Chapter 13.2

88 3 0
                                    

SINAKLOT ng matinding kaba si Carla nang sabihin ni Chad na naroon sa Cafe ng mga oras na iyon ang magulang ng binata at hiniling na Makita siya at makaharap ng personal.

“B-Bakit daw nila ako gustong makilala?"kabado pa ring sabi ng dalaga. Hindi ito mapakali ng mga oras na iyon kung saan naroon sila sa office ng binata.

Napakibit-balikat lamang ang binata. “Ewan ko. Siguro gusto nilang makilala ang babaeng ipinagmamalaki ko kay Emily."

“Ano ba ang mga ayaw at gusto nila? Paanong kilos ba ng isang babae ang gusto nilang Makita? Ung mahinhin ba? Tahimik lang o yung matalino at alam ang lahat ng bagay?"natatarantang tanong ni Carla na nagsisimula nang mag-panic.

Napa-iling naman si Chad saka nakangiting nilapitan si Carla at inakbayan. “Baby, relax. Hindi mo naman kailangang kumilos na ayon sa gusto nila. Just be yourself. Alam ko namang may makikita sila sa iyo na magugustuhan nila."

Napabuntung-hininga siya. “Pasensiya ka na. Wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Kahit pa sabihing nagpapanggap lang tayo, nakakakaba pa rin."

“It's okey, baby. Nandito naman ako. Hindi ako aalis sa tabi mo kapag kaharap mo sina Mom at Dad."pagbibigay assurance ng binata habang pinipisil pisil ang kamay ng dalaga.

Napakunut-noo naman ang dalaga ng mapansin ang kamay ng binata na pinipisil ang palad niya gayundin ang isang kamay nitong naka-akbay sa kanya. “Teka lang, kelan pa napunta yang mga kamay mong yan sa balikat at kamay ko at hindi ko man lang namalayan? May pa- baby-baby ka pang nalalaman ha?"paninita niya rito.

Natawa naman ang binata. “Gusto ko lang maging natural ang mga kilos natin. Para masanay ka na rin kapag nilalambing kita sa harap nila. Ayokong makahalata sila na nagpapanggap lang tayo."

Napairap na lamang siya sa dahilan ng binata.

Si Chad naman ay nangiti sa inaakto niya. “Come here. Dito ka muna sa sofa, mag-relax ka muna dito at hintayin natin si Marissa at Vicky na nag-e-entertain kina Daddy."saka hawak- kamay na dinala ito sa malapit na sofa.

Tahimik namang sumunod ang dalaga sa binata. Pahinamad na umupo siya roon kasunod ito.

“Come on, just relax.”untag ni Chad sa kanya ng di pa rin siya nagsasalita. Hindi pa rin siya mapanatag lalo pa’t makikilala niya ang mga magulang ng binata.

Agad siyang napatingin sa kamay niyang hawak ng binata nang maramdamang minamasahe nito iyon. Masamang tingin ang ibinigay niya rito.

“I’m just trying to relax you.”

Napailing na lamang siya at hinayaan ang binata sa ginagawa nito. Kahit paano naman ay nagiginhawaan siya sa ginagawa nito.

Habang nagmamasahe ito ay pinagmasdan niya ito.

"Bakit?"takang tanong ng binata ng mapansing tinitingnan niya ito.

Kagyat naman siyang natigilan at napaiwas ng tingin. "Ah w-wala. May bigla lang pumasok sa isip ko."

"Ano naman yun?"kunut-noong sabi ng binata at tila na-curious.

Saglit naman siyang nag-isip kung dapat pa ba niyang sabihin dito ang naiisip niya. Nag-aalala naman siyang baka magalit ito sa sasabihin niya.

"Come on spill it out."naghihintay na sabi ng binata.

Napalabi naman siya. "Ahmm...mas okey ka kasing tingnan kapag di ka nagsusungit o nagagalit. Mas maganda kang tingnan kapag maaliwalas ang mukha mo at di nakakunot ang noo mo. Saka mas gusto ko naganyan ka, mabait,mahinahon at di galit."

Natigilan naman ang binata sa ginagawang pagmamasahe sa kanya. "G-Ganoon ba?"

Bahagya namang nataranta ang dalaga ng makitang natigilan ito. "Uy huwag mo masamain yung sinabi ko ha? Ano lang kasi...m-mas gwapo ka kapag di ka galit o nagbubugnot."

"Mas gwapo?"pag-uulit ng binata sa sinabi niya. "You mean kapag galit ako gwapo pa rin ako? Naga-gwapuhan ka pala sa'kin?"pilyo ang ngiting sabi ni Chad.

Pinamulahanan naman ng husto sa mukha si Carla. "Wala 'kong sinabing ganun ah!"

Natawa naman ang binata. "Kakasabi mo lang eh!"sabay pisil sa namumula nitong pisngi.

"Aray naman eh!"reklamo ng dalaga sa ginawa ni Chad.

Natigil lang sila ng makarinig ng pagtikhim. Sabay pa silang napatingin at tumambad sa harapan nila si Marissa.

"Buti pa kayo naghaharutan samantalang kami ni Vicky hindi magkanda-ugaga sa pag-asikaso kina Tito."

"Sinasamahan ko muna si Carla. She's a bit nervous. Alam mo namang ito ang unang beses na magkakakilala sila."pagpapaliwanag ng binata.

"Mukha ngang nagkakagaanan na kayo ng loob eh. Don't tell me kayo na talaga?"

"Naku Ma'am hindi po!"agad na tanggi ni Carla.

"Naku di magtatagal dyan din ang punta ninyo."diskumpiyadong sabi ni Marissa.

"How's Mom and Dad?"pang-iiba ni Chad dahil nakikita niya ang pamumula na naman ni Carla.

"Okey naman sila. Pero hinahanap ka na nila at si Carla."

Napatango tango naman ang binata saka tumingin kay Carla. "Lets go?"saka niya inilahad ang kamay rito.

Nag-aalangan man ay inabot na rin niya ang kamay niya dito.

"Wait lang Carla, ire-retouch muna kita para naman fresh ang itsura mo kapag kaharap mo sila."sabi ni Marissa na hinila siya at pinaupo ulit at kinuha ang make up kit nito.

Tahimik namang sumunod ang dalaga. Kailangan din naman niyang magpaganda para hindi siya maging kahiya-hiya sa harap ng magulang ng binata.

"Simpleng make-up lang ang ilalagay natin sa'yo. Pangit kasi kapag makapal. Palulutangin lang natin ang ganda mo."sabi ni Marissa habang nilalagyan siya ng blush on.

Tahimik naman siyang nakinig dito kahit pa naiilang siya ng lagyan na rin siya nito ng eyeliner at eyeshadow gayundin ng lipstick. Nahihiya din siyang tumingin sa binata na nakangiting nagmamasid sa kanila.

"Ayan, you look prettier, hindi ba Chad?"tuwang tuwang sabi ni Marissa.

Nakangiting tumango ang binata. "Marissa's right. You're beautiful."

"S-Salamat."nahihiyang bigkas ng dalaga.

"Oh bago pa kayo magka-in-love-an dyan, ang mabuti pa eh lumabas na kayo at kanina pa kayo hinihintay."agaw naman ni Marissa sa kanilang dalawa.

Tumango naman ang binata. "Come on."yaya ng binata kay Carla saka kinuha ang kamay niya at ikinulong sa palad nito.

Agad namang tumalima ang dalaga at sumunod sa binata. Pero habang papalabas sila ay napatingin siya sa kamay nilang magkasiklop. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba sa mga ginagawa at ipinapakita ng binata. Tila may dumadaloy na kuryente sa bawat himaymay ng katawan niya sa tuwing hinahawakan siya ng binata. Kumakabog din ng husto ang dibdib nya sa tuwing nginingitian sya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon? Attracted na ba siya dito?

Napailing naman siya. Bakit ba siya nagpapadala sa mga ipinapakita ng binata? Alam naman niyang pagpapanggap lang iyon lahat at kapag tapos na ang lahat,back to normal na naman sila. Siya bilang trabahador nito. Hindi niya dapat bigyan ng kulay ang mga pinapakita nito, dahil baka siya lang ang mapahiya at masaktan sa huli. 

Just The Way You Are(Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon