Chapter 4

4 1 0
                                    

Chapter 4: Sick

Tatlong linggo na ang nakaraan simula ng mag-umpisa ang klase at mag-away kami ni Adrian. Nagkaayos din naman kami dahil nag-sorry naman siya. Dumistansya din siya kay Sandra kahit di ko naman binabawalan. Pero wag kayo, natutuwa nga ako dahil alam niyang ayaw ko sa babaeng yan. Di ko na lang sinabi sa kanya dahil ang alam niya kaibigan ko iyan. Ang Queens patuloy pa rin sa pagpaparinig at pang-aasar sa kanya. Tulad na lang noong Thursday.

Pare pareho kaming nanahimik ng biglang may sumigaw.

"Tang-ina! Ang kapal kapal ng mukha niya para sabihin niya iyon sa akin." Sigaw ng boses kaya tiningnan namin. Si Sandra pala. Hindi kami umimik at hinayaan lang siya. Mukhang may kaaway.

"Akala mo kung sino? Eh hindi naman kagandahan. Naiinis ako sa kanya." Sigaw niya pa rin. Ikaw ba maganda ka? Yan ang gusto kong isagot sa kanya pero sinarili ko na lang. Nagpipigil naman ng tawa ang Queens at Kings except kay Adrian na seryoso ang tingin kay Sandra at sa akin.

Hindi ko pinansin si Adrian. Hinayaan ko lang siya nang biglang lumapit sa akin si Sandra at hinatak ang braso ko. Ramdam kong bumaon ang mga kuko niya sa balat ko. Agad naman akong napatayo.

"Ano bang problema mo?" Sigaw ko dahil patuloy pa rin siya paghila sa akin. Halata namang nagulat siya.

"A-ah Cj, kasi may nakaaway ako. Kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya bago binitawan ang kamay ko. Shit! Ang sakit. Namumula pa.

Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Khim.

"Hindi nakikipag-away si Cj, Sandra. Ang lakas ng loob mong mang-away tapos ngayon humihingi ka ng tulong. Eh kung sinabunutan kita dyan ha?" Mataray na pahayag ni Khim.

Nilingon ko ulit si Sandra at nakita kong papaiyak na siya. Agad namang tumayo si Adrian para daluhan siya. Lalo namang umiyak ang gaga ng inalo siya ni Adrian.

"Hindi naman. Sila yung nag-umpisa. Kung ano ano ang sinasabi nila tungkol kay Cj." Paliwanag niya sa pagitan ng paghikbi. Niyakap naman daw siya bigla ni Adrian.

"Eh ano ngayon? Kung si Cj nga kahit na naririnig na niya hindi niya pinapansin tapos ngayon eto ka, eepal na lang bigla?" Pahayag ni Liz.

"Tama na." Saway ni Adrian. Tss. Umayos ka, boy. Kakabati lang natin. Tiningnan ko lang ng masama si Adrian kahit na hindi naman niya nakikita. Biglang humapdi ang kamay ko kaya ibinalik ko ulit ang atensyon ko dito. Shit ulit. Dumudugo na. Napansin naman ng mga boys iyon kaya agad nila akong nilapitan. Nag-panic na rin ang Queens.

"Cj, okay ka lang?" Tanong ni Paul habang kumukuha ng tissue. Gusto kong mahilo sa nakikita kong dugo. Hindi naman ganoon karami pero kahit na, dugo pa rin iyon.

"Tara sa clinic." Yaya ni Tim pero hindi ako gumalaw. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Ito yun. Isa sa mga iniiwasan ko.

"Cj, tara na."

Damn. Umiikot na ang paningin ko. Nakatayo na rin si Adrian sa tabi ko. Mukhang iniwan na niya si Sandra. Yung pawis ko nag-umpisa ng tumulo. Nanginginig na rin ang tuhod ko. Fuck! Kailangan kong gumalaw.

Akmang bubuhatin na ako ni Paul ng magsalita ako.

"Wag. Yung inhaler ko. At wag niyo akong palibutan." Sabi ko na agad naman nilang sinunod umalis silang lahat sa harapan ko. Kumuha pa ng pamaypay si Nicole. Hinanap na din nila yung inhaler ko.

Nilapitan ulit ako ni Khim dala ang bulak at betadine. Hindi ko kayang tingnan. Inalis ko ang tingin ko doon at nadako iyon kay Sandra na nakasalampak sa sahig. Kita ko ang ngisi niya pero hindi siya sa akin nakatingin. Agad kong kinalbit si Liz para maituro ko si Sandra sa kanya. Nakangisi pa rin ito pero hindi siya nilapitan ni Liz.

"Cj, eto na." Sabi ni Tim sabay abot ng inhaler. Agad ko itong ginamit. Nararamdaman ko namang umayos na yung paghinga ko pero yung dugo naaala ko pa rin.

Pinaypayan nila ako at ginamot yung sugat ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang akong nasa ibang kwarto na. Pamilyar na 'to sa akin. Puti lahat. Malamig ang hangin at sobrang tahimik. Nasa clinic ako.

Agad akong bumangon kasabay ng paglapit ng nurse.

"Cj, okay ka na ba?" Malambing na tanong ni Nurse Clara. At oo, kilala na niya ako dahil suki ako ng clinic.

Tumango lang ako sa kanya. "Nasaan na po sila?"

"Sila? Ang Queens at Kings?"

"Opo."

"Ang Queens pumunta dito kaninang bandang alas dos. Ang Kings naman lumabas lang sandali para bumili ng pagkain. Yung tatlo lang. Si Adrian dapat ang nandito kaso tinawag siya ng kaklase niyo." Paliwanag niya.

Hindi na rin naman ako nagtanong pa. Pinainom na lang niya ako ng mga gamot bago siya bumalik sa desk.

Halos kalahating oras yata akong naka-tanga dito. Ang tagal nila. Siguradong gabi na at nag-aalala na si Mama. Nagugutom na rin ako. Agad kong hinanap ang cellphone ko sa loob ng bag kong nasa side table lang.

Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Mama.

Ako:
Ma, baka late na po akong uuwi ngayon. Hihintayin ko pa po kasi sina Paul. Papahatid na lang din po ako sa kanila.

At send. Lumipas ang ilang minuto at natanggap ko ang reply ni Mama.

Mama:
Sige. Mag-ingat ka. Love you.

Yun lang. Ilang sandali lang ay pumasok na ang Kings dala ang isang plastic na malaki na may lamang styro at canned juice.

"Cj, gising ka na?" Tanong ni John kaya ngumiti ako ng malapad sabay sabing, "Hindi. Tulog pa ako. Kasi yung taong gising naka-pikit ang mata."

Tumawa naman yung dalawa. Tss. Agad kong kinalkal ang mga styro na naglalaman ng maraming  kanin at ulam. Agad akong sumimangot ng mapag-tantong sobrang damu ng mga 'to. Pero naalala kong boys nga pala ang mga kasama ko.

Kumuha lang ako ng konting sisig at kanin. Nakatingin naman sila sa akin na parang may ang weird ng ginawa ko.

"Bakit?"

"Yan lang ang kakainin mo? Wow ha. Parang walang nangyari?" Sarkastikong sabi Paul.

"Wala kayong pake. Basta konti lang ang kakainin ko." Sabi ko atsaka na nag-umpisang sumubo. Napailing na lang sila. Wala naman silang magagawa. Atsaka babae kaya ako. Malapit ng maubos ang pagkain ko pero hindi pa rin bumabalik si Adrian kaya nagtanong na ako.

"Where's Adrian?" Tanong ko pagkatapos uminom ng juice.

"Kasama si Sandra."

"And why?" Tanong ko ulit kaya nagkatinginan na sila.

"She's sick. And she needs someone who can bring her home."

Wow ha! Sick pala, huh?

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now