EPISODE 10 (POSTED)

750 32 2
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 10

Nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay ni Gun habang nakatingin siya sa kanyang secretary na nakatayo lamang malapit sa kanya at nakayuko.

"Simpleng trabaho lang ang ipinapagawa ko sayo pero hindi mo pa naayos... Ano ba ang iba mo pang pinagkakaabalahan at hindi ka makapag-pokus sa kung anong trabaho mo dito? Galit na wika ni Gun na mas lalong napayukong babaeng secretary niya. Ang mga kamay nito ay bahagyang nanginginig habang magkahawak sa isa't-isa.

"Gawan mo ng paraan si Mr Perez a... Humingi ka ng sorry saka iresched mo ang dapat sana ay meeting naming dalawa na hindi mo nasabi sa akin... Nakakahiya sa kanya, akala niya siguro hindi ako propesyunal pagdating sa trabaho pero ang totoo, dahil iyon sa kapabayaan mo." Sabi pa ni Gun. Hindi kasi nasabi sa kanya ng kanyang secretary na may meeting siya kay Mr. Perez na isa sa mga shareholder nila dito sa kumpanya.

"I'm sorry ho Sir..."

"I don't need your sorry... What I need is your full attention to the work... Kung ganyan ka lagi, siguradong hindi ka magtatagal." Sabi kaagad ni Gun. Bakas sa mukha nito ang galit.

"Sige po... Kakausapin ko po si Mr. Perez..."

"Then get out! Take some action!" pasigaw na wika kaagad ni Gun na halos ikatalon ng kaawa-awa niyang secretary dahil sa lakas ng boses nito.

Halata ang takot nito sa paulit-ulit na pagtango.

"Ok po Sir..." sabi ng secretary niya na kaagad ng lumabas ng opisina ni Gun para pumunta sa mesa nito na nasa labas lamang.

Napabuntong-hininga si Gun. Tumingin sa kawalan. Kaawa-awang secretary, napagbuntungan pa ng init ng ulo niya.

Ilang araw na bang mainit ang ulo niya? Isa, dalawa, tatlo... limang araw na pala. Sa mga nakalipas na araw na iyon, napagtanto niya na iniiwasan nga siya ni Harold at hindi niya maintindihan kung bakit.

Wala naman siyang ginawang masama, ok naman sila at iyon ang pagkakaalam niya pero bakit ganun na makitungo sa kanya si Harold?

Hindi na siya madalas na kinakausap nito, kapag tungkol lang sa trabaho doon lamang nila nagagamit ang dila sa isa't-isa. Kapag pupunta siya sa opisina nito para dalhan ng kape, tatanggapin nga nito 'yung kape pero pakiramdam niya, gustong-gusto na nitong lumabas siya sa opisina nito. Pinaparamdam sa kanya na ayaw siyang kausap o tingnan man lang.

Napahilamos ng mukha si Gun. Nafru-frustrate siya sa mga nangyayari ngayon sa pagitan nilang dalawa pero higit pa doon ang nararamdaman niya, nalulungkot at nasasaktan siya sa pakiramdam na para siyang may nakakahawang sakit kaya siya nito nilalayuan.

Ayaw niyang magalit pero hindi niya maiwasan. Hangga't maaari sana ay hindi niya dinadala sa trabaho ang mga pangit na nararamdaman niya pero hindi niya pa rin maiwasan.

"Ano ba kasing nangyayari Harold? Ok naman tayo pero bakit ka ganyan pagdating sa akin? Hindi mo man lang naiisip na nalulungkot at nasasaktan ako." Sabi nito sa sarili.

- - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - -

Lumabas ng opisina si Harold para pumunta sa cafeteria at bumili ng pagkain. Naubusan kasi ng stocks ang ref niya kaya naman kailangan niya pang lumabas para makabili ng pagkaing kakainin niya ngayong tanghalian. Naglalakad na siya sa hallway.

Bigla na lamang namilog ang mga mata ni Harold sa gulat dahil biglang may humawak sa kanyang kaliwang kamay at hinila siya sa kung saan. Hindi na siya nakapiglas at napasunod na lamang dahil mas malakas sa kanya ang taong gumawa nun.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن