EPISODE 6 (POSTED)

809 34 0
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 6

"Oh... Dahil malapit na rin tayong umalis dito... Kailangan lubusin na natin ang paglilibot dito sa isla." Sabi ni Cass sa lahat. Nasa sala sila ngayon. Magkatabing nakaupo sila Harold, Kiel at Anton sa mahabang sofa. Sa single sofa naman si Madam Esmeralda habang nakatayo naman sila Chace at Cass at magkatabi at si Gun, ayun at nasa tabi ng inuupuan ni Harold pero nakatayo siya.

"Ano pa bang pwede nating gawin dito?" tanong ni Madam Esmeralda.

"Marami pa Tita... Nasubukan namin ni Chace nung isang araw ang jetski saka ang banana boating at masaya siya." Sabi ni Cass.

Napatango-tango si Madam Esmeralda.

"Mukhang masaya nga 'yan... Kaso hindi ba delikado 'yan?" tanong nito.

"Of course not Tita... May mga lifeguards naman sa paligid saka isa pa, may mga magtuturo naman sa atin ng tamang pagsakay at pagpapaandar ng mga iyon." Sabi ni Cass.

Napatingin si Madam Esmeralda kay Harold.

"What do you think Anak? Ok ba ang suggestions nila Cass?" tanong nito.

Napangiti si Harold saka tumango.

"Mukhang masaya naman... Saka hindi rin delikado dahil kung oo, wala sana sila Cass at Chace ngayon." Pabirong sabi ni Harold na ikinatawa nila pwera kay Cass na sinamaan siya nang tingin.

"Ang bad mo a." Maarteng sabi ni Cass.

"O siya... magbihis na muna kayo tapos magkita-kita na lamang tayo sa labas." Sabi ni Chace.

Napatango naman ang lahat sa sinabi niya saka sumunod sa gusto niya.

- - - - - - - - - - - - - - - -

Nasa dalampasigan na nga ang lahat.

"Katawan... katawan... katawan... oh... katawan!" pagkanta ni Cass sa boses lalaki na ikinatawa naman ni Madam Esmeralda at ng iba pa. Paano naman kasi, ang mga lalaki, topless kaya nakalitaw ang mga naggagandahang katawan. Nag-uumpaw sa kakisigan. Tanging mga board shorts na iba-iba ang kulay ang suot ng mga ito.

"Ang laki ng katawan ko no?" tanong ni Chace kay Cass sabay flex pa ng mga muscles nito sa braso at pinalalabas ang daga.

"Oo na... Ikaw na... Pero talo ka kaya nila Anton at Gun. Mas makisig siya sayo." Pang-aasar na sabi ni Cass sa pinsan.

Napatingin si Chace kay Anton at Gun. Napasimangot.

"Mas ma-appeal naman ako sa dalawang 'yan." Pagtataas ni Chace sa sarili na ikinatawa na naman nila.

"Oy Harold... Tatawa-tawa ka pa diyan a." Sabi ni Chace na tumingin kay Harold. Napangiti lamang ito habang buhat-buhat si Kiel, ang tanging lalaking bata na hindi naka-topless. "E parehas lang naman tayo ng katawan." Dugtong pa ni Chace. Hindi naman sila nagkakalayo ng ganda ng katawan.

"O siya... Halina kayo at umpisahan na natin ang saya!" sabi ni Cass at nauna na sila ni Chace na pumunta sa isa sa mga jetski na sasakyan. Siyempre, may taong nag-assist sa kanila.

"Magkakasama tayo sa isang jetski a." Bulong na sabi ni Anton kay Harold. Magkatabi kasi sila.

Napatango na lamang si Harold saka ngumiti. Si Gun, ayun nakatingin sa kanila saka napabuntong-hininga. Napansin iyon ni Madam Esmeralda at tipid na lamang na napangiti.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt