Chapter 2:3 The name

29 1 0
                                    


(Still Ace pov)

Mukhang mas malala pa to kesa sa Ahmon na yun. Pati lalake naa-apektuhan eh. Yung mga babae naman kung makasigaw wagas parang mauubusan ng lalaki. Hindi naman sila pinapansin nakabusangot pa ang mukha san yung gwapo dyan. Walang taste tong mga to.

"Gray Mortred is the name, 25. " pagkatapos niyang magpakilala bumalik na agad siya sa kanyang upuan. Ang ikli naman ng sinabi niya.... Mortred parang pamilyar ah wanted yata to kaya pamilyar.

Tumayo naman si asul, buti naman siya ang umuna.

"I'm Syndra Blue Sandoval, 24 transfere from Greece and ahmm!!!  hoping that we can all be friends. " ngumiti naman siya nang sabihin niya yun. We can all be friends pa siyang nalalaman gusto niya bang mapahamak kami.

May kumalabit naman sa akin.

"Hoy!!! Ace ikaw na ang magpapakilala wag ka ngang magsasalita ng ikaw lang diyan para kang timang. " kung makapagsalita to parang di kami magpinsan ah. Tumayo nalang ako pagdating ko sa harap nakita ko agad ang mukha ni reckver ang laki kasing bakulaw kaya nangingibabaw siya sa lahat. Buti nalang hindi dito nakatingin kaya ligtas ako hahahahaha.

"Ahem. " tong si maam excited tsss.

"Scarlet Ace Martinez is the name, 23. Be good to me and I'll be good to you. " nang sinabi ko yung pangalan ko lumingon naman bigla ang mukha ni reckver sa akin at ngumisi siya ng ganito😏😏😏 parang (gotcha) look. Tsss!!!!bat naman ako matatakot isang Martinez matatakot sa isang lalaki lang?  huh!!!!  manigas siya.

Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula nang magturo si maam. At dahil sa badtrip ako ngayon naglagay nalang ako ng headset tapos nakatingin sa harap para kunware nakikinig.  Natatakpan naman ng buhok ko ang headset kaya no worries.
 
Kanina ko pa to napapansin sa pheriperal vision ko tong si reckver. Laging tinititigan ako may tama yata to sa akin eh..lakas talaga ng kamandag ko hahahaha assumera. 

Pagkatapos ni Maam Elsa, sumunod naman si Sir Jake Torres. Pagkatapos naman ng subject niya si Sir Hernan Tappan. Paulit-ulit lang ang routine magpakilala din discuss.Pagkatapos nang klase namin nagmamadali akong lumabas di ko na hininta si asul makakauwi naman siguro yun malaki na siya. Ang kailangan ko ngayon ay makaalis sa skwelahang ito. Sumakay na ako sa elevetor buti nalang at ako lang ang nakasakay.

(TING)   Pagkabukas ng elevator agad ding akong tumakbo patungo sa likod ng auditoriom nila. Arghhh...bat ang layo ng parking lot. Wengya napapatakbo ako ng wala sa oras nito.

Hahh.... Hahh... Hahh.... Hahh hoohhh.......sa wakas nakarating rin. Nakapameywang pa ako patungo sa motor ko tumingin naman ako sa paligid baka kasi nandito si reckver patayin ako bigla.Check to the left 👈wala, check to the right👉wala rin. Kaya sumakay nalang ako sa motor ko.

Broomm..... Broomm... Broomm
Pinainit ko muna ang makina bago ako lumarga.Nagvibrate naman ang phone ko, si asul lang pala ang tumatawag.

"Hoy!!! Ace bat nagmamadali ka anong problema mo natatae ka na ba mag cr naman dito" inosenting tanong niya.

"Gusto mong mabatukan ng wala sa oras porket nagmamadali natatae na agad di ba pwedeng may humahabol lang. "

"Eh!!! sino naman ang humahabol sayo? Don't tell me si Gray ang humahabol sayo? "

"Pano mo nalaman? " takang tanong ko as far I know kaninang umaga pa yun nangyari bat kumalat agad.

"Eh!!!sinigaw ba naman ang pangalan mo sa loob nang room sinong di magtataka dun. Wag mong sabihin na manliligaw mo yun.OMG!!!! Ace ang swerte moohhhh!!!!. Ang pogi at hot ng magigingboyfriend mo!!!! " nailayo ko nalang ang phone sa tenga ko. Kung makasigaw to parang di nakadikit ang phone sa tenga ko ah... At anong sinabi niya-----

I'm Into You Where stories live. Discover now