Chapter 28

62 1 0
                                    

Matapos ma pick up ang grupo ni Gerald agad nang umibis ang bus at binilisan na ang takbo. Nang makita naman nang mga nasa bus ang mga umakyat agad nilang nilapitan ito. Isa isa nilang inasikaso ang mga ito at binigyan nang mga tubig.

"Salamat!"nakangiting sabi ni Gerald kay Ace.

"Kala namin kung paano kayo sir!"nababahalang tanong ni Ace.

"Ok na kami, buti nahanap din namin ang iba nyong kaklase."

"Eh sir asan po si Jelyn at Alma? Sila lang po ang wala sigurado po bang aalis na tayo?"singit ni Ronald.

Nagkatinginan naman si Michael at Gerald na waring nagpapasaklolo sa isa't isa. Hindi malaman kung sasabihin ba nila ang nangyari o hindi, alam nilang kukulitin lang sila nang mga estudyante kaya sa huli ay nakapagpasya na si Gerald. Tumayo si Gerald sa harapan, habang si Mang Pedring at nanatiling sa daan nakatingin at bahagyang sumusulyap paminsan minsan sa guro.

"Ok class makinig kayo!sabi ni Gerald na may panlulumo tila ayaw nang bumuka ang bibig.I'm sorry to say but we are late, kami nang grupo na naghanap sa naiwan ay di na nakaabot kaya may masamang nangyari."

"Sir alam naman po namin na may nangyayari naikwento na ni Mikee at Joy!" sabat ni Irene.

"Yes of course, but unfortunately wala na sila Alma at Jelyn! kinakabahang sabi ni Gerald.

Napamaang naman ang mga naiwan sa bus, may naiyak at tumahimik lang at nang makabawi ay kanya kanyang reaksyon sila at katanungan.

"Sir paano ho nangyari, I mean yung iba nandito pero sina Alma at Jelyn namatay?"hindi makapaniwalang tanong ni Rochelle.

"I don't know, nakita na lang namin si Alma na....wala na sya. Huli na kami nakita na lang namin na hawak na sya nang mga zombies na wala nang buhay."

"Eh sino ba kasi ang huling kasama ni Alma?"tanong ni Rochelle ulit.

"Ako!"sabi ni Vilma sabay tayo.

"Paano kayo nagkahiwalay?"tanong ni Gerald.

"Sir sabi nya kasi may pupuntahan sya, sinabihan ko nga po na wag na lumayo kaso mapilit sya. Hanggang sa naligaw na rin ako di ko namalayan na napalayo na rin po ako hanggang sa nagkita kita na kaming tatlo nila Camille at Darwin hanggang sa magkagulo na po sa loob."

"Eh si Jelyn, paano po nangyari sa kanya?"si Tere na ang nagtanong.

Magsasalita na sana si Gerald nang biglang tumayo si Camille at masamang tumingin kay Gemma.

"What?"smirk ni Gemma kay Camille na hindi man lang kinakabahan sa sasabihin ni Camille.

"Sir ako na po ang magkukuwento. Magkakasama po kaming tatlo ni Vilma at Darwin nang makarinig kami nang takbuhan, nang tinanong namin yung isa sa mga tumatakbo ang sabi po may nangangagat kaya natakot din po kami. Ang ginawa po namin nakitakbo na lang din kami sa kanila. Takbo lang kami nang takbo hanggang napansin po namin na wala si Darwin kaya naisipan namin ni Vilma na huminto para hanapin si Darwin. Siguro po sa point na to si Darwin na po ang magkwento nang iba at dadagdagan ko na lang ang salaysay nya tungkol sa pagkamatay ni Jelyn."

"Ok Darwin go ahead, ano ang nangyari?"tanong ni Gerald.

"Sir tumatakbo po kami nang mabangga ko po si Jelyn, hindi ko po sila napansin dahil..."

"Sila so ibig sabihin may kasama si Jelyn nun?"singit ni Joy.

"Oo sila ni Gemma."

Matapos banggitin ni Darwin ang pangalan ni Gemma ay tumingin sila sa kaklase. Agad naman umirap ito at parang walang pakialam.

"Continue Darwin!" utos ni Gerald.

"Ayun nga po nabangga ko si Jelyn kaya bumagsak kami sa sahig pareho, tapos tinulungan ko syang makatayo at napansin ko po na hinahanap ni Gemma ung cp nya na nalaglag gawa nang pagdaan nang mga tao. Yun pala nag pipicture picture po sila. Sinabihan ko na wag nang hanapin pa at kailangan na namin umalis dito at delikado na pero ayaw ni Gemma kaya napilitan kami ni Jelyn na hilahin sya. Hanggang sa binalikan pala ako nila Camille at Vilma at yun po kinumbinsi namin sya na sumama na sa amin at tumakbo kami. Pero po sadyang matigas ang ulo ni Gemma, ayaw nya po talaga sumama sa amin at sinabi nyang babalik sya at hahanapin ang cp.

Sumensyas naman si Darwin at sinabing si Camille na ang magpatuloy.

"Ayun po sir gusto nya balikan ang kanyang cp at inaya nya si Jelyn pero sabi ni Jelyn na makinig na lang si Gemma sa amin dahil tama lang na tumakbo na kami. Hanggang kung ano ano na po ang pinagsasabi nya kay Jelyn na kinaiyak po nito. Umalis po si Gemma kaya hinayaan na lang namin, pero hindi pa kami nakakalayo ay sumisigaw na nang tulong si Gemma, ayaw po sana namin na daluhan na sya pero mapilit po si Jelyn at naaawa sya kay Gemma."

Halos natahimik naman ang lahat sa kwento ni Camille, may naantig at napaluha na. Maging si Camille ay naiiyak na rin habang nagkukuwento sa sinapit ni Jelyn.

Nang tinulungan po ni Jelyn si Gemma sir at nakawala na sya sa zombies hindi po namin akalain na bigla nyang tinulak si Jelyn sa zombie kaya po ayun sya ang nakuha, hindi na namin nagawang iligtas si Jelyn,"pumipiyok na kwento ni Camille dahil sa nagbabantang luha sa kanyang mga mata.

Kanya kanyang reaksyon uli ang narinig sa loob nang bus, ang iba masama ang tingin kay Gemma. Kaya tumayo na rin si Gemma upang ipagtanggol ang sarili.

"It's not true, tatanga tanga lang kasi sya kaya sya ang nakuha nang zombies!"sigaw nya sa mga kaklase.

"Ang kapal naman nang mukha mo na sabihin yan, ikaw na nga tong niligtas ni Jelyn ikaw pa ang nagmamalaki. You should be thankful to her dahil inisip nya na balikan ka namin. Dapat nga hindi na kami pumayag at sana ikaw ang nakain nang zombies na yun!" gigil na sigaw din ni Vilma.

Agad naman sumambulat ang ingay sa loob nang bus at dahil dito ay pinatahimik ni Gerald ang estudyante. Habang si Mang Pedring ay napapailing sa kinuwento ni Camille at nalungkot nang malaman ang sinapit nang dalawang bata.

The Walking ZombiesWhere stories live. Discover now