Chapter 4: Sorry Bes. Sorry Talaga.

4.2K 102 1
                                    

SHEAN

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

SHEAN

TGIF

Maaga akong nagising at naghanda ng sarili ko. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero may quiz kasi kami ngayon sa Electronics kaya wala akong magagawa.

Medyo basa pa ang buhok ko pero sinuklay ko na at lumabas na ng bahay. Pinara ko ang paparating na bus at sumakay. I bet they'll be swarming around me once I get inside the room.

RENZ

Nasa loob na ako ng room at tahimik lang silang lahat. Nagre-review para sa quiz mamaya. Sa sobrang tahimik, parang mabibingi na ako. 'Di ako sanay na ganito sila. Guys? Mga bes, sa'n pumunta 'yung mga kaluluwa n'yo?

Tumingin ako sa orasan. 7:19 am. na. Wala pa rin si Shean. Ang alam ko may sakit s'ya kasi sabi n'ya sa gc, magaling na daw s'ya. Hindi naman pwedeng wala naman s'yang sakit tapos gagaling s'ya. Ano 'yun? Magaling na nga s'ya tapos gagaling pa s'ya? Eah 'di sobrang galing na n'ya nun.

Biglang uminit ang mukha ko. Iniisip ko na naman s'ya. Naiinis ako sa ginawa ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil pinakialaman ko 'yung gamit n'ya.

Kahapon, habang nililinis ko 'yung locker ni Shean, nakita ko 'yung notebook na ayaw n'yang ipakita kahit kanino. Na-curious ako kaya binasa ko 'yung mga nakasulat. Tama nga ang hinala ko. Diary 'yun ni Shean.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong magsisi dahil nalaman ko...

Nalaman kong...
.
.
.
Matagal na palang may gusto sakin si Shean.

Napahinto ako sa pag-iisip ng bumukas 'yung pintuan. Lagi kasing nakasara kasi baka daw lumabas 'yung aircon.

Nagsi-ayusan sila ng upo pero si Shean lang pala. Kalas. Wait... Speaking of the angel.

Hindi ako tumingin sa kaniya. Nagsibalikan sa pagre-review ang mga kaklase ko. 'Yung iba, sinalubong s'ya tapos tinanong kung okay lang s'ya.

Ako? Tatanungin ba nila ako kung okay lang ako? Hindi. Hindi ako okay. Gusto kong i-duplicate ang sarili ko at tadtarin ng saksak 'yung clone ko. Pakiramdam ko, sinira ko ang tiwala sakin ni Shean. Sinira ko nga. Nahihiya akong magpakita sa kaniya. I don't deserve her company. Not anymore.

Nakita ko s'yang papalapit sakin. Tatanungin ko sana kung ayos na ba s'ya pero hindi ako umimik. 'Di ko s'ya papansinin. Ako pa talaga 'yung 'di namansin.

"Bes, anong ginawa n'yo kahapon?", umupo s'ya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko s'ya tinitignan pero sumagot ako.

"Wala naman. May assignment tayo sa science. Tanungin mo sa kanila kung anong page.", binuklat ko ang notebook ko sa ICT para naman 'di halatang iniiwasan ko ang tingin ko sa kan'ya.

Sorry, Shean. Hindi ko pa kayang sabihin sayo 'yung ginawa ko.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα