Canvas 34 - Mr Smiling Blue Eyed Man

1.8K 98 23
                                    

"Good Morning." Bati ni Jared pagmulat ko. "Labas ka na. Pasikat na ang araw." Tumingin muna ako ng matagal sa kanya bago tumango. "Leah, bumangon ka na." Nakangiting salita nito na pinaalalahanan ako.

"Opo." Bumangon na ako at lumabas na si Jared sa tent. Dito kami natulog magkasama. I told him everything. I told him who I am. Sinabi niya na kilala niya ang pamilya ko. Si Daddy at si Mommy pero hindi ako. Medyo nahurt ako na hindi niya ako kilala pero acceptable naman iyon. Hindi kasi ako palalabas at nasa spotlight kumbaga gaya ng mga magulang ko at iyon ang gusto ko. Privacy. I told him I also know his family. It's a small world nga sabi niya kagabi. Truly God has a plan. Hindi niya kami pinagmeet sa Manila kung saan pareho kaming masasabing maayos pa, nagkita kami rito sa Batanes kung saan pareho kaming sugatan, mahina at may pinagdadaanan para may matutunan magkasama. God is really timeless. Hindi siya sumusunod sa plano at oras ng tao o sa kahapon, ngayon at bukas. God has his own perfect timing and we should just heed to His timing because he knows...he knows what is best for us.

"Baby." Sumilip ito at mukhang papagalitan na ako.

"Ito na po kuya." Salita ko at ngumiti ito sa tawag ko. "Namiss mo no?" Lalong lumaki ang ngiti nito.

"Huwag kang mag-iba ng usapan. Bumangon ka na o bubuhatin kita palabas?" Gumapang na ako papunta sa kanya at lumabas.

"Ang istrikto mo." Tabig ko pa sa balikat niya at ngumiti ito at inakbayan ako.

"Alam ko kasi na tamad ka kapag umaga tapos matigas pa ang ulo mo. I have to be firm for you to follow me. Pag hindi naku!" Natawa ako.

"Hmp! Mas daig mo pa si Daddy. Akala mo sa akin bata--"

"Shh..." Pigil pa nito sa akin. "Watch." Salita niya at tumingin ako. It is again sunrise. The beauty of the sunrise and morning. Napangiti ako. I am really thankful, thankful to God that I am able to experience this again, experience myself to trust and love again. I am really thankful for my friends. For Nanay Maria, if it wasn't for her I wouldn't meet Jared again. I am thankful for cheerful Chris who become so much more than a friend to me. He is more of a mentor, a guide in knowing Him and in appreciating what He has done. A brother, that always cheered me on. And Jared, my ever protective but loving man, for being God's instrument in my acceptance and healing. For me to have another chance to experience life again. He is my second chance. My second chance to trust and to love again. A new morning, a new beginning.

"Hi, I am Jared Wilson and you are?" Lumingon naman ako sa kanya at nakangiti ito sa akin at nakalahad pa ang kamay para sa isang handshake.

"I am Leah Mari Robles. Nice meeting you, Jared Wilson." Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin siya ng malaki at nakipagkamay sa akin.

"Alam mo bang matagal kong hinintay ang pagdating mo? Salamat at dumating ka na." Tingin nitong mabuti sa akin. "Sa sobrang tagal mong dumating sa buhay ko, akala ko nga tatandang binata na ako." Natawa ako sa sinabi niya at ngumiti naman ito ng malaki sa akin.

...
"Ang sarap!" Hindi ko na mapigilan ang compliment ko sa pagsubo ko ng niluto ni Jared na Caldereta. "Nakakainis ka naman. Bakit ang galing mong magluto?" Tumawa naman ito at naupo sa tapat ko.

"Alam mo na nga ang sikreto tinuruan na kita." Kindat pa nito sa akin. "Next time ikaw magluto, okay?"

"Pero..." Nag-alangan naman ako sa pagsagot. "Pero dapat kasama pa rin kitang magluto." Ngumiti naman ito.

"Okay, okay." Nagpatuloy na kami sa pagkain. Late na kami nakapaglunch dahil late na rin kaming nakapag-almusal dahil nawili kami sa kakapanuod ng scenery mula sa burol. Sobrang late na rin kaya lunch and dinner na rin ito in one since alas sais na. Natagalan kasi si Jared na palambutin ang beef dahil wala kaming pressure cooker. But I don't mind waiting for him. Pagkatapos kasi ng paghihintay ay ganito naman kasarap ang outcome.

Love On CanvasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon