Chapter 23- Dedication Letter

91 4 0
                                    

THIS CHAPTER DEDICATED TO angelicaFeruelo

HOPE YOU LIKE IT😃<3

------------------------------------

DAY 18

(Nag-jump po ako ng isang araw, para Monday agad. @theschool. ENJOY READING!:))

"Argh!!! Nakakainis talaga!!" halos konti nalang sabunutan na ako ni diane dahil sa inis niya. Paano ba naman kasi nawala yung dedication letter niya.

"Saan mo ba kasi nilagay?" Kalmado kong tanong, pero siya kanina pa hinahalungkat yung bag niya, andito kami ngayon sa canteen, next subject namin ipa-pass yung dedication letter namin.

"Andito lang yun kanina eh, nakakainis talaga." Sabay halungkat ulit ng bag niya. Paulit-ulit siya.

"Eto bang hinahanap mo?"out of nowhere, napatingin kami sa nagsalita.  Si troy naiinis talaga ako sa lalaking to. Lalo na kapag magkasama sila sa pang-iinis sa akin ni warren. Well ok na pala kami ni warren.

"Eto nga! where did you find this?" masayang tanong ni diane, habang tinitignan

"Nakita ko sa gym." Naku, mukhang may kakaibang aura tong si troy. Kakaiba ang tingin kay diane. Di ko nalang pinansin.

"Naku, thank you ah." at ngumiti pa siya ng napakalapad. Tsk.

Ngumiti lang si troy, at nagpaalam na din.

"Bye, mrs. BUENAVISTA." argh! Kahit kailan talaga si troy walang ibang alam gawin kundi ang manira ng araw. Nakakainis.

"Close kayo ni Troy?" Biglang tanong ni diane habang naglalakad kami papuntang classroom namin.

"Hindi. FC lang siya." Iritado kong sagot, sa totoo lang ayokong pinag-uusapan yung lalaking yun. Naiinis talaga ako.

"Tsk. Pero napansin ko.......gwapo siya." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Napatigil din siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Bakit? May mali ba akong nasabi?" Alanganin niyang tanong. Hay kung alam lang niya.

"tama ka. Kaso kung gusto mo siya, parang awa mo na maghanap ka na lang ng ibang lalaki." Pakiusap ko, kinakabahan lang talaga ako sa kanya, kilala naman siguro niya si troy womanizer yun at hobby ang pagcu-cutting classes.

"Grabe ka eska! Gwapo lang gusto agad. Ayoko sa Casanova." Pagmamaktol naman niya, pinalo pa ako, minsan talaga may pagka-amazona tong babaeng to.

"Concern lang ako. Basta wag mo siyang gustuhin" Sagot ko naman at pumasok na sa classroom, siya naman naiwan pa sa labas at mukhang di na-gets yung sinabi ko.

"San ka galing?"

"Ay kalabaw!!!" Nagulat ako dahil sa bulong na nanggaling sa likod buti nalang hindi ako masyadong napansin, edi sana napahiya na naman ako.

"Ang gwapo ko naman yata masyado para maging hayop." Cool niyang sagot, mayabang talaga to.

"Ewan ko sayo!" Tatalikod na sana ako ng tanungin ko siya.

"Bakit diyan ka nakaupo?"tanong ko sa kanya. Nasa likod ko kasi siya.

"Nagpalit kami ni Blane." Napatingin ako sa upuan ni warren at nakita ko dun si blane nakayuko, pinwersa pa yata ni warren na magpalit sila.

"Hindi ko siya inaway." Mukhang nabasa naman niya yung nasa isip ko.

MARK-AKO-DIANE-WARREN-TROY

Ayan ang sitting arrangement namin dati pero ngayon eto na.

            WARREN-TROY
MARK-AKO-DIANE-BLANE-ZYCHK

One Hundred Twenty Days With HimWhere stories live. Discover now