Chapter 10

97 0 0
                                    

Gaya ni David ay nilibing din nila si Dr. Morgan at nagpalipas na rin sila nang gabi sa  saan lugar bumagsak ang sinasakyang helicopter. Habang naghahapunan nang de latang nabitbit ni Winston ay napag usapan nila ang nangyari kay doktor Morgan.

"Paanong napunta si Dr. Morgan sa halamanan kung sugatan na sya?" nagtatakang tanong ni Clyde.

"Pero bakit nya palaging binabanggit si Andrew?"nagtatakang tanong din ni Pete.

"Yung sugat nya sa ulo parang matindi ang tama, parang may pwersang tumama doon,"nagtatakang sabi din ni Winston.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Pete.

"Parang may pumalo sa kanya, sa tindi nang tinamo nyang sugat imposibleng makarating pa sya doon sa halamanan kung sugatan na sya sa ulo."

"Kung ganun hindi kaya si Andrew ang may gawa dahil palagi nya itong binabanggit," sabi Clyde.

"Pero imposible, bakit gagawin ni Andrew yun eh sa tingin ko wala naman dahilan para magalit si Andrew kay Dr. Morgan,"sagot naman ni Pete.

"Sabagay, talagang kailangan nating mahanap na sila at si Luke kailangan na mahuli sya dahil dala nya ang virus,"sabi ni Winston.

Tama kayo kaya bukas din ang lalakad na tayo upang makapagtanong tanong kung anong lugar ito, sabi ni Pete. Kaya lang ang inaalala ko ikaw Clyde, baka mahirapan ka sa sugat mo?"

"Wag nyo ako intindihin kaya ko to, mas kailangan nating mahanap si Luke at mailigtas ang mga tao dito."

"Saglit anong nangyari sa dalawang piloto kaya?"bigkas ni Winston.

"Wala kang nakitang bangkay hindi kaya buhay sila?"pagtataka rin ni Pete.

"Pero bakit tayo iniwan, hindi man lang nila tayo tinignan kong patay o buhay pa tayo?" sagot ni Clyde.

"Yan din ang bagay na ipinagtataka ko, magkakasama kaya silang apat?"naguguluhang sabi ni Winston.

"Kapag nalaman natin kung nasaan tayo malalaman din natin ang mga sagot," sabi ni Pete.

Tumango naman ang dalawa at napagpasyahan na rin nilang matulog dahil balak na nilang ituloy ang paglalakbay pag gising. Wala pang sikat ang araw ay halos sabay sabay silang nagsigising at inayos ang mga pwedeng dalahin sa kanilang paglalakbay. Inumpisahan na nila ang paglalakad at maya maya ay bahagyang tumitigil dahil medyo hirap pa rin si Clyde sa pagkilos.

"Pasensya na kayo bro pati ako inaalalayan nyo pa!"ani ni Clyde.

"Wag mo na isipin yun bro, tatlo na lang tayong natitira kaya kailangan nating magdamayan. Kailangan nating iligtas ang isat isa at wala pa tayo sa nasisimulang misyon. Kailangan may mabuhay sa atin upang ipagpatuloy ang misyon ni Commander David at Dr. Morgan,"paliwanag ni Pete.

"At kailangan din natin mahanap sina Andrew at Luke pati na din ang dalawang piloto upang maliwanagan tayo," sabi naman ni Winston.

"Kung ganun tayo na!"prisinta ni Clyde.

"Sigurado ka hindi ka naman namin pipilitin kung hindi mo pa kaya?" pag aalala ni Pete.

"Ok na ako bro, saka mamaya lang gagamutin mo naman ako uli di ba?"

"Pag nakakita tayo nang ilog o batis,"sabi ni Pete.

Agad din silang naglakad uli sa kakahuyan, may mga ibon silang naririnig at sa di kalayuan ay may natanaw silang tubig. Labis din ang kasiyahan nila at nagmadali makapunta doon. Mag aalas syete nang umaga sila makarating sa ilog, naunang lumusong si Winston dala na rin nang pagkasabik s tubig. Naiwan si Pete na inaasikaso si Clyde upang gamutin ang sugat.

"Bumaba ka muna s tubig para malinisan yang katawan mo at sugat mo!"utos ni Pete.

Agad namang sumunod si Clyde at dahan dahan nilubog ang sarili sa tubig. Nang umahon ay ginamot uli ni Pete ang sugat ni Clyde nang matapos ay sya naman ang lumusong sa tubig upang mapreskuhan. Nang matapos silang magsipagligo ay kumain uli sila nang almusal na dala nilang de lata. Napangiwi naman si Winston sa nakita na laman nang bag.

"Bakit?"tanong ni Clyde.

"Hindi na sapat ang pagkain natin kung malayo pa ang lalakbayin natin."

"Siguro naman may makikita tayong prutas o hayup sa madadaanan natin,pwede na siguro yun,"sabi ni Pete.

"Sana nga pero wala pa akong nakikitang mga bahay bahay,' ani ni Winston.

"Makakarating din tayo dyan,"pampalakas loob ni Pete.

Napabuntung hininga na lang si Winston at nagpatuloy na lang sila sa pagkain nang makapagpahinga ay nagsimula na naman silang maglakad. Mag aalas dose na pero wala pa ring katiyakan ang kanilang pupuntahan sa halip pagod at gutom lang ang kanilang nararanasan.

"Kunting tiis na lang makakarating din tayo kung saan man tayo dapat mapadpad!"ani ni Pete.

"Tama ka kailangan natin nang pasensya at sakripisyo," sang ayon ni Clyde.

Magsasalita pa sana si Winston nang may narinig silang kaluskos at tila mahinang ungol. Agad nilang kinasa ang baril at hinanap ang pinagmulan nang ungol. Nangunguna si Pete na naka back up si Winston at Clyde, tanging sensyas nang mga kamay lamang ang makikita sa kanilang tatlo upang di makalikha nang ingay. At sa di kalayuan na pinagtataguan nilang puno na may kalakihan ay tanaw nila ang isang lalaki na parang lasing kung maglakad at puno ito nang dugo. Agad kinuha ni Winston ang telescope at doon nya napagtanto na zombie na ito.

"Ibig sabihin nandidito lang si Luke at posibleng biktima na nya yan," kunklusyon ni Clyde.

"Posible, at posible ring may bahay na dito dahil may tao na,"sabat ni Winston.

"Kung ganun malapit lapit na tayo sa kabayanan kunting ingat lang upang hindi nya tayo mapansin!" ani ni Pete.

Agad silang umiba nang daan upang hindi na magambala ang zombie, pero sa di ianasahan ay nasagi ni Clyde ang isang lata habang naglalakad. Agad namang nakarating sa zombie ang ingay na yun at biglang umungol at napatingin sa kanila at lumakad nang may kabilisan patungo sa tatlo. Agad ding kumilos si Winston at pinaputukan ang zombie sa ulo gaya nang sabi ni Dr. Morgan at sa isang putok padapang humandusay ang lalaking zombie.

The Walking ZombiesWhere stories live. Discover now