File 10 - Ang mga Kataga

75 5 0
                                    

.
.
.
.
-----------Jade

Nang matanggap ko ang pirma mula kay prinsesa Freya ay nagpasalamat muli ako. Ang kontrata palang ito ay nagiging tattoo... ang tattoo ko ngayon ay nakalagay sa kanan kong balikat, isa itong simbolo na naglalarawan ng isang kitsune na may siyam na buntot.

"Dahil sa markang iyan pinahihintulotan ka naming makalabas pasok sa aming mundo at maaari mo ring dalhin ang katawang lupa mo dahil kakampi ka na namin. Tatlo lang ang kaya mong tawagin sa ngayon kapag nangangailangan ka ng tulong sa mundo ninyo." Mahabang pahayag ng Hari.

"Sino-sino naman po sila mahal na hari?" Paggalang ko.

"Isa sa mga ito ay ang iyong nakatunggali sa laban kanina... si Aren. Pangalawa ay si Mantra ang kitsune na bihasa sa larangan ng panggagamot. Pangatlo ay ang mga kambal na kitsune sina Dark at Light... may kakayahan silang gumamit ng energy balls gamit ang dilim at ang liwanag." Sabi nito.

"Sa ngayon ay inihahanda nila ang kanikanilang sarili sa pagtawag mo." Patuloy nito sa sinasabi.

Sa ngayon ay maayos na ang pakiramdam ko pero dama ko parin ang enerhiyang pinagkaloob ni kuya Oliver kanina. Magpapaalam na sana ako at magpapasalamat muli pero...

"May nakapagsabi na ba sa iyo ang tungkol sa kataga?" Tanong ng isang matandang kitsune.

"Isa akong Seer... ako si Sano." Nagbow ito.

"Kinagagalak kitang makilala ginoong Sano." Siyempre nagbow din ako. "Paumanhin pero ano ang kataga? May kinalaman ba ito sa akin?" Taka kong tanong.

"Ang kataga ay sinaunang propesiya sa mundo ng mga may kapangyarihan. Nagsisilbi itong mga babala sa mga nangyari... nangyayari... at mangyayari pa lang na tagpo." Paliwanag nito.

"Haaah? Ano? Hindi ko maintindihan."

"Isang bata ang magpapalaya sa makalumang sumpa. Papalayain nito ang isinumpang pagmamahalan ng dalawang nilalang... kasabay ng paglaya ay ang pagsapit ng kadiliman... iyon ang nais na sabihin ng mga kataga... at ikaw... ikaw ang sinasabi sa katagang iyon." Sabi nito... nagulat ako sa aking nalalaman. Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit na ito ni Tito Al kanina ngunit magkaiba lamang ang pagkakasalaysay.

"Isang bata ang gigising sa makalumang propesiya. Dalawang magkasintahan ay kaniyang mapapalaya. Ang batas ng kalikasan ay mapapalitan ng makabagong paraan. At siyang gigising din sa diwa ng kadiliman." Ang pagkakatanda ko sa kataga ay rumehistro sa aking isipan.

"Mukhang naaalala mo na ulit ang mga katagang binanggit ni Al." Nagulat ako dahil kilala niya si Tito Al.

"Lahat ng mga mabubuti at nakakataas na Seer ay may pagpupulong tuwing nakakakita kami ng mga kataga kaya nagkakakilala kaming lahat." Paliwanag nito na para bang nababasa ang isip nito.

"Kung anuman ang naghihintay sayong tadhana ay dapat pagtuunan mo ito ng pansin. Ang buhay ay punongpuno ng daang tatahakin pero ikaw mismo ang siyang pipili ng iyong landas." Huminto siya saglit sa pagbibigay ng payo sa akin. "Piliin mo ang landas na ikabubuti para sa lahat.

Yun lang ang nasabi ni ginoong Sano at agad na lumakad ito papalayo.

"Jade kahit anoman ang pipiliin mo ay kasangga mo kaming mga kitsune." Pagaagaw pansin ni Freya.

"S...salamat.." sabi ko na lang ng pautal.

"Sige maaari ka ng bumalik sa mundo ninyo. Pangalagaan mo ang iyong sarili Owner." Sabi ng hari.

Kinumpas niya ang kanan niyang kamay at nagsambit ng mga orasyon. Nabalutan ako ng liwanag at nakaramdam ako ng pag-angat sa buo kong katawan. Napagtanto kong ako ay lumulutang at bawat parte ng aking katawan ay naglalaho na parang usok.

Elite Files: Street ChildrenWhere stories live. Discover now