Entry 81

8.5K 322 29
                                    

November 10, 2018 | 11:00 PM

Diary, ilang araw na akong hindi nag-oonline sa social media. Ilang araw ko na ring hindi kinakausap si France.

Nagtataka na rin si Maya kung bakit hindi ako pumapayag na sa bahay nila gumawa ng thesis. Palagi niya akong tinatanong kung may iniiwasan daw ba ako sa bahay nila.

Naiilang pa ako kapag nagkukwento siya tungkol sa kuya niya. Naaalala ko kasi bigla lahat ng pagkakataon na magkausap kami ni France.

Ang dami kong gustong tanungin kay Maya tungkol sa kuya niya. Pero alam kong magtataka siya kapag nagtanong ako.

Baka isipin niya crush ko kuya niya. Eh hindi naman 🙄

Anyway, diary, November na pala. Ilang buwan nalang at matatapos na ang college life ko. Kinakabahan tuloy ako.

- Monalisa

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now