Chapter 11

3 1 0
                                    

Chapter 11: Sundo

Hindi muna ako dumeretso sa school. Bumaba ako sa isang malapit na coffee shop. Pagpasok ko palang ay binati na ako ng isang babaeng maganda. Ngumiti ako sa kanya.

"Good morning, ma'am." Bati niya.

Naglakad ako patungo sa counter at umorder na. Nahagip ng paningin ko ang babaeng nakatayo sa may entrance ng coffee shop. Naka-abang lang siya doon at tuwing may pumapasok ng customer ay binabati. She's all smile. She's also pretty. Nang madako ang tingin niya sa direksyon ko ay ngumiti siya. I love her smile.

"Ma'am, here's your order." Sabi nang nasa counter kaya agad kong ibinaling sa kanya ang atensyon ko.

"How much?" Tanong ko at agad naman niyang sinabi ang presyo.

Pagkatapos kong magbayad ay dumeretso sa table na malapit sa babae. Binaba ko muna lahat ng gamit ko bago tumitig ulit sa babae.

I am attracted with her smile. It's very beautiful. Those smile that says how happy she is right now. Her smile defines what's feeling right now. Pero nang makita ko ang mga mata niya ay naglaho ang masayang nararamdaman ko. Yung kasing mga mata niya nagsasabing malungkot siya. Sadness is very visible in her eyes right now. I wonder what makes her smile even though she's tearing up inside?

And since when did I learn to stare at someone? Don't get me wrong, okay? I'm just really amaze on how she smile but I'm a girl. Linilinaw ko lang. Baka kasi kung ano na iniisip ninyo.

Mabilis kong hinigop ang kape ko malapit na pala akong malate. Agad kong dinampot lahat ng gamit ko at nagmamadaling lumabas.

"Thank you for coming. Come again." Sigaw nung babae kaya humarap ulit ako sa coffe shop at kumaway sa kanya.

"Thank you, ate." Sigaw ko pabalik. "Ang ganda niyo. Simula ngayon ikaw na ang girl crush ko." Natawa naman siya.

Tumalikod din ako ng kumaway siya. Hoo! Nakaka-gaan ng loob ang ngiti niya.

Halos takbuhin ko ang daan patungo sa paaralan namin para lang maka-abot. Nakita kong nakatayo sina Tim at John sa may gate kaya nilapitan ko sila.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dito?" Agad na tanong ko.

"Hinihintay ka namin. At bakit naman parang pagod na pagod ka?" Si Tim.

"Tumakbo kasi ako papunta dito."

Nanlaki naman ang mga mata ni John sa naging sagot ko kaya taka ko siyang tiningnan.

"Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang bumalik sa ospital? Cj, isusumbong kita sa mama mo."

"Heh! Okay lang ako. Tara na pumasok na tayo." Yaya ko.

Sabay sabay kaming naglakad patungo sa room. Naabutan namin sila doon na kumpleto na at mulhang kami na lang ang hinihintay.

"Guys, alam niyo ba si Cj tumakbo kaya mukha siyamg ewan ngayon." Sumbong ni John sa kanila kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Pare-pareho naman silang tumingin sa akin na parang naghihintay ng eksplanasyon mula sa akin.

Ngumuso muna ako bago nagsalita.

"Male-late na kasi ako kaya naisipan kong tumakbo. Galing akong coffe shop dahil hindi ako nag-breakfast sa amin. Ayaw niyo namang magutom ako diba? Kaya kumain na ako doon." Paliwanag ko.

"Hayaan niyo na muna, guys. Gutom lang siguro siya kaya naman sa coffe shop na siya kumain." Sabi ni Liz. "Pero sa susunod naman wag kang masyadong mag-pagod. Baka kung mapano ka na naman."

"Opo, nanay." Sagot ko kaya binigyan niya ako ng isang masamang tingin.

Umayos lang kami ng dumating na si Ma'am English. Pare-pareho kaming nakinig ng maayos dahil malapit na ang first periodical exam namin. Natapos ang isang oras na puro discussion lang. Sa ikalawa hanggang sa pang-limang subject namin ay ganun din. Wala man lang kaming naging vacant. Kaya nung nag lunch na ay doon na lang ulit kami nagka-usap.

Tahimik kaming kumakain ng biglang may kumalbit sa braso ko. Junior siya. Tumingin naman silang lahat sa amin nung lalaki.

"Ate, kayo po ba si Cj?" Tanong niya kaya tumango ako.

"May nagpapa-bigay po." Sabi sabay abot sa akin ng isang malapit na kulay pink na envelope.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam. Basta binigay lang po sa akin tas sinabing iabot ko daw po sa inyo." Paliwanag niya. Kanino naman kaya ito galing? Parang nabasa naman nang lalaki ang nasa isip ko kaya nagsalita ulit siya. "Hindi po  nagpakilala."

Bumuntong hininga muna ako bago tinanggap ang envelope.

"Sige salamat." Sabi ko at umalis naman siya agad.

Tumingin naman ako sa mga kasama ko at nagkatinginan naman silang lahat bago ako dinumog.

"Cj, may stalker ka?" Si Cherry habang pinipisil ang mga braso ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"

"Oo nga naman."

Patuloy lang siya sa pagyugyog sa katawan habang ako naman ay nakatingin lang sa kawalan.

Sino naman kaya nagbigay ng sulat?

"Aray ko naman!" Reklamo nung muntik na akong mahulog sa upuan ko sa sobrang gulo nila.

"Sorry." Sabay sabay nilang sabi atsaka nag peace sign.

Umirap lang ako atsaka binuksan nag envelope. Kung sino man ang nag-balot nito, siguradong sobrang effort niya. Ang dami kasing naka-sulat sa labas na ngayon ko lang napansin. Binasa ko sila isa-isa.

'You can't blame gravity for falling in love.'

'Sometimes the heart see's what is invisible to the eyes.'

'I love you. I love you even though you didn't know that I exist.'

Iilan lang yan. Kinuha ko ang isang papel sa loob nito na agad namang hinablot ni Liz. Binasa niya iyon at ilang sandali lang ay para na siyang sasabog sa sobrang kilig.

"Omygod! Omygod! Oxygen please, I can't breath." Sabi niya habang nakahawak pa sa dibdib niya. Agad namang inagaw ni Cherry yung sulat at pagtapos ng ilang segundo ganoon na din siya kay Liz. Ano bang nangyayari sa mga ito. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga estudyante dito sa canteen.

Inagaw naman ni John ang sulat at pinabasa sa mga boys. Pagkatapos nilang mabasa ay sabay sabay silang tumingin sa akin ng may nakakalokong ngiti sa mga labi nila.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Anong ibig sabihin nito? Cj, hindi mo man lang sinabing may manliligaw ka na." Asar ni Paul kaya tumili lalo yung mga girls.

"Ano ba kasing nakasulat dyan?" Inis na tanong ko. Ibinigay naman nila ang envelope sa akin.

Binasa ko ang nakasulat at parang gusto kong atakihin bigla. Binuksan ko pa ang envelope at nakita ang isang pamilyar na mukha sa litrato.

The letter says, 'Hi Cj, hihintayin kita mamaya sa labas ng school niyo. Ako na ang susundo sayo para hindi ka na mag-trycicle. Excited na akong makilala ka. Ingat!

-From: B.M.'


And the picture is Him...



Love Is All That Mattersजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें