4.2 Patawad

952 25 4
                                    

Sabi nila, kapag malapit ka nang mamaalam. Dunarating sa puntong nagpa-flash-back ang mahahalagang pangyayari sa buhay mo. Kaya naman siguro nandito ako ngayon. Inaalala ang mga bagay na naging dahilan upang maramadaman ko na nabuhay rin ako sa mundong ito.

'Patawad, kung hindi ko kayang makarating hanggang sa dulo... patawad.'

Itinupi ko ang pinakahuling sulat at saka isiniksik sa loob ng garapon. Naglakad papunta sa unang kwarto kung nasaan sina mama at papa. Bakas na sa kulay ng kanilang buhok kung gaano na sila katanda. Maingat kong isinara ang pinto bago silipin sa huling pagkakataon ang mga kapatid ko. Mahimbing na rin silang natutulog.

Sino nga bang mag- aakala na sa aming magkakapatid, ako na 'pinakamasayahin' sa paningin ng lahat ay may ganitong uri pala ng sakit. Sa likod ng makulay na ngiti ay isa lamang pala itong maskara para pagtakpan ang itim na mantsa sa aking kaluluwa.

Humakbang ako pabalik ng kwarto, sa loob ng drawer ay kinuha ko ang bagay na tatapos ng lahat. Ilang taon na pakikipaglaban sa kadiliman, kadiliman na paunti-unting nagnakaw ng kakarampot na liwanag para ipagpatuloy ang buhay.

Bigla kong naalala ang tanong ng teacher ko noong high school ako. "How do you see yourself, ten years from now?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko noon. Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung sa sampong taon mula ng araw na 'yon ay nasa mundo pa rin ako. Sa tuwing iisipan ko kasi ang hinaharap ay blangko lang ang nakikita ko.

Narinig ko ang pagkahol ng aso mula sa kabilang bahay. Mula sa bintana ay naaninag ko ang pagbukas ng pinto nila, si Daniel, ang bespren ko.

Nakaramdam ako ng kaonting guilt ng makita ko siya. Naalala ko ang tagpo kung saan kami'y parehas nakaupo sa sanga sa kanilang likod-bahay.

Ako ang nagyaya sa kanya na panuorin sa huling pagkakataon ang pagpapalit ng araw at buwan ng kanilang pwesto sa kalangitan. Wala siyang kaideya-ideyang iyon na ang huling paglubog ng araw na kasama ko siya.

Alam kong sinusubukan niyang abutin ako. Sa tuwing magkasama kami ay nararamdaman kong gusto niya akong tanungin kung ano ang problema. Pero hindi niya lang alam kung paano, kaya itinitikom niya na lang ang bibig at iiwas ng tingin sa malayo.

I don't want to share the burden with him or with anybody. Ayokong maging pabigat.

Kaya nga sa loob ng mahabang panahon, mag-isa kong nilalaban ito. Mag-isang umiiyak sa dilim habang nakatakip ng dalawang kamay ang mga tainga. Pagod sa ingay ng mundo.

Hindi naman talaga mahirap ang lumisan sa mundo. Ang mahirap ay kung sa paglisan namin, maalala pa kaya kami ng mga taong iiwanan namin?

Isinuot ko ang pinakapaborito kong baro. Itinaktak ko ang bote ng gamot hanggang sa wala ng matira. Hindi ko namamalayan na may mga tubig na palang lumalandas sa pisngi ko. Luha ng pamamaalam.

Isinubo ko ang lahat ng ito, pilit na nilulunok ang lahat. Naramdaman ko ang init ng gamot sa aking lalamunan papunta sa kalamnan.

'Patawad.' ang huling salita mula sa akin bago tuluyang matapos ang lahat.

It takes more than courage to end your own life. It's easy to die than to live. Siguro maiintindihan din nila ako, hindi pa nga lang sa ngayon pero darating ang araw ay matatanggap na lang nila.

***

Dagli
Flash-fictions

DAGLI: Dark Flash-fictionsWhere stories live. Discover now