Chapter 57

48 2 0
                                    

"Ano na ang plano?"tanong ni Angie habang kasalukuyan silang nasa balcony nang bahay na kanilang tinutuluyan.

Hindi ko alam!"tipid na sabi ni Clay.

"Paano tayo, maiistock na langa tayo dito?"tanong din ni Angie.

"We have to do something?" sabat ni Ryan.

"Paano nga?wala tayong kontak ang mga cellphone natin na dahil walang signal dito!"si Anne uli.

"Ang mga pagkain natin ubos na saan tayo nito kukuha, kung lalabas tayo dito pano kung makasalubong natin ang mga zombies?"sabi ni Angie.

"Sige ako na lang ang lalabas para kumuha nang pagkain!" sabi ni Clay.

"Hah?Delikado sa labas!" sabi ni Ryan.

"Pero hindi pwedeng wala tayong gawin, di nga tayo mamamatay sa kagat nang zombies pero mamamatay tayo sa gutom!& paliwanag ni Clay.

"Tama si Clay ngayon pa lang kailangan na natin kumilos! sabi ni Maricar na kalalabas lng kasama si Chester, Xiana at Robbie.

"Pero hindi pwedeng isa mo lang Clay!"sabi ni Robbie.

"Who's in?"tanong ni Clay.

"I'm in!"sabi ni Maricar.

"Me too!" si Chester.

"Ako din!"sabi ni Xiana.

"So whats the plan?" singit ni Ryan.

"Me and Xiana sa kaliwa kami at Chester at Maricar sa kanan kayo!sabi ni Clay. The rest kayo muna ang bahala dito, siguraduhin nyo lang na safe kayo!"

"Sandali kailangan nyo nang armas!" singit ni Anne.

"Dont worry nakahanda na ang gagamitin nila!' ngiting sabi ni Robbie.

Sabay sabay silang napatingin kay Robbie. Kaya para di magtaka ang mga kasama ay iginiya nya ito papunta sa isang kwarto at nakita nila ang nakalatag na pwedeng panlaban.

"S-saan mo nakuha yan?"tanong ni Anne sa boyfriend.

"Dito sa loob nang bahay at labas!"

Kinuha ni Clay ang tubo at iniabot yun kay Chester. Tig isa naman si Maricar at Xiana sa baseball bat habang si Clay ay isang may kahabaang itak.

"So ready na ba kayo?"nakangiting tanong ni Robbie.

"Ready !"sabay sabay na sabi nang apat.

"Hep hep di pa kayo ready, inihanda ko na nga pala ang mga bag na dadlhin nyo. May mga prutas at tubig doon kung sakaling kailangan nyo!" singit ni Angie.

"And wait!sabat ni Anne. Magchange kayo nang pants hindi nakashort kayo, and mag long sleeve kayo para na rin hindi kayo agad makagat nang zombies kung hindi nakalitaw ang mga braso at binti nyo!"

"Saan naman kami kukuha nang pants at longsleeve?"tanong ni Maricar.

"E di dito!"sagot ni Anne na ang tinuturo ang malaking cabinet.

Agad naman sila nagsipag ayos pati na rin ang mga dadalhin, nang matapos ay lumabas na sila at humarap sa mga kasama.

"Langya naman pormado kayo!" kantyaw ni Ryan.

"Ano ka ba ang init nga nang suot ko eh?"reklamo ni Xiana.

Natawa naman si Anne sa hitsura ni Xiana, balot ito maging sa leeg ay may panyo. Hindi kasi sanay si Xiana na balot magdamit, kadalasan ay short o tokong ang suot nito. Sa pang itaas ay sando o sleeveless ang laging gamit.

"In fairness naman Xiana bagay sayo ang outfit mo!"natatawang sabi ni Angie.

"Sige lang pagtawanan nyo ako at pag ako nakakuha nang pagkain di kayo makakatikim!"pagsusungit ni Xiana.

"Eto naman di mabiro! sabi ni Ryan. Sige na nga lumakad na kayo at maya magbago pa ang isip nang isa dyan!"

Sumimangot naman si Xiana, inihatid naman sila sa gate ni Ryan at Robbie at binilinan na parehong mag ingat sila. Naghiwalay naman na ang apat si Clay at Xiana, si Chester at Maricar. Inihatid pa nila nang tingin ang apat nang mawala na ay isinarado na ang gate at pumasok na s loob nang bahay. Malayo layo na rin ang nalakad nila Clay at Xiana.

"Mukhang nagugustuhan mo na ang outfit mo ha!"biro ni Clay kay Xiana.

"Infairness di masakit sa balat at balot kasi ako, malamang kung naka sleeveless at short ako kanina pa ako sunog nito!" nakangiting sagot nito.

"Maiba ako sana naman maganda tong lakad natin, sana may pagkain tayong makuha!" sabi ni Clay.

Sa di kalayuan ay may natanaw silang tatlong zombies, palibhasa sanay na yata makakita nun ay hinayaan at binilisan na lang nila ang lakad hanggat di sila naabutan.

"Ayun Clay may maliit na grocery baka pwede tayo doon!"

"Sige, sumunod ka lang sa akin!"

Nang makarating sila s grocery ay nakalock ang roll up door.

"Sarado paano to?"tanong ni Clay.

"Sa likod baka may daan!"

Agad naman sil tumakbo sa likod pero may nakasalubong silang zombies. Agad naman hinataw ni Xiana sa ulo at bumagsak ang zombies.

"Dali sa likod!" sigaw ni Clay.

Nang marating ang likod ay nakakandado lang ito kaya agad naman sinubukan ni Clay na paluin ang kandado hanggang masira ito. Nang makapasok ay nakiramdam muna sila at binuksan ni Clay ang dalang flashlight dahil madilim sa loob. Nakita nila ang mga de lata kaya agad nilang inilagay sa bag na dala. Pumunta naman si Xiana sa mga biscuit at agad ding kumuha nang ibat ibang klase nang biscuit. Dahil sa kunti lang ang nilalaman nang bag ay nakakita siya nang eco bag at pinuno nya ito uli ito nang pagkain. Nang magkita sila ni Clay ay may bitbit na rin itong mga mineral water at saka lumabas na sila. Isinarado uli ni Clay ang pinto at kunwaring inilock at umalis na agad.

Sa lugar naman nila Maricar at Chester isang drugstore ang kanilang nakita nang kanilang mapasok ay nagpunta si Maricar sa napkin at dumampot doon. Alam nyang kakailanganin nila yun, ilang pirasong shampoo at conditioner pati sabing mabango kasama na toothbrush at toothpaste. Si Chester naman ay nag ikot ikot at tanging cookies at biscuit ang nakuha.

"Pwede na to!"sabi nito sa sarili.

Binalikan nya si Maricar at tinulungan na implastic ang iba pang kinuha nito. Pagkatapos ay sabay silang umalis sa lugar na yun at nakangiting naglalakad na pauwi. Nagulat na lamang sila nang biglang may sumalubong sa kanilang limang zombies, dahil sa pagkabigla at bigat nang dala ay nahirapan silang bunutin ang mga dalang armas na nakasuksok s katawan nila. At sa isang iglap ay hawak hawak na sila nang mga zombies at sabay na nagsisigaw sa sakit sa dahilang pagkapunit nang kanilang mga laman. Habang unti unting malalagutan nang hininga ay tumingin pa sila sa isat isa na kapwa may luha.

Authors Note:

Sorry po at medyo hindi brutal ang pagkamatay nang dalawa, nakakaawa naman po kasi eh😭😭😭. Dalawa po uli ang nalagas paano kaya makakasurvive ang grupo ni Clay. Sensya na po sa mabagal na update.

Godbless everyone!!
mxelle028

The Walking ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon