CHAPTER 3: Silent Mode

4.5K 52 7
                                    

CHAPTER 3: Silent Mode

“Hello Angel. Nice to meet you again,” Joshua.

O_O

What the…

Natulala ako sa lalaking magiging kasama ko habang buhay. Siya naman, nakatitig din sakin with a devilish smile.

Waaaaaaaaah!

Dumoble kaba ko. Hindi ko na napansin na binibigay na kamay ko ni Daddy sakanya.

“Sophia, your groom, Joshua,” Daddy.

Tulala pa din ako at bigla na lang niya kong hinalikan sa cheeks. Kung ibang babae siguro, kikiligin sa halik niya. Pero ako, bigla na lang kinilabutan.

“Lets go Angel,” Joshua.

Angel?

Saka ako natauhan at nag-sink in na saakin lahat.

Ang lalaking may 6-pack abs na naakusahan kong rapist, yung lalaking nabugbog ko, nabato ko ng kung anu-ano, ay ang lalaking pakakasalan ko, magiging asawa ko at ang magiging tatay ng mga anak ko.

Bakit? Madasalin naman ako, nagsisimba every Sunday, may tinutulungang ampunan, at masunuring anak. Isang beses lang ako nagkamali pero bakit panghabang buhay ang parusa sa akin?

Bakit? Bakit po? Waaahuhuhuhu.

.

.

.

.

Naglakad na kami palapit sa altar.

Ginanap ang kasal sa parang garden. Ang daming punong nakapalibot. Sana kunin na lang ako ng puno.

.

.

.

.

“Take this ring as a sign of my love and loyalty…….” Joshua.

Hindi ko maintindihan pinagsasabi niya. Nakatingin siya saakin. May something sa tingin niya ngayon.

THEIR MARRIAGEWhere stories live. Discover now