SPECIAL CHAPTER

1.7K 30 0
                                    

WARNING: WALA 'TONG KINALAMAN SA BUHAY NG MGA BIDA. TRIP LANG NG AUTHOR 'TO KAYA PAGBIGYAN NIYO NA. KUNG GUSTO NIYONG LAGPASAN THEN GO. WALANG PUMIPIGIL SAYO. *Bumulong* Pinipigilan kita... Hehe

Last month, ginanap sa school namin ang anual Science Fair (District or Division?) Level. Magtitipon-tipon ngayong araw ang mga anak ni Albert Einstein para magtagisan sa galing nila sa siyensa. Matagal pinaghandaan ng bawat isa sa amin ang araw na 'to. But still, chill lang ako kasi hindi naman ako 'yung magpe-present ng project namin. Assistant lang ako sa madaling salita. Dakilang alalay ng co-researcher kong bangag na bangag na sa kakaisip kung pano niya ide-defense 'yung gawa namin. Buti na lang at hindi ako ang napili. I don't think I can handle that kind of stress.

Habang nagpi-print ako ng mga kulang sa write ups namin, sumilip ako mula sa bintana ng Filipino faculty. Ang dami nang mga tao sa labas. Malalayo pa ang pinanggalingan nila para lang maka-attend sa event na 'to. Sana maging successful.

Matapos ang ilang minuto, bumalik na ako sa classroom namin para ibigay ang mga papel sa kaklase ko. Kinuha na ang mga kinakailangan i-display sa table set sa baba ng building bago lumabas. Ang ingay ng sound system.

Nang maiayos na namin ang pagdi-display ng products namin, nagtipon-tipon kaming magkakaklase at humingi ng blessing kay God. Alam kong sasamahan Niya kami. Kakayanin namin 'to. Tiwala lang.

Matapos ang maikling dasal, lumapit ako sa mga magde-defense para pakalmahin sila.

"Isipin niyo na lang, naka-bra at panty lang 'yung mga nasa harapan niyo para 'di kayo kabahan."

"Okay, okay... Hoo... Water is one of the common necessities in order for us to survive...

...

Naka-panty ka lang."

"Haha! Kaya natin 'yan! Fighting!"

Habang nagse-set up pa lang ang ibang school, minabuti ko nang manood. Wala kasi akong magawa. Stay put lang ako just in case kailangan nila ako mamaya.

Napatingin ako sa grupo ng mga lalaki sa ilalim ng Globe na tent. Busy silang lahat at nagkukumahog sa pag-aayos ng mga output nila. Pero may isa sa kanilang kapansin-pansin para sakin. Matangkad siya at mas maputi kaysa sakin. Medyo singkit ang mga mata at mukhang matino. Seriously, hindi naman siguro siya mapapasama sa kanila kung hindi maayos ang pag-iisip niya.

Lumapit ako para matignan siya ng mas maigi. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko kaya kinailangan ko. Napatingin siya sa direksyon ko pero hindi niya siguro ako napansin.

"Bes! Patulong, isabit na natin 'tong tarp.", pagtawag sakin ng isa kong kasama.

"Sige!", sagot ko bago bumalik sa pinanggalingan ko.

* * *

Nakahanda na ang lahat. Isa-isang tinatawag ang mga researchers para i-present sa mga high-rank judges ang kanilang mga gawa. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Pano kung hindi maganda 'yung gawa namin? Pano kung masayang lang lahat ng effort namin para sa IP namin? Pano kung wala nang ice cream sa ref 'pag uwi ko? PANO NA?

Nahinto ako sa pag-iisip nang masagi ng mga mata ko ang nagpe-present sa harapan. Isang matangkad, maputi at singkit na istudyante. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Ni isa sa mga sinasabi niya, wala akong maintindihan dahil sa pagiging abala ko sa pag-a-analyze ng features ng mukha niya

Bakit ganito?

Bakit...

.
.
.
.
.
.

Ang landi ko...

* * *

Nakaupo na ako ngayon sa bench malapit sa ibang studyante. Malapit sa mga taga ZNHS. Malapit sa KANIYA. Haaay. Ano bang ginagawa ko? Gusto kong malaman kung sino siya. Mali... Mali, KAILANGAN kong malaman kung sino siya. Kahit pangalan niya lang, sapat na.

Dahil sa malala na ang pagiging abnormal ko, nagsuot ako ng mask para hindi niya mapansin na tinititigan ko siya. Nakakainis, bakit nagkakaganito ako? Hindi naman ako ganito eah... 'Di ba nga loner ako? Galit sa mundo? Ano 'to? Paki-explain.

Hindi ko alam kung pano nahulog sa pagkakakabit ang maskara na suot ko. Gumulong ito malapit sa kanila. Shemay, naglalaro pa naman sila ng UNO. Nakakahiya. Pupulutin ko na sana kaso... Nauna siya sakin. Inabot niya 'yung mask at halos 'di ako makapaniwala sa nangyari. Did he just... Looked at me? Bumalik na ako sa pagkakaupo habang nire-register pa sa utak ko ang nangyari. Lumalandi na talaga ako. Maygaaash.

To Be Continued...

HALA! MAY CRUSH NA AKO! 'DI NA AKO ALIEN!!! WOOOH! Pero... Hindi ko talaga alam pangalan niya. Shems, naalala ko tuloy 'yung Kimi No Nawa. Sorry talaga kung pina-publish ko 'to dito. Gusto ko lang i-share 'yung kalandian ko. Hahaha! SORNAGAD!!!

PS. Wala lang talaga akong maisip na isulat para sa next chapter ng MMA. WAHAHA!

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Where stories live. Discover now