Seven

58K 1.3K 29
                                    

Vena's words haunted me even in my sleep. He doesn't mean it the way a woman would view it. Alam kong sinabi niya lang iyon sa secretary niya dahil nagmamadali na rin siyang maisakatuparan ang Cube at Cynthia love team na inaasam-asam niya.

Buti na lang may check up si daddy ngayon kaya maiiwasan ko ang mukha niya kahit isang araw lang. His presence was downright drowning me. Hindi ko na alam kung maidadagdag ko pa siya sa problema ko kay dy, lalo na ngayon na mahina nanaman ang battery ng pacemaker niya at mukhang kailangan na namin papalitan. Kaso ayaw niya naman magpunta ng US. Natatakot daw siya na baka biglang bumalik si mommy at kunin ako. That is far from reality to happen. I'm 29, mommy left us 22 years ago. Ngayon pa ba siya babalik? But I can't blame daddy for it, ikaw ba naman makaka-move on kung kamukha ng asawa mo ang anak na iniwan niya sa iyo?

"Sir Enrique, humihina na ang battery ng pacemaker niyo. Hindi ba kayo nahihirapan?" Tanong sa kanya ni doc Santiago habang nakatingin sa tracings ni.

"Dy, magsabi ka ng totoo kay doc." Bulong ko. Natawa na lang si doc sa aming dalawa. "Matigas kasi ang ulo doc Santi eh. Last year ko pa siya pinipilit na magpapalit ng battery pero ayaw."

"Hindi pa naman ganoon kahina Amy, pero I advise na bago matapos ang taon mapalitan na. 'Wag na nating hintayin pa na magkaroon ng irregular rhythms ang puso mo Sir Enrique."

"Narinig mo yun dy?" I asked slightly reprimanding him. He answered me with a sigh before he groanes. Doc Santi requested some blood tests for daddy kaya nagpunta pa kami ng laboratory bago uuwi. "Dy okay lang ba na iwan muna kita habang kukuhanan ka ng dugo? May tumatawag kasi sa akin." Paalam ko sa kanya habang nakaupo siya sa extraction chair. Nginitian niya ako, "Anak naman. Parang hindi doctor ang daddy mo niyan sa mga sinasabi mo." I laughed before I kissed him in his forehead and excused myself.

Napairap lang ako nang nakita ko kung sino ang tawag nang tawag. "Cube bakit?" I rolled my eyes. The thought of him makes me grimace.

"I thought the standard was hello?"

I sighed. "Busy ako ngayon, sa susunod na araw na lang tayo mag-usap. Bye." Tugon ko bago ko ibinaba ang tawag niya. What does he wants now? Napailing ako bago ko binalikan si daddy na katatapos lang kuhanan ng dugo.

Hinintay pa namin lumabas ang resulta ng blood test ni daddy kaya tumambay pa muna kami sa clinic ni doc Santi. His CPK-MB is within normal naman. Kahit yung lipid profile niya. I sighed in relief, pasaway din kasi itong si daddy minsan. "Sige po doc. Thank you." Paalam ko nang palabas kami. We were about to take a turn to the exit when Cube suddenly appeared out of nowhere.

"Hi." Bati niya, his smile almost hitting his eyes. What's he doing here?

Nakabulsa ang dalawa niyang kamay saka siya napatitig kay daddy. Nakasukbit kasi ang braso ko sa braso niya. "Cube, what are you doing here? How'd you find me?" Tanong ko. But he dy iverlapped my question with his. "Ah, you must be Mr. Calderazzo? The flower man." Sambit ni daddy. Napangiti mas lalo si Cube, inabot niya ang kamay niya kay daddy. "Yes sir, that's me." Magalang na sagot niya sa tatay ko.

My brow shot up. Ano bang kailangan niya ngayon na hindi makapaghintay hanggang bukas? "Cube, this is my dad Enrique. Dy, this is the prick I have been telling you about." I said without hesitation. But Cube just answered me with a smirk. "Cube, a very unique name." Tugon ni daddy. I whined, alam naman ni daddy na ayaw ko sa taong ito. Bakit ba niya kinakausap?

"I get that a lot sir. But still, I like Amorr calling me Chance/Chancellor." He answered back. I rolled my eyes at him.

"Kaya siguro ayaw ka niyang tawagin ng Chance because you call her Amorr." Pabirong sabi ni daddy. He suddenly held his chest before sitting on one of the nearest chairs. Heto nanaman ang sudden onset of 'Aurora' sickness ni daddy. 'Yong bigla siyang nanghihina sa tuwing naalala niya si mommy.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon