Entry 62

12.5K 462 45
                                    

October 21,2017 | 11:53 PM

Diary, ang tagal na nung huling sumulat ako sayo. Sorry! Ang dami kasing nangyari. Una, humingi na ng tawad si Maya. Pero hindi ko pa rin siya napapatawad. Pangalawa, bumalik na si France. Ilang buwan din kaming hindi nag-usap. Pangatlo, pupunta ako ng Bacolod bukas. Regalo kasi sa akin ni France. Buti nalang sembreak na namin. Marami akong time.

Siguro nga tama siya. I need time to heal. At ang best way to heal ay magtravel. Alone.

Pero ang dami kong tanong pagdating kay France. Bakit kaya ginagawa 'to ni France para sa akin? Bakit ayaw niyang magkita kami sa personal? Bakit pa-mysterious siya?

Hindi ko kasi maiwasang isipin na baka nakakasalubong ko na pala siya sa daan tapos hindi ko alam na siya na pala si France. Hindi niya alam na ako na pala si Mona.

Anyway, sana safe ang flight ko papuntang Bacolod bukas. Sana masaya yung 3 days stay ko doon. Sana kasama ko si France.

- Monalisa

Where Do Broken Hearts Go?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن