Thirty Five

44K 837 31
                                    

Nagpalipas ako ng gabi sa condo ni Cael. Walang tawag, walang texts, walang kahit na ano mula kay Chance. Ano pa nga ba aasahan ko sa taong iyon? Mas matayog pa ata sa Mt. Everest ang ego nun. Hindi ko maabot-abot, kahit anong gawin ko.

Cael let me sleep on his room while he slept on the sofa. I insisted na ako na lang doon pero ayaw niya. Besides the fact that I am a woman daw, buntis pa ako. Ayaw naman daw niyang hindi ako komportable sa pagtulog.

"Hey..Ummm, good morning Amy. Sorry to wake you up pero nagreply na sila Tita Jam sa texts mo kagabi." Tawag niya sa akin habang nakasilip sa pinto ng kwarto niya. "A-anong sabi?" My voice raspy from crying last night.

"Your flight is tonight. She wants you to pack your things, sa ospital na lang daw kayo manggagaling papunta sa airport."

Napatango ako bago siya nagpaalam at nagsara ng pinto. Napahapo ako sa noo ko bago ako tuluyang bumangon. Nagaayos na ako ng gamit habang nakaabang sa akin si Cael sa pinto.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo. Diba ayaw mong makita si Cube? Baka andoon yun ngayon." He said with a shrug. Hindi naman na ako nagprotesta. Ginusto ko ito diba? I wanted to get away from him. Far away as possible.

Napahinto ako ng nakita ko muli ang strips ng ultrasound ko. Sorry anak ha. Sorry kung hindi ka mabibigyan ni mommy ng buong pamilya. Sorry kung ganito ang kakahinatnan natin. Sorry kung matutulad ka kay mommy.

Nagulat na lang ako ng pinunasan ni Cael ang luha ko. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa akin. Mas lalong hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. "Amy, if you're hurting, then why do keep on torturing yourself?" He whispered.

But vocabulary is a luxury for me now. Voiceless. Speechless. I heard him sighed in resignation before he hugged me tight. I just found myself clinging into him. "Sige na, tumahan ka na. Magiimpake pa tayo."

Hindi naman na nagtanong si Cael about....everything. Hindi niya na rin ako tinanong ulit sa mga naging desisyon ko sa aming dalawa ni Chance. Buo naman na ang desisyon ko at hindi na magbabago. I will raise my child alone. I can do it. Nagawa ni daddy, kaya alam kong magagawa ko rin.

I went immediately upstairs to pack our clothes. Inuna ko muna yung kay daddy bago yung akin. Habang si Cael nasa baba naghihintay sa tawag ko, ayaw niya rin kasing magbuhat na ako ng mabibigat. Busy na rin naman siya sa kausap niya sa cellphone niya.

Hindi ko madedeny. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Ayoko ng makita si Chance, ayoko ng magkaroon kami ng kahit na ano pang ugnayan. Pero umaasa ako kanina na madadatnan ko siya dito at naghihintay sa akin. That man wrecked me big time.

Parang habang tumatagal na pinagtutulakan ko siya palayo, mas lalo akong nangungulila sa kanya. Parang mas lalo ko siyang minamahal. Bakit ba kasi ganito? Kung alin ang hindi pwede yun ang ipinipilit. Dapat kasi nung una palang isiniksik ko na sa kokote ko na hinding-hindi kami magiging masaya ni Chance, siguro panandalian lang pero hindi panghabang buhay.

"Cael, okay na ako." Tawag ko sa kanya habang hinihila ang maleta ko palabas ng kwarto.

Cael looked at me from the first floor, sabay baba sa katawagan niya. Tinanguan niya lang ako bago niya binuhat ang dalawang bagahe na inimpake ko.

Nasa pinto na kami ng binalingan ko ulit ng tingin ang bahay. Baka kapag malaman ni d yang tungkol sa amin ni Chance hindi na kami umuwi dito. I'll try to be happy. Para na rin sa anak ko. Siguro, pagnaglaon magkakaroon na ako ng lakas ng loob na harapin at kausapin si Chancellor. At kapag nangyari yun, papasalamatan ko siya.

"Halika na?" Aya ni Cael ng napansin niyang nakatunganga na ako sa pinto ng bahay namin. I nodded my head before I locked the door. May spare key naman si Chance, he can get his things kapag gugustuhin na niya.

Everyone is there when we arrived at the hospital. Akala ko nga magtatanong si dy ng nakita niyang si Cael ang kasama ko dumating doon. Pero wala naman siyang kibo hanggang sa, "Pwede niyo ba kaming iwan muna ni Love? May paguusapan lang kami."

Narinig kong humalinghing si Tita Wil, baka naman nagbago na ang isip ni dy at hindi na niya gusto lumipad ng US para magpagamot. Kaya na lang ganoon ang naging reaksyon ni Tita.

I sat on his bed before I held his hand, I was dreading for the words that will sprout out of his mouth. "May gusto ka bang sabihin sa akin anak?" He asked in his usual tone.

Hindi ako nakapagsalita. Marami. Marami akong gustong itanong, sabihin. Pero hindi ko magawa. I felt like I boarded the feels train.

Daddy sighed when I became unintelligent for words. "Love anak, marami akong mali sa pagpapalaki sa iyo. Sobrang dami na minsan gusto kong sisihin ang sarili ko sa tuwing nakikita kitang umiiyak."

He brought his hand up and started running his fingertips on my purple hair. "Anak hindi ko masasabi kung mali ba ako o tama ng pinigilan ko ang kasal niyo ni Cael. Pero hindi ba, hindi naman talaga natin masasabi masaya tayo hangga't hindi natin nararanasan ang sakit?"

"Dy wag na muna nating pagusapan ito.Hindi maganda sa kalagayan mo." Pakiusap ko. Isa lang ang magsasabi sa kanya nito. Si Cael lang at wala ng iba.

"Kailangan na nating pagusapan ito ngayon anak. I've hid it to you for so long at gusto kong manghingi ng tawad."

"Dy-"

"Love, alam kong mali na maging overprotective and possessive sa iyo kahit alam kong ikaw lang naman ang mayroon ako." He said cutting me off. "Pero dapat tanggapin ko na ngayon na hindi naman habangbuhay ako lang ang magiging lalake sa buhay mo. Mahal mo si Chancellor at mahal ka rin niya, 'wag mo ng pahirapan ang sarili mo."

His last words burrowed inside me. I tried so hard not to cry infront of my sick dad. Alam kong magaalala lang siya, at sa lagay niya ngayon dapat sarili niya lang ang inaalala niya.

"Alam ko yun dad. But sometimes love isn't enough." I answered brief, my voice started to shake as I swallowed my tears.

"Logical thinking may destroy your one chance of happy ending anak. Papayag na ako na magpa-opera at magbiyahe papuntang US kahit hindi ka kasama, basta tigilan mo na ang pagpaparusa sa sarili mo."

I gaped at him with wide eyes. "I mean it Love. Pumapayag na si daddy, just stop this madness. Go back to him, talk it over, & fix whatever it is that needed fixing. Hindi pa naman huli ang lahat." Dad said with a smile.

He wants that? Of course he doesn't! Kung ano man ang mga sinabi sa kanya ni Cael para magbago ang isip niya wala ng kwenta iyon ngayon. Ni hindi nga ako nagawang tawagan ni Chance aasa pa ba ako?

I just shook my head before I smiled at him bitterly. "Hindi daddy. Sasama ako sa iyo. Tama na itong usapan na ito."

Tinawag ko ulit sila Tita at Tito para samahan kami ulit sa loob ng kwarto, at para maiwasan na rin ang topic nay un. Busy na silang nag-uusap magkakapatid kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kornerin si Cael sa isang sulok.

"Ano bang pinagsasasabi mo kay dy?!" I hissed. Keeping our conversation quiet as possible.

Nagkibit balikat lang siya. "Everything he needs to know." He answered nonchalantly.

"Cael, stay the fuck out of this. Wag mo na akong pakialaman. Desisyon ko ito okay? At kailan mo naman iyon nasabi kay dad?"

"Kanina habang nagiimpake ka."

"Did you tell him about the baby?" I again asked, afraid this time.

He shook his head before he looked at me, "Hindi. Wala ako sa posisyon para magsabi nun kay Tito."

I sighed in relief before I turned my attention to dy who was busy talking to Tita Jam about the arrangements of his operation. I let my hands cupped my little tummy, ano ba ang dapat at tama? Alin ba ang hindi at mali? Anak tulungan mo naman si mommy.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon