-01-

11 1 0
                                    


"Last 2 minutes. Last 2 minutes."

Hingal na hingal si Gelo pero hindi siya pwedeng tumigil. Konti na lang ang lamang ng kalaban. Hindi siya pwedeng sumuko, hindi siya pwedeng matalo.

"And 3-point shot by Sandoval of Acers."

"Yes!! 2 points na lang. May oras pa. Go team!!! Kaya natin 'to.", sigaw niya sa mga kateammate.

"Fernandez is on the way to shoot the ball... but OHH!!!! Sandoval makes a steal!!"

Naagaw ni Gelo ang bola, sa oras na maishoot niya ito ay panalo na sila. Kaya lang, hindi rin basta-basta magpapatalo ang kabilang team. Sa pag-angat niya ng bola para tumira, sakto namang binangga siya ng isa sa kalaban.

"Aggghhhh... Bwiset ka talaga, Dexter!"

Hindi pumasok ang bola sa ring, pero dahil sa foul ay may pagkakataon siyang makapagfree throw.

"Shit! Kailangan kong mashoot to. Hindi kami pwede matalo.", aniya

Pumwesto na si Gelo sa gitna para sa free throw, pero bago siya tumira, nilingon niya muna ang audience. Naghiyawan ang mga tao, pero sa isa lang napako ang tingin ng binata. Nakita niya ang bestfriend niyang si Sandy na nakatayo at mukhang tensyonado. Siya ang inspirasyon ni Gelo kaya ayaw nitong matalo.

"Go Gelo, kaya mo yan!", ang nabasa ni Gelo sa labi ni Sandy. Ngumiti ang dalaga at itinaas pa ang dalawang kamao para ipakita ang pagsuporta niya sa bestfriend niya. Dahil dito, napangiti na lang din ang binata at hinarap na ang ring. Tinitigan niya ito ng taimitim at tila sigurado nang pasok ang bola sa oras na bitawan niya.

At hindi nga siya nagkamali. Pasok agad ang bola. Isa pa at tie na scores ng dalawang team.

Pero, sumablay. Buti na lang at kateammate pa rin ni Gelo ang nakapagrebound ng bola. Saglit pang napagpasa-pasahan ang bola at maya-maya pa ay napunta na uli ito kay Gelo. Sakto naman na wala pa siyang bantay. Ito na ang tyansa niya kaya kahit medyo malayo siya sa ring at nasa labas ng 3-point line ay ibinato na niya ang bola. Nang makita ito ni Dexter, agad niyang itinulak si Gelo pero nabitawan na nito ang bola.

"PLEASE... pumasok ka!!!" sabi ni Gelo habang nakatumba mula sa pagkakatulak.

"Sana po, pumasok. Please Lord, sana manalo sina Gelo!!" dasal naman ni Sandy habang nakapikit.

Si Dexter naman ay hinihiling na sana hindi pumasok ang bola. Lahat ay tensyonado na, tahimik ang paligid, parang walang humihinga.

5. 4. 3. 2. 1. 0

"YES!!!!!!!!!"

Biglang naghiyawan ang mga tao, dahilan upang mapadilat si Sandy. Tiningnan niya agad ang scoreboard. Nakita niya na tapos na ang game at lamang sina Gelo ng 2 ponts.

Napasok ni Gelo ang bola at naipanalo niya ang game. Lahat ng teammates niya ay napatakbo sa kanya at binuhat siya. Isinabit sa leeg niya ang net ng ring bilang selebrasyon ng kanilang pagkapanalo. Maski ang mga tagasuporta nila ay nagsisigawan at tuwang-tuwa dahil nagchampion ang team na hinahangaan.

Habang buhat si Gelo ng mga kasama ay nilingon niya ulit si Sandy. Hindi kagaya ng iba, tahimik lang itong nakatayo sa pwesto niya. Nakatingin at nakangiti sa kanya.

Nagpababa agad siya sa mga kateammate niya at tumakbo patungo sa pwesto ng kaibigan.

"Sandy, nakita mo ba yun? Panalo kami!!" bungad niya.

"Oo, Gelo. Ang galing mo nga eh! Ikaw na naman nagpapanalo sa team niyo."

"Syempre, nandyan ka. Kaya hindi ako pwede mapahiya. Isa pa, may inspirasyon ako para manalo. Ikaw 'yon!"

From The StartWhere stories live. Discover now