Chapter 9

2 1 0
                                    

Chapter 9: Too Much

Nang makabalik na kami ng room ay agad akong sinalubong ng tatlong ugok. Nagtataka pa nila akong nilingon nang makita nila si Adrian sa likod ko.

"We're okay." Simpleng sabi ko habang tinitingnan isa isa ang mga brownies. My favorite. Kumagat ako sa isa at ninamnam ng mabuti. Nakatingin naman silang lahat sa akin kaya nag-taas ako ng kilay.

"Seriously?" Natatawang tanong ni Adrian.

"What?"

"Talagang kailangan slow motion ang pag-nguya. Ano ka, nagmo-model?" Tanong ni Paul.

"At hindi mo man lang ba kami bibigyan?" Nakangusong tanong ni John.

"Syempre. Para malasahan ko nang mabuti." Sagot ko kay Paul bago bumaling kay John. "Gusto mo ba?"  Tanong ko at parang batang tumango naman siya.

"Edi bumili ka nang iyo." Sabi saka tumawa ng malakas.

"Nakakainis ka talaga. Ang dalang ko na nga lang makihati sa pagkain tapos ngayon hindi mo pa ako bibigyan."

"Sige na. Binibiro ka lang eh. Kuha na. Pero isa isa lang, huh?" At agad naman silang nagsikuha. Lumapit na din ang Queens at kumuha ng tig-iisa. Napanguso ako nang sampu na lang ang natira.

"Mabuti pang dalawang box sana ang ipinabili ko." Bulong ko.

"Hindi mo naman kasi sinabi." Sagot ni Adrian kaya napatingin ako sa kanya.

"Narinig mo?" Tanong ko at tumango lang siya. Talas talaga nang pandinig. Kanina sa canteen tas ngayon. Umiling lang siya at ngumiti.

Sarap na sarap ako sa mga cupcakes ng bigla akong tinawag ni Liz.

"Cj, free ka ba sa Saturday?" Tanong niya. Mukhang alam ko na ito.

"Hindi ako sure. Why?"

"Overnight tayo sa amin. Kasama  mga boys." Yaya niya.

"Sasabihin ko kay Mama." Sagot ko sa kanya.

"Sige. Sana payagan ka. Ang tagal no nang hindi pumunpunta sa amin." Excited na sabi siya.

Pagkatapos 'nun ay lumabas siya kasama si Karyll at Khim. Canteen siguro sila o CR. Maya maya lang din ay pumasok na ang teacher namin sa Science. Nag-iwan lang sa amin ng isang seatwork at in-explain kung paano iyon sasagutan ay lumabas na siya.

Binasa kong mabuti ang bawat tanong dahil ayaw kong bumagsak. Gusto kong makapasok sa Overall Outstanding Students sa taong ito. Dati na akong nasa listahan pero pangalawa lang. Gusto kong manguna ngayon.

Lumipas ang kalahating oras ay natapis na din ako sa wakas. At ang kasunod ng Science ay ang favorite kong recess. Hahaha. Kinain ko na lang ang natitirang cupcakes at nagpabili na lang ako ng tubid kina John. Tinatamad akong bumaba.

Tahimik lang ako habang pinapanood ang mga estudyanteng dumadaan sa room namin. Bigla kong naalala yung mga panahong lagi akong mag-isa. Grade two ako noon nang magsimula ang lahat.

Nasa isang malawak na playground kaming lahat. Masaya silang naglalaro kasama ang mga kanya kanya nilang mga kaibigan samantalang ako, naka-upo mag-isa sa swing. Ganito ako palagi. Loner. Wala akong kaibigan dahil ayaw nila sa akin. Pero hindi ko alam ang dahilan. Simula nang pumasok ako sa paaralang ito ay walang pumapansin sa akin. Kahit isa sa kanila wala. Hinahayaan lang nila ako. Wala silang ginagawa pero sa paraan ng pagtingin nila sa akin ay hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko sila pinapansin. Hindi din alam nina Mama ang tungkol dito.

Pero nung tumuntong ako ng Grade three ay nag-umpisa na silang manakit. Pagpasok ko palang bato dito, bato doon. Sigaw dito, sigaw din doon. Walang magawa ang teacher ko dahil natatakot siyang siya ang mapagalitan ng magulang ng mga kaklase ko. Hinayaan ko pa rin sila sa mga ginagawa nila sa akin.

Pero nagbago ang lahat ng magsimula na akong makaramdam ng kakaiba. Madalas na akong mahilo at himatayin. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Mama dahil ayaw kong malaman nila ang nangyayari sa akin sa school. Pinapaki-usapan ko na lang din ang mga teachers ko na wag ipaalam ang tungol dito. Patuloy pa rin ang mga kaklase ko sa pambu-bully sa akin. Hindi ako lumalaban dahil ako ang mapasama.

Ganoon lagi ang eksena ko hanggang sa nag Grade five na ako. Pero mas tumindi na iyon. Hanggang sa may nag-transfer na isang estudyanteng lalaki. Hindi ko siya kilala dahil hindi pamilyar ang mukha niya. Isang araw habang nakaupo sa park ay lumapit siya sa akin. Hindi ko siya tiningnan dahil hindi naman ako interesado sa kanya.

"Miss?" Tawag niya sa akin kaya nilingon ko na siya.

"Ako nga pala si Adrian. Anong pangalan mo?" Tanong niya pero nanatiling nakatingin lang ako sa kanya.

"Bago lang ako dito kaya naghahanap ako ng kaibigan. Okay lang ba sayo?" Nakangiti niyang turan.

I remained silent but deep inside I feel so happy. This is the first time that someone introduce himself to me. I smiled at him after a while.

"Cj." Maikling pakilala ko saka itinaas ang kamay ko na agad naman niyang tinanggap. Shinake niya ito ng ilang sandali bago tumingin sa akin ng nakangiti.

"It's nice meeting you." Sabi niya kaya napangiti ako.

Simula nang araw na iyon ay lagi na kaming magkasama. Medyo natigil na din ang nambubully sa akin. Lagi syang nagkukwento tungkol sa buhay at madalas niya din akong isama sa bahay nila.

Napangiti ako sa mga alaalang nagbalik. Ang bilis ng panahon. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. Siya yung taong naging kasama kapag may mga problema akong hindi ko masabi sa mga magulang ko. Kaya ganoon na lang ang takot kong mawala siya sa akin.

"Guys, may sumanib yata kay Cj. Ang creepy niyang tingnan." Biglang salita ni Liz kaya agad akong bumalik sa reyalidad. Nang tumingin ako sa kanila ay gusto kong matawa ng malakas dahil para silang mga tangang naka-tingin sa akin.

"Anyare sayo, girl?" Tanong ni Karyll kaya ngumiti ako sa kanya pero hindi ko siya sinagot.

"Naku, parang may sikreto siya." Dagdag ni Angel.

"Wala. May naisip lang." Sabi ko nang nakangiti bago bumaling kay John. "Tubig ko?"

"Heto na po, kamahalan." Sabi niya na nakapag-patawa sa amin.   

"Adrian, bakit hindi pumasok si Sandra?" Tanong ko.

"Bakit mo hinahanap sa akin? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao?" Sarkastikong sagot niya.

"Bwiset ka. Tinatanong ko lang. Ikaw ang lagi niyang kasama eh." Sigaw ko sa kanya. "Peste, wala kang kwentang kausap." Dagdagp ko pa kaya natawa siya.

"Oy, tigil na. Baka mamaya mag-away ulit kayo." Awat ni Paul.

"Don't worry kapag nag-away kami alam ko na ang magtatanggal ng galit niya." Mayabang na sabi niya.

"Sus. Hindi na brownies ang hihingin ko sayo sa susunod. Yung puso mo na." Sabi ko kaya nagulat naman siya.

"Uyyyy. Ano yan, Ms. Celestine Jyla Mercado?" Asar ni Angel.

"Tss. Kinilig ka naman. Joke lang yun, gago." Bawi ko kaya tiningnan niya ako ng masama.

"Paasa ka!" Sigaw niya kaya nagtawanan sila.

Hindi din. Alam ko lang na sobra sobra na kapag yun ang hiningi ko. That is too much to ask.

Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now