Chapter 8: The Court

752 27 2
                                    

''Simulan ang paglilitis.'' Dumagundong ang boses ni King Herion sa kabuuan ng malawak circular hall. Na-alerto ang dalawang hari'ng nakatayo sa gitna ng circular magic seal na nakapinta sa sahig. Sa palibot nila at ng seal ay ang isang dosenang upuang naka-elevate sa matataas na platform, okupado ng mga miyembro ng konseho. Animo'y nakakulong ang dalawang hari sa gitna at fence ang mga upuan, sabayan pa'ng hindi sila makagagamit ng magic dahil nakatayo sila sa seal, at ang mga pinupukol na tingin ng mga matatalinong mata ng konseho ay hindi komportable para sa mga nagkasala.

Si King Raigor at King Rodjjo. Ilang araw makalipas ang naganap na digmaan sa pagitan nila ay naisalang sila sa isang paglilitis dahil sa nagawa, para timbangin kung anuman ang nararapat na parusang ipapataw sa kanila.

''Magsimula tayo sa mga nilabag nilang batas,'' anang isang matandang prenteng nakaupo sa high-backed chair. May puti itong buhok na animoy puting mangkok na itinaob sa ulo nito.

''Kalendorr Straxe, Scroll Reader,'' ani naman ng isang matandang may puti ring buhok ngunit may hati ito sa gitna. ''According to what they did, Rule of Fifth ang unang nilabag ng dalawang hari. Read it.''

Isang lalaking naka-brown na robe ang naglakad patungo sa gitna ng seal at nilabas ang isang naninilaw ng scroll. Natahimik ang lahat, tumikhim muna ito bago nagsalita; ''Konstus im Pentro---''

''Ancient Mystician is not practiced in the Fladran Territory. Better translate it in Acrian,'' pagpuputol ng isang matandang mahaba ang itim na buhok sa pagbabasa ng Scroll Reader.

Kalendorr, feeling a bit embarassed, re-read again and translated the words, ''Batas ng Ika-lima: Sinumang magsisi
---

Walang umimik kay Adriel at kay Henry habang nakatayo sila sa harapan ng mga kaibigan nila. Si Genevieve, Karen, Kaye, Jess, Allyza, Chris, Ced, Axle, at Oliver. Lahat ay nakatingin sa dalawa liban kay Jess at Allyza na nag-iwas ng tingin.

The room was completely in silence. Ilang minuto pa nang sa huli ay napagdesisyunan ni Henry na magsalita.

''Uhm, ayos lang kayo? May nasaktan ba sa inyo?'' Tanong niya, trying to control his shaking voice. Pasimple niyang sinulyapan si Jess na tahimik na nakasilip sa may bintana.

''Okay lang kami.'' sagot ni Chris ngunit alam ni Henry na may halong pagdududa sa boses nito.

''How long have you been here?'' Tanong ni Adriel sa kanila na iniiwasang tingnan si Allyza.

''Maybe, 5 hours? I don't know.'' Sagot ni Gen. Pagkatapos non ay wala ng umimik pa. Alam ng magkapatid kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga kaibigan nila. Yun ay ang---

''Isa nanaman ba ito?'' Tanong ni Karen. Alam nilang lahat kung ano ang tinutukoy niya. Ang insidenteng nangyari sa kanila isang taon na ang nakalipas.

They were caught by evil creatures and imprisoned in an island full of dangers. An island surrounded by a maze. They traveled restlessly at day, kadalasan ay nakaka-encounter ng ibat ibang uri ng panganib, and they camped on jungles, and cliffs when night fell. Naranasan nilang mamuhay sa ganoong paraan sa loob ng isang linggo, and after that they found the maze---which is the only way to escape the island---but before reaching the "Exit" they met the Firecatcher, na kinalaban at tinalo ni Adriel.

''N-no!'' Henry said quickly, ''You're all in a castle. Maraming guards dito, you're all safe. So wala kayong dapat ipag alala...''

''Wala?'' nagsalita bigla si Jess at humarap kay Henry, ''wag mag alala? Eh hindi ba't panganib lagi ang dala niyong dalawa? Bakit ba kaylangang palagi kaming nadadamay ha?!''

Nagulat silang lahat, maliban kay Henry. First time nilang makitang pagsalitaan ng ganon ni Jess si Henry. Nag iwas lang ng tingin si Henry. (At least kinausap niya na ko) Sabi nalang niya sa isip.

''Yes! Jess was right!'' Galit na sabi ni Gen. ''Sawa na kami sa magic! Puro danger lang ang dala nito! The worst thing is kagagawan niyo nanamang dalawa!''

''B-but...'' hindi na itinuloy ni Henry ang sasabihin niya ng bahagya siyang siniko ni Ad, senyales na wag na itong magsalita.

''I guess... well tama sila.'' Pag sasang ayon ni Ced.

Nanghihina si Henry habang tinitingnan ang mga kaibigan na sinisisi nanaman silang dalawa. Sinubukan niyang kuhanin ang titig ni Chris dahil alam niyang kakampi ito sa kanya, pero tahimik lang itong nakayuko.

Malalim ang iniisip ni Adriel na seryosong tinititigan ang mga mukha nila.

''Guys, calm down, diba nalagpasan na natin ang ganito?'' Sabi ni Kaye. Nagkaroon ng konting hope si Henry.

''No! Kahit na! We will suffer again? Papayag ba kayong mahirapan tayo ulet ha?'' Sabi ni Gen.

''I told you we're on a castle--'' naputol ang sasabihin ni Henry ng ibagsak ni Adriel ang kamao sa isang magarang table. Natumba ang isang puting flower vase na gumulong at nabagsak, isang nakakangilong tunog ang dinulot ng pagkabasag nito.

''DON'T YOU KNOW WE DON'T WANT TO SEE YOU ALL IN DANGER!?'' bulyaw ni Ad na ikinagulat nila. Natahimik silang lahat. ''TAPOS SASABIHIN NIYONG KAGAGAWAN NAMIN TO? BAKET? AKALA NIYO BA GINUSTO NAMIN NI HENRY NA ILAGAY KAYO SA PANGANIB HA!? GANUN BA ANG TINGIN NYO SAMEN!?''

Huminto siya at naghabol ng hininga. Wala pa ring umimik.

''THIS IS A CASTLE! AND BECAUSE OF HENRY AND I YOU WILL BE THREATEN LIKE ROYALS!'' Sigaw ulit niya. Bumaling siya kay Henry, ''let's go.''

They left and Adriel slammed the door.

The Wizard Guardians (Part 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon