1. Karamay

2.1K 39 17
                                    

Malamig ang railings ng tulay na gawa sa bato kung saan ako nakaupo ngayon, nakapatong ang magkabilang kamay sa gilid samantalang malayang nakalaylay ang aking mga paa sa ere.

Kahit humahalo na ang kulay kahel sa kanina'y asul na kalangitan, tanaw ko pa rin ang mabilis na pagragasa ng tubig sa ibaba na siyang humahampas sa mga matatarik na bato.

Napasinghap ako, hindi ako sanay sa mga matataas na lugar gaya nito. Bata pa lang ay takot na ako sa kahit anong matataas na lugar, kaya nakapagtataka na heto ako ngayon, niyayakap ang mga bagay na noon ay kinatatakutan ko.

Maybe it's true, we find ourselves to the place where we afraid most.

Biglang umihip ang malamig na hangin. Kahit hapon na ay ramdam ko pa rin ang dampi ng hangin sa balat na nanunuot hanggang sa buto.

Napayakap ako sa sarili, tuwing ganitong oras talaga ay madalas akong nagpupunta dito. Mag-isa? Mas gusto ko nga ang ganito.

Walang stress. Malaya kong nagagawa ang gusto ko ng walang taong huhusga sa akin. Sabagay wala rin naman kasi akong choice kung hindi ang piliin na maging mag-isa lang.

Natatakot ako- natatakot na magkaroon ng mga kaibigan- mga kaibigan na iiwan ka lang din sa dulo. Mga kaibigan na hahanap ng higit pa sa'yo kapag nakakilala na ng bago.

Kaya bago pa sila makalipat sa akin ay itinutulak ko na sila palayo. Ganoon naman talaga 'yon, The less you attach yourself to others, the less you've hurt in the future.

"Ruben..." nalipat ang aking atensyon sa boses na tumawag sa pangalan ko. Luminga pa ako sa paligid saka ko lang siya napansin.

Bago pa siya makalapit sa akin ay inunahan ko na siyang umalis sa kinauupuan ko.

"Hey, Ruben... saglit..." Hindi ko siya kilala at wala akong balak kilalanin siya.

"What? Can you just leave me, alone. Okay!" halos pasigaw ko ng sabi sa kanya.

Pero parang wala lamang sa kanya ito. Kahit ilang beses ko nang sabihin na ayaw ko sa kanya- sa lahat, ay patuloy niya pa rin akong kinukulit.

Hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin, pero wala akong pakialam. Ayokong may iba pang makihati sa mundo na mayroon ako.

Hindi pa man din ako nakakalayo ay naalala ko ang libro na binabasa ko kanina. Agad akong tumakbo pabalik sa pwesto ko, na ngayon ay pwesto na niya, pero huli na. Hawak-hawak na niya ang libro, sinubukan kong hablutin ito sa kanya ngunit nailayo niya sa akin ito.

"My Heart and Other Black Holes?" binasa niya ang pamagat.

"Give me that book, akin 'yan e." I exclaimed to him.

"So you loves to read, cool." ang saad niya. Hinigit ko ang libro sa kamay niya dahilan para bumagsak ang nakaipit na papel mula sa libro na ginagawa kong bookmark.

Lumapat ito sa kanyang paanan, kaya agad niya itong pinulot.

"I'm not afraid to die, the only thing I am afraid of, is when the day comes that I don't have any reason to live." pagbasa niya ulit sa nakasulat sa papel. May naka-guhit pang isang stick-man habang nakapulupot ang tali ng lobo sa leeg nito na papalipad sa kung saanman.

Nanlaki ang mga mata niya, alam kong nakuha niya kaagad kung anong ibig sabihin ng mga katagang 'yon lalo na ang nakaguhit dito.

Nahuli ko pa siyang nakatingin sa mga mata ko, pero para lamang akong tumitingin sa salamin... parehas kami ng mga mata... punong-puno ng lungkot, ng pangamba, ng sakit. Pero bakit, bakit nakakaya niya pa rin ngumiti?

Kinuha niya ang kanang kamay ko, saka nalantad ang mga sugat-pahaba dito. Pinilit kong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Nasasaktan ako, Kath " mahina ang pagbigkas ko sa kanya.

"Masakit, Kath, bitawan mo na ako. Nasasaktan na ako." pag-ulit ko.

"Nasasaktan? Pero sinasaktan mo rin ang sarili mo, Ruben?" ang tugon niya.

"Wala kang alam, wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko. Hindi mo alam kung anong klaseng mundo ang mayroon ako." ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

"Alam ko, Ruben, alam ko... kaya hayaan mong tibagin ko ang pader na itinayo mo. P-para makapasok ako sa mundo mo... hindi ka nag-iisa... hindi ka na mag-iisa, Ruben." saka niya ako hinigit papalapit sa kanya. Humampas ako sa kanyang dib-dib, isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya at doon tuluyang bumaha ang mga luha sa aking pisngi.

And that moment, I feel safe into her arms. Ang init ng bisig niya ang nagsasabing magpahinga muna ako, para sandaling kalimutan ang lahat.

***

Dagli
Flash-fictions

DAGLI: Dark Flash-fictionsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu