Chapter 44- Wake up

74 1 0
                                    

THIS CHAPTER DEDICATED TO TransparentBlueRoses.

THANK YOU FOR VOTING..

HOPE YOU LIKE IT....

CHESKA POINT OF VIEW

"Kilala mo siya??"

Mukhang nabahala pa si troy kung sasagutin niya yung tanong ko. May tinatago din ba siya sa akin??

"O-oo."

"At tinago mo din sa akin ang katotohanan??"

Gusto ko ng magalit, pero pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Hindi cheska. matagal ko ng kilala si casper, pero nagkakilala lang kami dahil sa business matter ng pamilya ko sa paris at pinakilala siya ng kapatid ko."

Tinitigan ko siya ng mabuti kung nagsasabi ba siya ng totoo o gumagawa lang ng kwento at doon ko napagtanto na sincere siya sa sinasabi niya.

"Cheska alam kong galit ka dahil tinago nila sayo ang katotohanan pero-------"

"Pero ano?! Para sa ikabubuti ko?? Sa tingin ba nila tama lang na itago sa akin ang katotohanan?? Kung sinabi sana nila noon pa edi sana hindi nakikipaglaban si warren at ang kaibigan ko kay kamatayan!" At doon na tumulo ang luha ko, at patuloy ko ng ibinuhos ang sama ng loob ko.

"Cheska...tahan na." At patuloy lang niya akong hinahagod sa likod.

"Sabihin mo nga troy...alam mo din ba ang tungkol dito??" Matagal bago siya nakasagot.

"Sorry cheska..."

"No troy. Alam kong iisa lang ang rason ninyo, na naging dahilan lahat ng ito." At umalis na ako. Gusto ko mang pigilan ang nararamdaman kong inis at galit ngayon hindi ko yun mapigilan sa tuwing naiisip ko lahat ng nangyari.

Pagkapasok ko sa kwarto, nadatnan ko sila mama. Hindi ko sila pinansin, pero naagaw ng atensyon ko ang taong punot dulo ng lahat ng ito.

"Cheska, ok ka na ba??" Tanong sa akin ni mama, sa halip na sagutin ko siya iba ang sinabi ko.

"Sinama niyo pala ang kapatid ko."  Sarcastic kong sagot. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

"Ako ang sumama. Pinilit ko sila mama, gusto sana kitang kamustahin pati ang kaibigan mo at ang boy-----"

"Ok lang ako. at kita mo naman diba nakahilata ang kaibigan ko at nakikipaglaban ang boyfriend ko kay kamatayan." Seryoso kong sagot.

"Casper..sumama ka muna sandali sa tito mo." At lumabas na sila daddy, naiwan naman kami nila mama at papa.

"Anak------"

"Mom, please...gusto ko munang mapag-isa." At buti nalang pinakinggan ako. Sobrang nahihirapan na talaga ako sa sitwasyon namin.

Isa lang ang iniisip ko ngayon kung maaayos pa ba lahat ng ito at kung kaya kong tanggapin ang kapatid ko.

DAY 65

Mark POV

(NOW PLAYING ♪♪- I BELIEVE by: YOUNHA)

Hanggang ngayon hindi pa din nagigising si diane at warren. Halos lahat kami nag-aalala na sa kanila.

Hindi naman ganun kalala ang tama nilang dalawa. Napagod lang daw ang buo nilang katawan kaya ganun.

Nandito nga pala ako ngayon sa isang cafe malapit sa hospital kung nasaan sila diane.

One Hundred Twenty Days With HimWhere stories live. Discover now