6. 'Di masabi

620 22 0
                                    

"Oh, ito lang, isa lang ang uno mo? Bakit hindi mo gayahin ang ate mo. Walang dos 'yan kahit isa. Lahat ng grado niyan, eh uno." singhal ni papa sa akin matapos kong ibida ang first sem grades ko.

Nalusaw ang ngiti na nakaguhit mukha ko. Akala ko pa naman ay maipagmamalaki din ako ni papa. Nang tumalikod siya ay saka ko nilukot ang produkto mula sa pinagpaguran ko ng isang semestre.

Hanggang kailan kaya ako magiging anino ng taong kahit kailan ay hindi magiging ako.

Nakakapagod makipagkompetensya kung alam mo naman na simula pa lang ay talo ka na.

"Why did you chose your degree course?" tanong ng isa sa mga speaker namin sa isang department seminar.

"Are you on the right track or you're just a stray cat trying to blend in to the place you're not belong from the first place, a person trying to be someone else even if you should not?" dagdag pa niya.

Hindi ko mapigilan ang mapaisip, nasa tamang daan nga ba ako o kagaya ng isang naliligaw na kuting ay hindi ko rin alam kung saan ang direksyon ko.

Ayoko na pong maging kagaya ni ate.

Hindi po talaga ito ang para sa akin.

Hindi ako si ate, kaya sana ay huwag ninyo akong gawin na bersyon niya.

Pero, may mga salita na hinahayaan na lang natin na hindi marinig. Mga salitang hindi mo kayang ipagsigawan sa mundo, those words that left unsaid.

***

Dagli
Flash-fictions

DAGLI: Dark Flash-fictionsOnde histórias criam vida. Descubra agora