Chapter 82

35 0 0
                                    

"R-ryan!"umiiyak na sambit ni Angie nang makita sa harap ang kaibigan.

"Angie okay na, wala na sila," mahinang sambit ni Ryan.

Tuluyang napahagulgul si Angie at biglang yumakap kay Ryan dahil pakiramdam nya ay safe na sya dahil nakita nyang nakalapit na ang kaibigan sa kanya.

"I'm sorry Angie wala akong nagawa para sa inyo ni Xiana," umiiyak na sabi ni Ryan.

Tanging iyak lang ang nasabi ni Angie dahil kapwa sila pareho na magkayakap pa ay biglang may naglapat nang damit sa likuran ni Angie na ikinapitlag nang dalaga.

"D-duane!" tanging nasambit ni Angie.

Nakangiting inilahad ni Duane ang kamay sa kanila ni Ryan upang makatayo dahil naka upo silang magkayakap. Batid na ni Angie na ang grupo ni Duane ang tumulong sa kanila.

"S-salamat!"nahihiyang sambit ni Angie na bagamat hindi pa gaanong bihis dala na rin nang pagkasira nang mga damit.

"Walang anuman, halika doon muna kayo sa van para makapag ayos ka!"yaya ni Duane.

Napatingin si Angie sa paligid at nakita nya ang tatlong sundalo na pinagmamasdan ang mga lalaking muntikan nang humalay sa kanila at nagpahirap sa mga kasamang lalaki. Nang papunta na sya sa van ay nakita nya na andoon na rin si Anne na inaalo ni Robbie at si Xiana na nakabihis na. Nang lumapit sya ay di nila muli mapigilan ang umiyak at sabay sabay na nagyakap. Takot na takot sila at pakiramdam nila ay katapusan na nila kundi lamang na dumating ang grupo ni Duane. Unang kumalas si Xiana na mugto na ang mga mata.

"I'm so sorry pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat," umiiyak na sbi ni Xiana.

"Xiana hindi mo ito kasalanan," suway ni Robbie.

"Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito,kung hindi ko kayo sinabihan na kasalanan nang mga sundalo ang lahat nang nangyari kay Clay sana sila ang kasama natin umalis."

"Wag mong isipin yan, kami ang nagdesisyon kaya wala kang kasalananan, pang aalo ni Anne. Ang lahat nang nangyaring ito kalimutan na natin alam kong mahirap pero ito lang ang paraan. Ituring natin itong masamang panaginip at unti unti rin nating malilimutan!"

Muli silang nagyakap at si Angie naman ang kumalas na.

"Ano may speech ka rin ba?"tanong ni Ryan.

"E-eh kasi di pa maayos ang damit ko, pwede naman sigurong magbihis muna ako,"nahihiyang sabi ni Angie.

"A-ah ok sige pasok ka na!"turan ni Ryan.

Bahagyang umusog sila at hinayaan si Angie na makapagbihis, umalis naman si Robbie at pinuntahan ang grupo ni Duane na pinagmamasdan sila. Bagamat masakit pa rin ang katawan ay pinanatili ni Robbie ang kasiglahan.

"Maraming salamat sa inyo, nakangiting sabi ni Robbie sa apat. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi ko na alam kung ano ang sasapitin namin sa mga demonyang yan."

"Welcome, sagot ni Winston. Pero mukhang di ka okey kailangang magamot ka rin, namamaga ang mukha mo."

"O-okey lang ako, salamat na rin sa pag aalala Winston. Ang inaalala ko lang ang mga kasama kong babae, masyadong marahas ang ginawa sa kanila."

"Handa kaming tumulong para sa ikakapanatag nyo,"nakangiting sabi ni Pete.

"Ano yayayain pa ba namin uli kayo?nakangiting tanong ni Duane. Kailangan na rin nating umalis dito!"

Napailing na lang si Robbie at saglit na nagpaalam at tinungo ang mga kasama.

"Guys kailangan na nating umalis," ani ni Robbie.

"Sige halika na!"yaya ni Ryan.

"Aalis tayo kasama nila,"sambit ni Robbie.

Natigilan sila sa sinabi ni Robbie at napatingin kay Xiana.

"S-sige mas makakabuti kung sila ang kasama natin," nahihiyang sabi ni Xiana.

"O-ok lang ba?"tanong ni Anne.

"Oo naman," nakangiting tugon ni Xiana.

Nang magkaayos ang dalawang grupo ay sabay na naglakabay ang mga ito, tahimik lamang ang lima sa sasakyan nila habang ang grupo ni Duane ay nasa sasakyan din nila kasama ang tatlong sundalo.

"S-saan tayo ngayon?"tanong ni Angie sa katahimikan.

"S-sundan na lang natin sila," tugon ni Ryan.

"Sana maging okey na ang lahat!" naluluhang sambit uli ni Angie.

Dahil hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang panginginig, gusto gusto na nyang maligo dahil diring diri at pakiramdam nya ay puro laway nang lalaki ang nasa katawan nya.

"Sshh,saway ni Ryan at inalo nang makitang apektado pa rin ito. Ok na ang lahat at magiging ok pa rin tayo. Mabuti pa magpahinga ka na muna, mugtong mugto na ang mata mo eh."

"Salamat!"humihikbing tugon ni Angie.

Napatingin sila sa daan nang biglang huminto ang sasakyan nila, agad nilang sinundan nang tingin ang sasakyan nila Duane na nakatigil din. Nang bumaba si Duane ay lumapit ito sa kanila na pinagbuksan ni Robbie nang bintana.

"Mag stop muna tayo makakabuting makapagpahinga tayo lalo na ang mga babae," sabi ni Duane.

"S-saan?"tanong ni Robbie.

Tumingala naman si Duane at napatingin si Robbie at binasa ang karatula.

"I Met Hotel,pagkakabasa ni Robbie. Dyan tayo tutuloy?"

Kung okey lang sa inyo,"ani Duane.

Napansin na lang nang grupo ni Robbie na kumikilos na ang tatlong sundalo upang tignan kung safe ang hotel na tutuluyan. May tatlong palapag ang hotel, maganda ang pagkakapintura at may kalakihan ang lugar na iyon. Matapos ang ilang minuto ay bumaba si Clyde at sumenyas na okey na. Agad naman silang bumaba at binitbit ang mga damit at siniguradong naka lock ang van. Umalis din si Duane at tinulungan si Clyde na magbuhat nang ilang gamit na kakailanganin nila at siniguradong naka lock din ang van. Sabay sabay silang naglakad papunta sa lobby at ni lock uli ni Clyde ang front door. Hindi na nagtaka ang grupo ni Robbie kung paano sila nakapasok dahil alam nilang bihasa na ang mga sundalo.

"May limang room dito sa baba, hindi na natin kailangang umakyat sa taas. Andito na ang mga kakailanganin natin," bulalas ni Pete kung kayat sabay sabay silang napalingon sa pwesto nito.

"Ok naman ang taas walang problema," sabi naman ni Winston nang makitang pababa na nang hagdan.

"S-saan kami pwedeng magpahinga?" nahihiyang tanong ni Angie.

"Sa pangalang kwarto sa kaliwa, mauna na kayong mga babae at nang makaligo na rin kayo!" tugon ni Pete.

"Salamat sa inyo!"nakangiting sagot ni Angie.

Tumango na lang ang tatlo at sinimulan ni Winston na umalis at may tinungong silid. Habang ang tatlong babae ay nagpasya nang maligo upang alisin ang dumi sa katawan.

The Walking ZombiesWhere stories live. Discover now