinakalma ang aking sarili para masimulan ko na.

Ginamit ko ang true illusion ko para ako ay dumami. Pagkatapos ay pinitas namin isa isa ang mga bunga ng ubas.

Ngunit alam kong limang minuto lamang ang itatagal ng aking illusion dahil kulang pa ang aking mga pagsasanay at hindi sapat ang lakas ko.

Dinoble ko ang pagpitas sa mga bunga. At dahil dito natapos ko ang pagsubok sa loob ng apat na oras at limampong minuto.

"Nagawa mo ang unang pagsubok... kung gayon ay isa ka ngang illusionist dahil sa ipinakita mo kanina. Ngunit kakaiba ang iyong kapangyarihan. Nagiging totoo ang mga bagay na ginagawa mo." Gawad ng pinuno.

"Buweno... ito na ang ikalawang pagsubok. Nawawala ang mahiwagang sing-sing ng aking anak na si Freya... kailangan mo itong hanapin sa kahit saang sulok ng aming kaharian. Dapat magawa mo ito sa lalong madaling panahon.

"Sa... saan ako unang maghahanap?" Tanong ko.

"Hindi ko alam." Pagmamataray ng pinuno.

..
..
..
Bago ko sinimulan ang aking misyon ay nakiusap ako sa pinuno kung pwede bang makausap ang kaniyang anak para malaman ko kung ano iyong singsing? At kung ano ang itsura nito.
.
.

.
.

"Mayroong disenyong bituin na tinatawag na pentagram ang aking singsing. Ito ay kulay pilak at walang halong ibang elemento." Sabi nito.

"Saan mo huling hinubad ang singsing o nawala?" Tanong ko ulit.

"Sa hardin namin. Habang naglalaro ako ay hinubad ko ito para hindi madumihan." Sabi nito.

.
.

Agad na akong nagtungo sa sinasabi niyang hardin. At kagaya nga ng ginawa ko sa ubasan ay gumawa ulit ako ng maraming ako. Naghanap kami sa bawat sulok ng hardin ngunit ni isang pagkakataon ay wala pa rin kaming mahanap na mahiwagang bagay.

Elite Files: Street ChildrenWhere stories live. Discover now