Chapter 15- About Him

113 4 0
                                    

Troy's POV

Pagkatapos naming magpractice ng basketball, dumiretso agad ako sa bahay, dahil susunduin ko Yung older sister ko.

Habang nagbibihis ako, bigla nalang nag-ring yung cp ko, si cheska tumatawag. Agad ko namang sinagot.

(troy! I need your help! Si warren!)

Nagpantig agad yung tainga ko, dahil sa narinig ko halatang sobrang nag-aalala si cheska.

"what happened?! Asan kayo?!"

(Pawis na pawis si warren,  at nanginginig, pls! Troy i need your help, andito kami malapit sa Koazari.)

"Ok, wait for me ill be there."

Nagets ko kaagad, yung sinabi ni cheska kung nasaan sila, malamang papunta sila sa rest house ng daddy ni warren. hindi ko man alam ang kung anong  nagyari sigurado akong tama ang hinala ko.

Pagdating ko sa place kung nasaan sila warren, agad akong pumunta sa kanila at inalalayan siyang makalabas sa kotse niya, para maipunta sa kotse ko.

Si cheska naman, ang nagdrive sa kotse ni warren, buti nalang talaga marunong siya magdrive.

Sa halip na ideretso ko sa hospital, pinunta ko nalang siya sa bahay nila. Baka mas lalo lang mag-alala yung mommy niya.

Pagkapasok namin sa bahay, sinalubong kaagad kami ni manang Tanya, isa sa mga maids nila, actually kilala ko lahat, sa tagal ba naman naming magkaibigan malamang kabisado ko na.

"Cheska, dito ka na lang muna, bibihisan ko lang si warren" Gusto ko pa sanang asarin si cheska, kaso baka masapak ako nitong pasyente ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ni warren inihiga ko siya kaagad sa kama, matagal na din bago ako ulit makapasok dito.

Binihisan ko siya kaagad. lalabas na sana ako, ng bigla niya akong tawagin.

''Troy, can we talk?"

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Oh! Anong nangyari sa gagong Warren Buenavista?" Pang-aasar ko sa kanya. Nageenjoy talaga akong mang-asar lalo na sa dalawang lovebirds. Alam niyo na kung sino yun.

"tangina mo, seryoso ako." Hindi halata.

"Sabi ko nga." Tumahimik nalang ako, mahirap galitin ang leon.

"where is cheska?" Sabi ko na nga ba, si cheska ang unang hahanapin nito.

"Nasa labas, gusto mo papuntahin ko dito?" Alam ko namang yun ang gusto niya eh, pustahan tayo tatanggi to.

"Wag na. Pakisabi kay mommy, pagdating niya, pakiasikaso nalang si cheska, tell him... dito siya matutulog." Hay! Kabisado ko talaga tong ugok na to. Bakit ba kasi pakipot pa.

"Ok, ano pa?"

"About, sa nangyari kanina, alam ko namang alam mo na yun eh." -warren

"anong meron don?" Ako

"Dont tell to cheska." Tan*na talaga ni warren, sa dinami dami ba naman ng hindi niya pagsasabihan ng sakit niya kay cheska pa. Tang*na talaga.

"Pero wa----" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Pls..., ayokong may nakekealam sa buhay ko." Ayan na naman siya, ang warren na sobrang emotional.

"Oo na."

One Hundred Twenty Days With HimWhere stories live. Discover now