-04-

1 0 0
                                    


Buong araw lutang ang utak ni Gelo. Di tuloy niya alam kung tama pa ba ang mga sagot niya sa exams kanina. Simula nung makita niya si Sandy na malungkot, nabagabag na siya. Kahit kasi tahimik ito, pag magkasama sila, palagi siyang nakangiti at masaya.

Naalala tuloy niya nang unang beses silang magkakilala, sampung taon nang nakakaraan.

--

"Ma, punta lang akong playground ah! Alis na 'ko, bye..."

"Teka, sandali, Gelo. Ikaw talagang bata ka, Gelo. Angelo!!"

"Babalik din ako agad, ma. Babye."

"Angelo, BUMALIK KA DITO!!!!!!!!!"

Madalas na tumakas si Gelo sa ina dahil lagi siyang pinag-aalaga nito sa kapatid niyang Rose. Habang naglalakad siya papuntang playground, bigla siyang may nakita na makislap sa lupa. Nang pulutin niya ito, nakita niya na bracelet pala ito. Tumingin agad siya sa paligid niya at sinubukang hanapin ang may-ari, ngunit wala masyadong tao.

Nakauikt dito ang mga titik na R-A-D-R. "Hm.. Ano kaya ibig sabihin nito? Baka nga pangalan ito nung may-ari. Sa design nito, siguro babae may-ari nito. Maibulsa na nga lang. Baka mawala pa."

Pagdating niya sa playground, pinagmasdan niya agad ang mga tao na nandoon. Pero wala namang mukhang may hinahanap. Dumiretso na lang siya sa swing, pero okupado na pareho ng dalawa pang bata.

Yung isa, tuwang-tuwa sa paglipad niya pero yung isa, nakayuko lang. Parang humihikbi. Nang makita niya ito ay nawala sa isip niya ang bracelet at naisipang lapitan ang batang babaeng umiiyak. Pinagmasdan niya ito saka niya tinitigan ng masama ang isa pang batang lalaki sa kabilang swing. Natakot naman ang ito sa kanya at agad bumaba sa swing. Pagtakbo ng bata, siya naman ang umupo sa swing. Maya-maya pa, sinubukan niyang kausapin ang batang babaeng umiiyak.

"Ahem!!"

Napatingin ito sa kanya. *sniff**sniff* "Hmm... Ah!! Sorry... aalis na 'ko, nakiupo lang ako."

Tatayo na sana ang bata pero pinigilan siya ni Gelo. "Ah! Hindi, upo ka lang. gusto ko lang sanang makausap ka."

"H-ha?"

"Kasi umiiyak ka eh! Bakit ba?"

Nang marinig nito ang tanong ni Gelo, napayuko uli siya. "May-may nawala kasi ako. Mahalaga pa naman sa akin yun."

"Ano ba yun? Saka, bakit naman? Gaano ba kahalaga yun para umiyak ka ng ganyan?"

"Yu-yung bracelet ko. Bigay kasi yun ng daddy ko. That's the last memory of my father."

Bracelet? Bigla niyang naalala ang napulot na bracelet.

"Bracelet? Anong bang itsura no'n?"

Napatingin ang batang babae kay Gelo sa tanong niya. "Silver, tapos may initials ng pangalan ko."

"Ano bang pangalan mo?"

"Raphaelle Alessandra Del Rosario. Pero Sandy ang palayaw ko, ikaw?"

"Ako, Raziel Angelo Sandoval, Gelo for short. Pero sandali..." tumigil ng pagsasalita si Gelo at dumukot sa bulsa niya. Pinagmasdan lang siya ni Sandy.

Kinapa niya ang bracelet na napulot niya, ngunit hindi niya ito maramdaman sa kanyang bulsa. Ilang beses pa uli niya itong dinukot, pero wala talaga.

"May problema ba? May nawala ka rin?" tanong ni Sandy nang mapansing paikot-ikot na siya sa kakahanap ng kung ano.

"Ah... wala. Ano, ahm, kasi may limang piso ako kanina. Nalaglag ata. Di ko makita eh."

"Ganun ba?"

From The StartWhere stories live. Discover now