Chapter 8: Allen & Marvin's POV

3.5K 86 0
                                    

SINCE THIRD WHEEL SI MARVIN, HERE'S A GIF XD

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SINCE THIRD WHEEL SI MARVIN, HERE'S A GIF XD

ALLEN

"Ano?!", napalingon ako kay Renz. Ilang saglit lang ay tumakbo s'ya palabas. Siguro pupuntahan n'ya si Shean.

"Guys, tumahimik na kayo. Ako na ang tatawag kay Ma'am Francisco."

Tumingin ulit ako sa kausap ko kanina. Mukhang naiinip na s'ya.

"May kasama po ba s'ya sa clinic?", tanong ko.

Tumango s'ya.

" 'Yung kaklase n'yo po. Marvin daw po 'yung pangalan n'ya."

"Sige, salamat."

Dali-dali s'yang umalis at sinarado ko 'yung pintuan. Kinuha ko ang cellphone ko tapos tinawagan ang mama ni Shean. Former teacher namin s'ya kaya may contact # n'ya ako.

Ring. Ring. Ring.

"Hello? This is Mrs. Francisco, speaking."

"Hello ma'am. Si Allen po ito. Emergency po. Nag-collapse po si Shean. Kailangan n'ya po kayo dito."

"What?! Si Shean ko? Why?! She's supposed to stay home today. Sinong kasama n'ya ngayon? Tell her I'll be there as soon as possible."

"Uhm, si Marvin po. Nasa clinic po sila ngayon."

"Okay. I'll hang up now. Salamat, Allen. Thank you so much."

Pinutol na ni Ma'am ang linya at bumalik na ako sa upuan ko.

Ang kulit mo talaga Shean. Pasaway...

Napabuntong-hinga na lang ako at itinuloy ang pagta-type ko ng budget report ng club namin.

* * *

MARVIN

Dahil tinatamad akong bumalik sa room, sumabay ako sa dismissal ng mga regular. Half day lang kasi sila samantalang whole day kami. SSC kasi kami kaya ganun. Anong meaning ng SSC? Search n'yo sa Google.

Muntik na ako mahuli ng body guard pero nakalusot pa rin ako. Ang baho ng mga tao sa paligid ko. Amoy anghit, kulob na paa, nagpapawis na kuyukot, at iba ipa. 'Yung totoo? Uso ba ligo dito?

Pinara ko 'yung jeep na paparating. Walang tao sa tabi ng driver kaya dun ako umupo. Feeling ko sakin 'yung jeep kasi nakalabas 'yung ulo ko sa bintana. Pinagalitan tuloy ako. Sornagad.

Pagkababa ko sa tapat ng bahay namin, sinalubong ako ni Trixie. Niyakap ko s'ya at dinilaan n'ya ako sa pisngi. Tapos nag-french kiss kami. Hinila ko ang blonde n'yang buhok then we made love.

'Di, joke lang. Aso namin 'yun. Golden Retriever. Pero 'di kami nag-french kiss at 'di ko rin s'ya ni-rape. Bata pa ako noh. 'Wag nga kayo.

* * *

Pagkatapos kong maligo ay inihagis ko ang sarili ko sa kama. Dinukot ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Nag-chat sakin si Shean. Akala ko ba galit 'to sa akin?

Marv?

Bkt?

Sorry and thanks na rin.

Pra san?

Ewan ko sayo bes.

Jk lng. Hehe. Kmusta k na?

Ayos na ako. Bes, anong assignment?

Absnt aq bes. D k dn alam

Hay nako bes. D'yan ka na nga.

Haha. Bsta patas na tayo ha?

Yep. We're even. :)

Buti naman ayos na kaming dalawa. Sila kaya ni Renz? LQ?

Tsk. Mga aswang.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Where stories live. Discover now