File 16- Happy Birthday

71 6 0
                                    

-----AN:
Hi everyone... ^_^ wala lang may special celebration kasi ngayon sa story na ito.
----------

------------------------Jade's PoV---------------------

"Haaaaaaapppyy bbiiirthdaaaaay tooooo youuuuuuu!!!" Panghuling kanta nila sa akin.

Ehh... nagulat ako dahil sinorpresa nila akong lahat. Mga kaibigan ko at yong mga kuya ko at nagiisang ate ko. Lahat sila nandito at binibiguang buhay ang araw kung kailan ako isinilang.

Maluhaluha kong tinignan ang cake na hawak hawak ni kuya Oliver at ni kuya Prick. Ang ganda ng disenyo... pabilog siya (AN: duh siyempre haha) at may naka imprint na kamay na nakabuka.

Matagal na nung pinagdiwang namin ang aking kaarawan ng aking pamilya. Matagal tagal na rin ng mangyari iyon. Sila ang nagtaguyod sa aking paglaki hanggang matuntong ang anim na taon.

Ang nais ko ngayon ay ang totoo kong mga magulang. Gusto ko silang makausap kahit saglit lang. Sana ay dalawin nila ako sa panaginip. Kahit ngayon lang...

Muli ay natigilan ako sa pagiisip sa aking mga magulang dahil magboblow na daw ako ng candle.

"Magwish ka na Jade! Dali!" Si Shawn... siya talaga ang pinakamalapit na kaibigan sa aming lima. Siya kasi yong pinagsasabihan ko ng mga kunting sikreto at usapin. Ganoon din naman siya.

Pumikit ako at nagwish...

"Sana makasama ko na ang aking mga magulang at mawala na ang mabibigat na pasanin ko." Munti kong hiling. Nakapagdesisyon na talaga  ako.

Pinagdiwang pa namin ang aking kaarawan. May mga pakulo pa ang mga kuya ko tapos may bigayan ng regalo para sa akin.

Naguumapaw talaga ang saya ko.

.
.
.
Pero may isang bagay na bumabagabag sakin. Para bang tinatawag ako nito. Pumunta ako sa kwarto namin at tinignan ang bagay na ito.

Ito 'yong  singsing ni Ama. Umiilaw ito na umaandap andap. Parang tinatawag ako nito at parang dinidiktahan ako na isuot ito.

Unti unti kong nilapit at isinuot sa aking hintuturo ang singsing. Naramdaman ko ang dilaw na liwanag sa aking katawan. Para bang pinapasok nito ang buo kong pagkatao.

Nakita ko na lang ay unti unting sinakop ng nakakasilaw na liwanag ang buong kwarto. Napapalitan ito ng mga berdeng paligid. Isang kagubatan. Na pamilyar sa akin.

"Ama..?" Tawag ko sa isang nilalang na nakatalikod sa akin.

"Maligayang kaarawan anak." Masaya nitong tugon at humarap ito sa akin. Wala na akong sinayang na sandali kaya't niyakap ko na siya ng mahigpit.  Lumuha ako  sa kaniyang dibdib.

"Bakit ka umiiyak? Kaarawan mo ngayon... dapat masaya ka." Sabi ni Ama.

"May ipapakita pala ako sa iyo... isang sorpresa sa aking nagiisang anak..." sabi niya. Sa isang puno ay lumabas ang isang nilalang ...

"Anak!" Sambit nito. Halos napaiyak ako lalo dahil nandito ang  aking  isa pang Ama.

Ang saya saya ko ... umiiyak ako sa saya kahit na sa isang iglap ay magigising ulit ako  sa katotohanan.

"Tay..." muli kong sambit.

"Tara Jade... ipapasyal kita sa kabundukan ng iyong ama. (AN: Parang creepy pakinggan aaah hahaha) maraming mga magagandang  tanawin dito, hali na." Sabi naman ni Ama Abel.

Elite Files: Street ChildrenWhere stories live. Discover now