CHAPTER 28: Guilt

1.7K 31 15
                                    

CHAPTER 28: GUILT

 

‘Phia & Ken Forever’

Last month, iniiyakan ko ang punong toh. Dito ako pumupunta para magdrama. Pero ngayon, ito yung mga panahon na kapag naaalala mo ang mga ginawa mo noon, matatawa ka na lang sa ka-cornyhan.

Natatawa?

Natatawa na lang ako?

“Hindi ka pumasok kanina.” Siya

(o.o)

Bakit siya nandito?

Umupo siya  sa gilid ng puno.

“A..a..nong..anong ginagawa mo dito?” ako

“Tumatambay lang.” Siya

Ngayon ko lang siya nakausap. Walang nag-iba sakanya maliban sa humaba ang buhok niya. Kung titingnan mo siyang mabuti, may konting black circles sa singkit niyang mga mata.

Ngayong nandito siya, akala ko, okay na ko.

“Sige. Aalis na ako.” Tumayo na ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

“Sandali. Mag-usap muna tayo.” Siya

“Para san pa?” ako

“Please. Hayaan mo lang akong mag-explain.” Siya

“Wala ng magagawa ang explanations mo.” Ako

“Wala ding mawawala kung makikinig ka.” Siya.

Pakikinggan ko ba?

“No.” Tumakbo na ako palayo.

“Phia! Please.” Alam kong hinahabol niya ako.

Ayoko siyang pakinggan. Hindi pa ko handa. Sinayang niya ang tatlong taon namin. Dahil sa kanya, nasira ang relasyon ko sa mga magulang ko. Ang laki kong tanga, muntik ko nang ipagpalit ang lahat para sakanya pero siya, ni hindi niya alam ang salitang paninindigan.

“PHIA!!”

Nagulat ako sa sigaw niya pero huli na ang lahat, patawid na ako ng may kotseng papalapit na saakin. Napatigil ako sa gulat. Mamamatay na ako.

 

Sobrang bilis ng pangyayari. Naramdaman kong may tumulak saakin kaya napadapa ako pero nakita ko pa din siya na matapos bumangga ay nagpagulong gulong sa ibabaw ng kotse at nahulog mula sa likod nito.

“Kenneth!!”

.

THEIR MARRIAGEWhere stories live. Discover now