Chapter 18

92 3 0
                                    

Naging masaya ang mga lumipas na sandali para kina Chad at Carla. Punung-puno sila ng pagmamahal para sa isa't isa. Kaya nga ganun na lamang ang tuwa nila Mang Nilo, Marissa at Vicky ng malamang natuloy sa totohanan ang pagpapanggap nila bilang mag nobyo. Ganun na rin ang pagtudyo ng mga ito sa kanila para magpakasal na. Na siya namang ikinatutuwa ni Chad.

"A-Ano to?"kunut-noong napatingin si Carla sa binata matapos nitong isuot sa kanyang daliri ang isang singsing na may dyamanteng singlaki ng butil ng mais. Nasa condo sila ngayon ng binata dahil nangungulit ito na ipagluto niya ng kare-kare.

"Engagement ring. A proof that I'm really serious on marrying you. Hindi mo pa kasi sinasabi kung gusto mo ba akong mapangasawa."seryosong sabi nito.

Napatitig naman siya dito. Nababakas sa mukha nito ang kaseryosohan. "G-Gusto mo ba talaga akong pakasalan? Na makasama ako habang-buhay?"

"Of course!"mabilis nitong sagot. "Hindi mo lang alam kung gaano ko kagusto na pakasalan ka na ora mismo. Na makasama ka sa tuwing paggising ko at pagtulog. I want you to be the mother of our children. Carla, ikaw lang ang gusto ko, ang kukumpleto sa buhay ko. I love you so much, baby."

"Oh, Chad...."naiiyak na sabi niya at niyakap ito. "Mahal na mahal din kita. Gusto kong ikaw ang makasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ikaw lang."

Napangiti ang binata saka hinalikan ang buhok nya at niyakap pa ng mahigpit. Hindi nito maiwasang pangiliran ng luha dahil sa tuwa. "Thank you so much, baby. Thank you so much."saka siya nito pinupog ng halik sa mukha.

*****

After one month...

"Ano 'tong narinig kong usap-usapan na magpapakasal na si Chad?"kunut-noong tanong ni Ronaldo sa asawang si Milda. Nasa library siya noon at nagbabasa ng mga papeles ng pumasok ang Ginang upang hatiran siya ng kape niya.

Napangiti naman ang Ginang ng marinig ang tanong ng asawa. "Yes. He is getting married to Carla next month. You should see how happy your son is. Ang alam ko nga eh pupunta sila dito para dalawin tayo."

Natawa naman siya ng pagak. "Matigas talaga ang ulo ng anak mo. Sarili lang niya ang iniisip niya. Mas pinili pa nyang pakasalan ang hampaslupang iyon kaysa sa babaeng pinili ko para sa kanya."

"Ronaldo..."mahinahong sabi ng Ginang sa kanya. "Malaki na ang anak mo. Masaya naman siya sa mga naging desisyon niya sa buhay kahit pa sumuway siya sa mga gusto natin noon. Hayaan na natin siyang maging masaya sa buhay na pinili niya."

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ko talaga matatanggap ang Carla na yan."mariing sabi ng matandang lalake. "Kung ako lang ang masusunod,mas gusto kong si Emily ang mapangasawa ni Chad. Galing sa prominenteng pamilya ang batang iyon at matagumpay din sa business world. Sila lamang ang nababagay."

Napabuntung-hininga naman si Milda sa mga sinabi ng asawa. "Ronaldo, hindi lang pera at kapangyarihan ang pwedeng magpasaya sa tao. For what i know, love alone can make a person to be very happy and contented. Gaya ng anak natin, he has found true love and happiness na higit pa sa mga kayamanan natin. Sana ganun ka rin, i hope you'll find that happiness within this family."

"Tigilan mo nga ako!"naiiritang asik ni Ronaldo sa asawa. "If you don't have any worthy to say, it would be better that you leave me alone."

Bumakas naman sa mukha ng Ginang kalungkutan dahil sa nakikitang katigasan ng loob ng asawa. "Tawagin mo na lang ako o ang mga katulong kung may kailangan ka."at nang hindi ito sumagot ay lumabas na siya ng silid.

Napatingin naman si Ronaldo sa pintuang nilabasan ng asawa. Hindi niya maiwasang mapabuntung-hininga. He know he's getting old. At wala siyang ibang hinangad kundi ang mapabuti ang buhay ng kanyang nag iisang anak. But Chad is born to be a stubborn child na laging kumukontra sa mga gusto nya. At iyon ang ikinagagalit nya ng husto. Hindi nya matanggap na tinatanggihan ng anak nya ang lahat ng mga pinagpaguran nya para dito. Mas masaya na itong mamuhay ng simple. Tama nga bang hayaan na lamang nyang maging masaya ang anak nya ayon sa kung ano ang gusto nito? Napahawak tuloy sya sa kanyang batok dahil sa pananakit niyon.

Just The Way You Are(Finished)Where stories live. Discover now