Chapter 5

2 1 0
                                    

Chapter 5: Group

Hinatid ako nina Tim sa bahay pagkatapos naming kumain. Hindi na rin pa bumalik si Adrian. Hahayaan ko na lang muna iyon.

Heto ako ngayon nakatanga sa harap ng laptop habang tinitingnan ang larawan ng lalaki. Tatlong linggo na rin simula ng mag-request ako sa kanya at hanggang ngayon ayn wala pa rin. Iscroll lang ako ng scroll nang mga larawan niya. Infairness, gwapo siya. Messy hair, red kissable lips, at oh-so-yummy smile. Siya na. Siya na ang hinahanap ko. Nakatingin lang ako sa mga picture niya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang tumatawag.

"Bakit?" Panimula ko.

"Good evening din sayo, Cj. Ang sweet mo talaga." Sabi ni Adrian. Oo siya yan. Tss.

"Ano bang kailangan mo?"

"Galit ka ba?" Tanong niya.

"Hindi."

"Oh okay." Si Adrian. Nanatiling tahimik kaya nagsalita ulit ako. "Wala na ba? Tapos ka na?"

Bumuntong hininga muna siya bago ulit nagsalita. "Sorry na, Cj. Alam ko namang galit ka dahil hinatid ko si Sandra at iniwan kitang mag-isa kanina sa clinic."

"Eh ano ngayon kung hinatid mo siya?" Sabi ko. "Kaya ko namang mag-isa sa clinic kaya hindi mo na ako kailangang bantayan. Atsaka sino bang may sabing galit ako?"

"Sina Tim. Nagtatanong ka daw sa kanila. Hinahanap mo daw ako."

"Gago! Nagtatanong lang ako pero hindi ako galit. Sa susunod wag kang maniniwala sa mga iyon. Parang hindi mo sila kilala." Hirit ko.

"Hindi ka ba talaga galit?"

"Hindi nga sabi eh." Ako.

"Eh bakit ganyan ka kung magsalita? Come on, Cj. Don't make this hard for me. Alam mo namang ayaw kong nag-aaway o nagagalit ka sakin. "

Yun naman pala eh.

"Hindi nga. Sige na, matutulog na ako." Paalam ko.

"Ikaw talaga. O sige,  good night." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad ko nang pinutol ang tawag. Magalit na siya kung magalit. The hell I care.

Pero natutuwa pa rin ako dahil tumawag siya. Akala ko nakalimutan na niya ako. Alam kong mali ang makaramdam ng ganito pero anong magagawa niyo, ayaw ko ng may kahati sa kanila.

Tiningnan ko ulit ang laptop pero wala paring respond galing sa kanya. Pero hindi pa rin ako susuko. Hihintayin ko siya. Nag-log out muna ako bago itinabi ang laptop. Cellphone naman ngayon ang aatupagin ko. Chineck ko muna lahat ng accounts bago nagpa-tugtog.



Lunes. Isang napakasayang araw.

Yun ang akala ko dahil ng makita ko ang dalawang ito sa tapat ng pinto ay agad nag-init ang dugo ko. Si Adrian at Sandra. Mukhang masayang masaya silang nag-uusap kung hindi lang ako nakita ni Adrian. Agad na naglaho ang ngiti niya at nagtaka naman si Sandra. May sinabi pa ito sa kanya bago humarap sa akin suot ang napakagandang ngiti.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko sinuklian ang ngiti ng impakta. Nanatiling blanko ang ekspresyon ko nang dumaan sa harap ni Adrian.

"Jyla." Tawag niya kaya tumigil ako pero hindi nagsalita.

"Good morning." Sabi niya kaya ngumiti ako ng sobrang tamis. Yung tipong mauumay na siya sa sobrang tamis. Tss.

"Anong good sa morning?" Sarkastikong tanong ko. Agad namang nagbago ang ekspresyon niya. Si Sandra nanatiling nakatayo sa likod niya.

"Umaga pa lang badtrip kana? Anong bang problema mo?" Akmang aakbayan niya ako kayo dumistansya ako.

"Sino bang hindi maba-badtrip kung pagpasok mo palang  naghaharutan ang una mong makikita." Sagot ko bago siya tinalikuran.

Naiinis ako sa kanya. Bakit ba palagi niyang kasama ang babaeng yun? Nadatnan ko naman ang Queens na nakatingin sa akin gamit ang nagtatanong na mga mata. Umiling kaagad ako atsaka tumuloy sa upuan ko. Nandito na rin ang tatlo pang boys kaya may makakausap na ako.

"Anyare, Cj? Umagang-umaga ganyan ang mukha mo." Pahayag ni Tim.

"Eh sa naiinis ako kay Adrian. Ang sarap niyang itapon sa ilog at ipakain sa sharks." Asar na reklamo ko.

"Grabe naman yun. Atsaka wala namang kayang shark sa ilog." Sabat ni John.

Narinig ko namang tumawa sina Khim sa kabilang row kaya tiningnan ko sila. Nagtaas lang sila ng kilay atsaka umiling din.

"Hayaan mo na siya. I'm sure naaawa lang siya sa kanya kaya sinasamahan niya."

"Aish! Ewan ko. May lakad sana kami mamaya pero ayaw ko na siyang isama dahil baka isama niya pa." -Ako.

Tumawa lang ulit si Liz. "Wag kang mag-alala, Cj. Sayo pa rin naman sila eh." Pahayag niya kaya natawa silang lahat.

Ano ba kasing nakakatawa? Nakakainis na sila. Naiinis ako tapos sila ang saya. Ang unfair naman. Sinulyapan ko ulit sina Adrian sa may pinto pero wala na sila doon. Kakainis naman.

Pumasok na yung teacher namin pero wala pa din sila. Humanda sa akin ang mga yan. Agad kong kinuha ang attendance sheet at sinulat doon ang pangalan nilang dalawa.

Adrian Pineda.

Sandra Sandoval.

Parehas ko silang binigyan ng remarks na absent sa first subject. Binigay ko rin sa teacher ko para mapirmahan na niya. Nang makita niya ang pangalan ng dalawa ay agad siyang napabuntong hininga.

"Where are they?" Tanong niya. Sasagot sana ako ng tagalog kung hindi ko lang naalala yung sinabi niya. "I don't know."

Narinig ko naman ang higikgik nang mga kaklase ko kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"This is the first time, right?" Tanong niya kaya tumango ako. Sinabi niyang siya na daw bahala. Bumalik naman na ako sa upuan ko kaya nagpatuloy na  siya sa pagsasalita hanggang sa binanggit na niya ang isa sa mga performance task namin para sa first quarter.

"You will need to make a brief introduction about the ballad  'Get Up and Bar the Door'." Saad niya. Group activitiy to. Sana naman may mapunta sa aking maayos.

Binanggit na niya ang mga pangalan ng kaklase ko. Six members kada isang group. Nang nasa pangatlong grupo na una kong narinig ang pangalan ni Liz. Leader siya. Natapos siya grupo ni Liz at sumunod naman ang kay Jolo. Kasama niya sina Tim at John.

Huling grupo na at hindi pa ako natatawag. Ayaw ko na sa grupong ito. Malas ko nga naman.

"Cj will be the leader of the sixth group." Sabi niya. Shit! "And the members will be Adrian, Gelo, Paul, Carlo, and Sandra."

Hayy. Parang gusto kong umiyak ng marinig ko yung pangalan niya. At nag-umpisa na namang tumawa ang Queens.

"Go Cj! Wag kang papatalo diyan. Kaya mo iyan." Sigaw nila bago tumawa.

Tiningnan ko sila ng masama at bumuntong hininga.

Saklap na buhay. Kung pwede lang magwala ginawa ko na. Napansin yata ni Ma'am ang naging reaksyon ko kaya tinanong niya ako kung okay lang daw ako. Tumango na lang ako. Kesa namang sabihin kong ayaw ko kay Sandra.


Love Is All That MattersWhere stories live. Discover now