Chapter 6- Next Punishment

114 4 0
                                    

Cheska's POV

naramdaman kong parang nakahiga ako kaya unti-unti kong minulat yung mga mata ko at puro puti yung nakikita ko, narealize ko namang nasa clinic pala ako.

"Gising ka na pala"

Pagtingin ko kung sino yun si diane, kanina pa pala siya naghihintay sa akin.

"Bakit ka andito, tapos na ba yung klase??"

"Tapos na, sabi ni troy andito ka daw kaya pinuntahan kita."

Pagtingin ko sa wall clock sa harapan ko, halos mailuwa ko yung mata ko.. really?? 4 hours akong nakatulog?

"Dont worry, alam naman ng mga teachers nating andito ka."

nakahinga naman ako ng maluwag.

Tinanong ko lang si diane about sa mga nilesson nila kanina, and after uminom lang ako ng gamot at umuwi na din ako.

plano sana naming pumunta sa bahay  kaso may family dinner daw sila kaya next time nalang. Minsan lang din kasi makasama ni diane ang parenys niya.

Sa halip na magpasundo ako, naglakad nalang ako, malapit lang naman dito eh. Habang naglalakad ako sinisipa ko bawat batong madaraanan ko.

Naisip ko, bakit ba kailangan akong parushan ni warren? Eh wala naman akong mabigat na kasalan ah, ang alam ko kasi yung mga may malaking kasalanan lang yung napapabilang dun. Kaso ako.hay.

Para akong zombie ditong naglalakad, para bang pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha ko. Ikaw ba naman kasi ang parushan hindi pa nakakalahati yung parusa ko.

Bigla naman akong nagulat dahil  sa ginawa ng isang sasakyan sa akin. Dinaanan lang naman niya yung tubig sa daanan at dahil sa pagtalsik nung tubig napunta lahat sa akin yung tubig dahilan para mabasa ako....at with matching putik pa!!!  Argh!

Yung uniform ko wala ng itsura, nakakainis naman!! tiningnan ko kung sinong may ari ng kotse at doon ko nalaman na si warren pala yun.

Ano bang balak nito sa buhay? Wala ba siyang ibang magawa, at laging ako nalang ang napagtritripan niya nakakaiinis na siya ah.

"Hoy!! Warren buenavista!!! Bumaba ka nga diyan!!"

Kahit na mapaos pa ako dito siya naman parang wala lang nasa kabilang kalsada kasi niya pinark yung sasakyan niya at pangiti-ngiti lang siya.

"NAPAKAWALANG HIYA MONG DEMONYO KA!!!!!!!!!!!"

Halos lahat ng dumadaan napapatingin na sa akin, wala akong pakealam basta yang warren na yan pag yan nahawakan ko ngayon may kalalagyan talaga siya.

"Suko ka na ba Ms fuentaberde??" Pang-aasar niya..matagal na pero nagtitimpi lang talaga ako sayo dahil sa kanya gustong gusto kong pumatay ng tao.

"Ayaw mo nun, nakaligo ka na. LibRe pa." Patawa-tawa pa siya. Pag ako talaga nasagad hay ewan ko kung kaya ko pang kontrolin yung sarili ko.

"ARGH!!!!!"

Naglakad nalang ako ulit. Pero sa paglalakad ko na iyon hindi ko alam susundan pa niya ako. Bwiset talaga siya kahit kailan.

Hinayaan ko nalang magsasawa din yan. Ilang minuto na ang lumipas nababagot na ako, antagal ko namang makarating sa bahay namin.

"Sakay ka na.."

"Tsss. Sa tingin mo sasakay ako sayo.? Sa tingin ko gugustuhin kong makasama ang nilalang na tulad mo!??"

Alam kong harsh yung sinabi ko pero naiinis na talaga ako sa kanya at wala akong pakealam sa kanya.

One Hundred Twenty Days With HimWhere stories live. Discover now