Chapter 7.2

107 4 0
                                    

“Richard, saan mo dinala si Carla? Anong ginawa mo sa kanya?”nag-aalalang tanong ni Marissa sa kanya ng gabing iyon. Kanina pa ito tumatawag sa kanya pero ngayon lang niya nagawang sagutin ang tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa kwarto noon at naghahanda na sana sa pagtulog.

“Relax, Marissa. Wala akong ginawang masama sa kanya.”kalmado niyang sabi at sumandal sa headboard ng kanyang kama.

“Saan mo nga dinala si Carla? Nasaan kayo? I’ve been calling you the whole time pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala na kami dito ni Vicky.”pangungulit ng dalaga sa kanya.

Napa-buntung hininga naman siya. “Nandito kami sa farm sa Pangasinan.”

“What?! Anong ginagawa ninyo dyan?”

“Wala naman. Dito ko lang naman siya balak papagtrabahuin tutal gusto din naman niyang umastang lalake so I’m giving her a job fit for her preferences.”sarkastikong sagot niya rito.

“My God Richard! Why are you doing this to her? Hindi naman niya intensyong lokohin ka. Why are you so angry to her? She just did that for the sake of her father’s health. Bakit pinaparusahan mo siya ng ganyan?!”

“Ba’t ba si Carla ang ipinagtatanggol mo? Ako nga itong niloko eh.”maktol niya rito.

“Stop being so childish Chad. Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo? Paano na lamang yung tatay ni Carla? Sinong mag-aalaga ro’n? Alam mo namang may sakit ang tatay niya hindi ba?”

Natigilan naman siya sa sinabi nito. Oo nga, may sakit nga pala ang tatay ni Carla. Iyon din ang itinuturong dahilan ni Carla kung bakit daw nito nagawang magpanggap na lalake.

Napabuntung-hininga siya in frustration. Malay ba niya kung totoo ang sinasabi nito? O baka naman gumagawa lang ito ng kwento?

“My decision is final. She’s going to work here.”sabi niya sa seryosong tinig.

“Arghh… You’re so cruel!”tili ni Marissa sa kanya.

“Whatever. Sabihin mo na lang kay Vicky na sabihin sa tatay ni Carla na inilipat ko nang trabaho ang anak. Dadalawin ko na lamang kamo siya sa isang araw.”utos niya sa kaibigan.

“Bahala ka na nga!”inis na sabi nito sa kanya ng tila hindi makuha ang gusto. “Huwag mo masyadong parusahan si Carla okey? She’s a nice person!”dagdag pa nito.

“You call her nice after what she did to me?”napailing- iling siya. “Anyway I have to say goodnight now. I’ll be there tomorrow after I’m done here.”saka na niya pinindot ang end button.

Matapos noon ay nahiga na siya sa kanyang kama. At habang nakahiga ay nag-iisip siya kung paano niya pahihirapan si Carla bukas.

*~~~~*~~~~*~~~~*

Kinabukasan ay maaga ngang nagising si Carla gaya ng utos sa kanya ni Mang Erning. Kakasuot lang niya ng loose t-shirt at isang kupasing pantalon. Bigay ito ni Mang Erning kagabi. Pinadala nito iyon kagabi sa anak nitong dalaga kasama ang napkin na hinihingi niya mula rito. Buti na lang at may mga kasyang damit para sa kanya kung hindi eh baka nagtrabaho siya sa farm na iyon na naka-maid uniform.

“Magandang umaga sa iyo, Carla.”bati ni Mang Erning pagkalabas pa lang niya ng tinutuluyan. Marahil ay hinihintay siya nito para mai-guide sa gagawin niyang trabaho.

Nginitian niya ang matanda. “Magandang umaga din ho.”

“Halika na hija at siguradong nandoon na ang mga trabahador.”yaya sa kanya ng matanda kaya sinabayan na niya ito sa paglakad. Agad naman siyang tumalima at sumunod dito. Habang naglalakad ay nagmasid- masid na rin siya sa farm. Malawak din pala ang lupaing pagma-may ari ng pamilya ng binata. Nakikita niya ang malawak na maisan nila sa kanang bahagi ng farm nila. Habang sa kaliwa naman ay may mga manggahan din. Sabi naman ni Mang Erning nasa likurang bahagi ng farm ang babuyan at manukan nila.

Just The Way You Are(Finished)Where stories live. Discover now