Chapter 2: Absent Si Bes

6.8K 128 13
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




RENZ

Maaga akong pumasok ngayon dahil may oral recitation kami sa Filipino. Nagtataka lang ako kung bakit absent si Shean. Ano kayang nangyari dun.

Nang umalis na 'yung adviser namin, nagsikalasan na 'yung mga kaklase ko. Umalis ako sa pwesto ko at umupo sa teacher's desk kasama si Marvin. Nakasira na kami ng lamesa dati pero may iba kasing pakiramdam kapag nakaupo ka lang sa monoblock kumpara kapag nakaupo ka sa desk. Sa madaling salita, di na kami nadala.

"Text mo nga si Shean.", siniko ko si Marvin sa tagiliran.

"Wala akong load. Ba't absent 'yun eah ang dami nating requirements?", sagot/tanong n'ya ng nakatingin sa nagsisilabasan naming mga kaklase.

"Kaya n'ya 'yun. Si Shean pa."

Tumingin ako ng masama ng tusukin ni Marvin 'yung tagiliran ko habang naka-ngiting aso. Problema nito?

"Ayeeeeeeh... Si Renz~ Nagbibinata na. Si Shean pa!", pang-aasar nito habang nakangisi.

"Magkaibigan lang kami, Marv.", pagpapaliwanag ko pero mas tumindi 'yung pang-aasar n'ya.

Anak ng pating naman oh.

"Ikaw ah~ 'Di mo sinasabing may", hinimas n'ya ang balikat ko na parang nangse-seduce. "lihim na pagtingin ka kay Sheanabebelabz mo.", tumawa na lang ako para 'di ako mabuking. I swear to hell, kapag napaamin ako ng 'di oras, babalatan ko talaga 'tong si Marvin ta's gagawin kong chicharon (A/N: Tama ba 'yung spelling ko? Sitsaron ba o tama lang 'yung nilagay ko? Meh. Okay na 'yan.) 'yung balat n'ya tapos ilalako ko sa mga trabahador ng HanJin.

Mga ilang minuto pa, iniwan ko na si Marv at pumuntang canteen. Buti naiba ko 'yung usapan kanina. Life saved.

Pero aaminin ko, may part sakin kanina na gustong kumawala. Gusto kong sabihin 'tong nararamdaman ko. Pero pinatungan ko na 'yun ng isang malaking X 

Conceal... Don't feel...  Don't let her know.

'Wag kayo. Bagong motto ko 'yan sa buhay.

Bumili lang ako ng Royal tsaka Piattos. Ano ine-expect n'yo? May chocolate cake at freppé na tinitinda sa cafeteria namin? Public school lang po 'to mga pre. 'Wag masyadong umasa.

Hugot?...

Maya-maya pa, dumating na 'yung teacher namin sa MAPEH. Grabe, ang boring talaga 'pag wala si Shean. Minsan lang 'yun mag-absent. 'Di kaya may sakit 'yun? May inasikaso sa bahay? Baka kinidnap?! Kalma, Renz. Kalma. Walang bobong kidnapper na kukuha kay Shean. Sa mga teleserye lang 'yun nangyayari. Nasa Wattpad ka lang. Chill.

* * *

Hapon na at malapit ng i-dismiss ng Science teacher namin ang klase. Akalain mo 'yun, naka-survive ako ng isang araw na walang kausap na "Shean" ang pangalan.

"For your assignment, please go to page 59-60 and answer activity number four; Drifted Supercontinent!", at nagring na 'yung bell saktong paglabas ni ma'am. Nag-empake na ako ng mga gamit bago ko kinuha 'yung science module ko sa locker kong walang lock. Parehas kami ni Bes. Speaking of Bes, mabisita nga 'yung locker n'ya. Aayusin ko muna para mahalin n'ya rin  ako.

Jk.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Where stories live. Discover now