EPISODE 13 (POSTED)

713 32 1
                                    


#TBMG3IChooseYou

EPISODE 13

Humupa na ng bahagya ang mga customers sa restaurant kaya naman nagkaroon na ng pwesto ngayon sila Harold at Anton para makaupo at makakain na rin.

Nasa dulong bahagi sila, magkatapat na nakaupo sa isang pandalawahang mesa habang hinihintay ang mga pagkaing ipinahanda ni Anton.

"Oo nga pala... Hindi ka na ba magdadagdag pa ng branch mo ng restaurant? Ang lakas naman pero hindi mo pa sa akin nababanggit kung may expansion kang gagawin." Sabi ni Harold, tipikal na tanong ng isang negosyante.

Napangiti si Anton.

"Sa ngayon ay wala pa... Ok naman ang kita ng restaurant at sapat na muna iyon para sa akin." Sabi nito.

Napatango-tango si Harold.

"E ang kumpanya niyo? Maayos mo bang napapamahalaan?" tanong ni Anton.

Napatango saka ngumiti si Harold.

"So far so good pa rin... Katulong ko sila Gun at Chace dagdagan pa na bumalik na si Henry kaya ok na ok." Sabi nito.

Napatango-tango si Anton saka ngumiti. Masasabi niyang wala na talaga silang problema dahil ang mga nangyayari sa relasyon nila ay puro saya at iyon ang gusto niya, walang kumplikasyon.

Naputol ang pag-uusap nila Harold at Anton ng dumating si Angelica bitbit ang isang tray na naglalaman ng mga plato ng pagkain na pinahanda ng huli.

"Good afternoon Sir... Here's your creamy pasta." Sabi nito. Nilapag ang mga plato sa mesa, ang isa ay sa tapat ni Anton at ang isa ay kay Harold. Tumingin si Angelica sa una saka ngumiti, tiningnan rin nito si Harold at ngumiti rin siya dito na ginantihan naman ng huli.

"By the way Angelica... Ipapakilala ko sayo si Harold." Sabi ni Anton. Muli namang napatingin sa kanya si Angelica saka tumingin din kay Harold. "He's my partner in life." Sabi pa nito.

Napangiti naman si Angelica. Hindi man sabihin ng diretsahan sa kanya pero napapansin naman niya ang kakaibang closeness ng dalawa. Lingid nga sa kaalaman ng dalawa ay napapatingin siya sa mga ito kanina habang abala sa pagsisilbi sa mga customers.

"Hello po." Sabi ni Angelica. "Ako po si Angelica... Bago pong waitress dito sa restaurant ni Sir Anton." Pagpapakilala rin nito sa sarili.

Napangiti si Harold saka tumango.

"Nahihirapan ka ba sa trabaho Angelica?" tanong ni Anton na muling nagpatingin kay Angelica sa kanya.

Napailing ito. "Hindi ho Sir... Nag-eenjoy nga po ako." Sabi nito. Halata naman kasi hindi kakikitaan ng pagod ang maganda nitong mukha.

Napangiti si Anton.

"Good." Sabi nito.

"Sige ho... Balik na po ako sa trabaho." Pagpapaalam ni Angelica.

Napatango naman ang dalawa sa kanya.

"Nice meeting you Angelica." Sabi ni Harold.

Napatingin naman sa kanya si Angelica saka ngumiti, matapos iyon ay umalis na rin ito at bumalik sa trabaho.

Nagkatinginan sila Harold at Anton.

"Sa tingin mo ba nagkamali ako ng pagkuha sa kanya?" tanong ni Anton.

Napailing si Harold saka ngumiti.

"Halata namang masipag siya at mabait... Ang mga ganyang ugali ng isang empleyado ay malaking asset ng isang negosyo." Sabi nito.

#TBMG3: I CHOOSE YOU (M2M, ROMANCE, MELODRAMA) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now