EPISODE 5 (POSTED)

790 35 1
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 5

Magkatabing nakaupo ngayon sa buhanginan sila Harold at Anton. Nakaharap sila sa malawak na dagat na kay gandang pagmasdan. Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay dito sila nagpunta.

Napapangiti si Anton habang tinitingnan si Harold. Sobrang saya lang rin kasi niya na lagi na niya itong nakakasama ngayon.

"Siguradong inis na inis si Gun kay Chace... Hindi ba naman kasi patulugin dahil sa pagyakap buong magdamag." Natatawang sabi ni Harold. Naisip niya kasi ang dalawa. Nakita niya ang ginagawang pagyakap ni Chace kay Gun kagabi dahil gabing-gabi na rin siya nakatulog. Walang kamalay-malay ang half-bother niya sa ginagawa kay Gun.

"Oo nga e... Mukhang hindi natulog si Gun dahil nung magising tayo, mag-isa lang si Chace sa kama." Sabi ni Anton.

Napatango si Harold.

"Ikaw ba... Mahimbing ka bang nakatulog kagabi?" tanong ni Anton. Alam naman kasi niya na nauna siyang makatulog, ewan niya kung nakatulog nga ba ng maayos si Harold.

Napatango si Harold.

"Masarap ang tulog ko kagabi." Sabi nito na lalong nagpangiti kay Anton.

"Ako ba naman ang katabi mo... siguradong masarap 'yan." Pabirong sabi ni Anton na nagpatingin kay Harold sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" inosenteng tanong ni Harold.

Napailing si Anton saka matamis na ngumiti. Nakakatuwa ang minsang pagiging inosente nito.

Umiwas nang tingin si Harold, bumalik naman ang tingin ni Anton sa malawak na dagat. Sa ganda nito, hindi niya maiwasang dumaloy sa isipan ang mga masasayang alaala nila ni Harold.

Napatingin naman sa kanya si Harold. Muli na naman niyang napagmasdan ang kagandahang lalaki nito.

"Alam kong gwapong-gwapo ka sa akin." Sabi ni Anton ng hindi tumitingin kay Harold na bigla namang nahiya kaya umiwas nang tingin. Ramdam kasi ng una ang pagtingin ng huli sa kanya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.

Hanggang sa muling mapatingin si Harold kay Anton. Nakita niyang parang malalim ang iniisip nito dahil tulala.

"Bakit ka tulala?" pagtatakang tanong ni Harold.

Bumalik naman sa sarili si Anton. Napatingin ito kay Harold saka ngumiti.

"May iniisip lang ako." Sabi ni Anton.

"Ano namang iniisip mo?" tanong ni Harold. Ang hilig niyang magtanong.

"Mas tamang itanong ay kung sino ang iniisip ko." Sabi ni Anton.

"Edi sino?" tanong ni Harold saka tipid na napangiti.

Tumitig si Anton kay Harold na nagbigay naman ng matinding kaba sa huli.

"Ikaw." Sabi ni Anton na mas lalong nagpadagundong sa kaba ni Harold.

"A-Ako?" nauutal na tanong ni Harold.

Napatango si Anton.

"Dahil bukod sa tungkulin kong mahalin ka... tungkulin ko rin na isipin ka." Sabi nito.

Dahan-dahan namang napaiwas nang tingin si Harold kay Anton. Nakaramdam siya ng hiya at the same time, gusto niyang itago ang ngiting sumilay sa labi niya dahil aminado siyang kinilig. Napapalo pa siya sa kanyang dibdib dahil iyong puso niya, ang bilis at ang lakas ng tibok.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now