Entry #11

21.7K 1K 37
                                    

TULDOK

Ano'ng mas nakakabitin sa isang kuwit?
Ano'ng mas nakakalito sa isang tanong?
Ano'ng mas nakakagulat
Sa tandang padamdam?

Isang tuldok.

Susulpot lang para sabihing
Hanggang dito nalang po.

At 'pag minamalas ka pa talaga
Masusundan agad ito ng isa pang tuldok,
Huwag na po nating ipilit,
Ang pangungusap ay di na mauulit.

At dahil nga mahilig magpatawa ang tadhana,
Bibigyan ka nito ng isa pa uling tuldok
Para lang ipamukha sayo
Na tapos, na tapos, na tapos na ang kwento.

- Page 40 of Puro Ka Hugot, Ibaon Mo Muna by Rod Marmol.

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now