CHAPTER 23: He Really Cares

2.7K 53 13
                                    

A/N:



pansinin niyo naman yung picture sa gilid. pinaghirapan ko yan. hahaha.

ang dami ko pang natatagong pictures, isa isa lang kasi pwede maupload.

anyways, ENJOY. ^^


CHAPTER 23: He Really Cares

Habang naglalakad kami, ang daming mga nag-tsi-tsismisan. May bagong hot issue na naman. Last week ako, ngayong week, may bago na naman. Pero okay na yun, ayokong pag-fiestahan.

“Like oh my gosh grabe. Na-miss ko siya. Buti na lang his back na, para di na boring here sa campus.” Girl 1.

“Yes dear. I so missed him also. He’s even more gwapo. Did you see him na ba?” Girl 2.

Pag-tsismosa ba talaga ganyan mag-usap? Iba ang dialect. Yes, I call that dialect.

“Nah. Where is he ba? I heard.....” Girl 3

Hindi ko na narinig pinag-uusapan nila. Mga fan girls talaga. Sino ba pinag-uusapan nila? Gumaganyan lang ang mga babae dito kapag nasa paligid si Kenneth kasi public property daw siya ng school.

“Kat. May new heartthrob na ba?” Tanong ko ng makarating kami sa locker namin. Buti naman wala masyadong tao dito, napaka payapa.

“Bakit?” Ako. Hindi kasi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa locker na katabi ng saakin. Yung locker na hinuhulugan ko dati ng love letters. Yung locker na ang dami kong pictures na nakadikit. Yung locker na inangkin ko dati. Yung locker na hindi pa nabubuksan ng one week simula ng start ng klase.

“Walang bago.” Bulong niya. Hindi ko na kailangan pang magtanong ulit.

Binuksan ko yung locker ko para kunin yung isang libro ko nang biglang may nagbukas din nung locker sa tabi ko.

*dug

*dug

*dug

May nagbukas ng locker niya. Bumalik na siya. Hindi na kami nagkita after what happened or after what hadn’t happened, mas appropriate yun dahil nothing really happened.

Nakaharap lang ako sa locker ko. Hindi ako makagalaw. Blurry na ang vision ko dahil sa luhang unti unting pumapatak galing sa mga mata ko. Hindi ako nag-abalang punasan ang luha, ayokong malaman niyang umiiyak ako. Ayokong maging mahina sa harap niya. At tutal, hindi naman magpapapigil ang luha ko kahit punasan ko pa.

THEIR MARRIAGEWhere stories live. Discover now