Chapter 8

109 4 0
                                    

NATIGIL sa pagkain ang mga tauhan ng Farm ng makita ng mga ito si Chad na buhat-buhat ang walang malay na si Carla habang papunta sa sasakyan. Napatayo pa ang ilan para maki-usyoso habang ang ilan naman ay kababakasan ang pag-aalala sa mukha sa nakikitang eksena.

"S-Sir Richard, ano hong nangyari?"tanong ni Mang Erning na nasa mukha ang pag-aalala ng makalapit ito sa kanila ng nasa sasakyan na sila.

"Nahulog ho siya mula sa puno ng mangga at nawalan ng malay."

"Naku, baka ho may nabalian ho sa kanya."sabi ng matanda na ngayon ay natataranta na. tinulungan pa nito ang binata sa pagsakay sa walang malay pa ring dalaga.

Napabuntung-hininga naman ang binata. "Sana lang po ay hindi."sabi nito saka sumakay na sa sasakyan.

"Tatawagan ko ho si Doctor Mercado para matingnan ang kondisyon ni Carla."

Tumango ang binata. "Sige po, Manong. And please lang pakisabi sa kanya to come quickly para matingnan niya ang kondisyon ni Carla."

Bilang tugon ay tumango ang matanda. Siya naman ay agad binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at saka ito ipinausad papunta sa kanyang bahay doon mismo sa farm. Doon na lamang niya dadalhin ang dalaga para masiguro ang kondisyon nito. Habang nagmamaneho ay saglit niyang sinulyapan ang dalagang wala pa ring malay at nausal sa sarili na sana ay maayos lang ang lagay nito.

*~~~~*~~~~*~~~~*

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Doctor Mercado at agad tiningnan ang kondisyon ng dalaga.

"How is she doc?"agad na tanong ni Chad ng makitang lumabas ito sa guest room.

"Wala naman akong nakitang fracture sa kanya. Nawalan lang siya ng malay dahil sa takot at nerbyos. Isa pa doon ay tanghaling tapat na ay nasa trabaho pa siya at napakainit ng panahon, plus the fact that she's having a period today. Pagod at takot ang dahilan ng pagkawalan niya ng malay. I suggest that you give her some rest. Huwag mo na muna siyang bigyan ng mga mabibigat na trabaho."litanya ng doctor ng sa kanya.

"I see."tanging nasabi na lamang niya. Paano kasi'y nakaramdam siya ng guilt dahil siya ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Carla. Pinagod niya ito at pinag-trabaho ng mabigat.

"Anyway, I'm just curious kung bakit may trabahador kang babae sa manggahan mo. Kulang ka ba sa tauhan ngayon?"kunut-noong tanong ng doctor sa kanya.

Napangiwi naman siya saka napakamot sa batok. "Err...well it's a long story doc."nakangiwi niyang sabi.

Napangiti na lamang sa kanya ang doctor. "Well whatever your reason is, kailangan mo munang hayaang lumakas siya. May limitasyon din kasi ang kalakasan ng isang babae. Unlike us na ang katawan ay dinisenyo para sa mabibigat na trabaho, women's strength and body is not that similar to us. Delicate pa rin sila. So, give her some caring muna at hayaaang ma-regain ang lakas niya."

Napabuntung-hininga naman siya. "Yeah. I guess I should do that. Maraming salamat po sa payo doc."

Matapos ang pag-uusap na iyon ay nagpaalam na rin ang doctor sa kanya. Siya naman ay sinilip ang dalaga na tulog na tulog pa rin.

Habang pinagmamasdan niya ito ay may mga bagay siyang narealize. Kailangan niya sigurong bawasan ang pagpapahirap niya rito. Mahirap na at baka kung ano pa ang mangyari rito. Isa pa ay hindi naman niya laging mababantayan ito sa farm dahil kailangan niya ring pumunta sa Maynila para i-manage ang cafe. Napabuntung-hininga na lamang siya. Siguro nga ay kailangan muna niyang baguhin ang kanyang plano.

*~~~~*~~~~*~~~~*

Tinatamad na napa-inat sa higaan si Carla. Tinatamad pa siyang bumangon. Masarap kasing matulog sa malambot na kama. Bigla siyang natigilan at agad bumalikwas ng bangon. Napakunut-noo siya ng marealize na nasa kwarto siya. At lalo siyang nagtaka ng mapagtantong wala siya sa kanyang kwarto. Nasa isang kwarto siya kung saan mahahalata mong may-ari ang gumagamit ng kwartong iyon.

Nanlaki siya ng maalala ang nangyari kanina. Naaalala na nga niya ngayon na nawalan siya ng malay kanina sa manggahan. Pero sino ang nagbuhat sa kanya? Si Chad kaya? Napaismid siya. Imposible iyon. Ang laki ng galit sa kanya ng masungit niyang amo eh. Malamang isa sa mga tauhan ni Chad ang nagbuhat sa kanya.

Muntik pa siyang malundag sa kanyang kinatatayuan ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Kumabog pa ng husto ang kanyang puso ng makitang si Chad ang pumasok sa kwarto.

"Gising ka na pala."sabi nito habang pinagmamasdan siya.

"A-Ah...Halos kagigising ko lang."anas niya habang iniiwasang tingnan ito sa mukha.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"O-Okey naman na po. Wala naman na akong nararamdamang masama sa katawan ko."

"Mabuti kung ganoon."

Napatango na lamang siya saka namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito ngayon dahil ayaw naman niya itong tingnan.

"Bagay naman pala sa'yo ang mga damit ko."

Naging mabilis ang paglingon niya rito dahil sa sinabi nito at kinunutan pa niya ito ng noo. Nakita pa niya sa mukha nito ang pilyong ngiti sa labi. Saka niya unti-unting ibinaling ang tingin sa suot na damit. Nanlaki pa ang mga mata niya ng makitang sando at boxer short ang suot niya. Parang gusto niyang panawan muli ng ulirat dahil ang suot niyang sando ay manipis ang tela kaya bakat doon ang kulay ng kanyang bra. Ang boxer short naman na suot niya ay maiksi na hanggang gitna na ng kanyang hita. "I-Ikaw ba ang nagbihis sa akin?"

"Bakit, mas gugustuhin mo ba kung ako ang magbibihis sa iyo?"nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

"H-Hindi ah!"mariin niyang sagot.

Bahagyang natawa sa kanya ang binata. "Well hindi ako ang nagbihis sa'yo. Isa pa wala naman akong interes na bihisan ka."

Inirapan naman niya ito. "Wala din naman akong interes na magpabihis sa iyo."sabi niya na nakahalukipkip.

Nailing na lamang sa kanya ang binata. "Magpapadala na lang ako ng pagkain dito kay Manang. Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka ulit at maaga kang matulog. Babalik tayo ng Maynila bukas."

"Pauuwiin mo na ako?"tuwang sabi niya.

"No!"mariing sabi ng binata.

"Pero--"

"I realized na hindi ka pwedeng magtrabaho dito sa farm dahil hindi pa kaya ng katawan mo kaya naisip ko na ilipat ka na lamang sa Maynila."

"S-Saan ako magta-trabaho?"

"Sa bahay ko. You'll be my personal maid."

"Ano???!!" ano ba tong naiisip ng lalakeng ito. Noong isang araw lang ay gusting maging trabahador nito sa farm, ngayon naman ay katulong?

Just The Way You Are(Finished)Where stories live. Discover now