-05-

3 0 0
                                    


-05-

"Time's up! Pens down, finished or not, pass your papers." utos ng subject

teacher nina Gelo.

"Are all papers in?"

"Yes, miss."

"Okay, I hope you all did your best in this exam. I'll let you know the results, as soon as possible. Class dismiss. See you tomorrow."

"Thank you, miss."

Pagkalabas pa lang ng teacher nila, inaayos na agad ni Gelo ang gamit niya a nagmamadaling makalabas. Habang nagliligpit ay nilapitan naman siya ni Jackie.

"Gelo, ah--"

Bago pa man din matapos magsalita si Jackie ay naputol na siya ni Gelo na siyang tumayo na sa kinauupuan.

"Jackie, mamaya na! May pupuntahan pa kasi ako eh." ani Gelo saka naglakad papunta sa pintuan.

Pero hindi pa rin siya hinayaan ni Jackie at hinawakan pa ang manggas ng polo niya. "Sandali lang naman, Gelo. May sasabihin lang akong importante.."

Hinarap naman siya ni Gelo pero para lang tanggalin ang kamay niya sa sleeves nito. "Sorry talaga, Jackie. But there is no more important than Sandy at kailangan ko na talagang pumunta sa kanya. Mamaya na lang tayo ulit mag-usap ah!"

Nagulat si Jackie sa sinabi ni Gelo. Nagmamadali naman ang binata na makalabas ng silid upang mapuntahan ang kaibigan nang harangin siya ng barkada.

"Gelo, ano--" naputol na salita ni Iel.

"Mamaya na pare." sabi nito habang nilalagpasan sila.

"Teka, Gelo! Huy, saan ka pupunta?" sigaw ni Baskie sa kaibigan na medyo malayo na.

"Kay Sandy!!" pabalik na sigaw nito.

"Sandy? Tapos sasabihin niya wala siyang gusto sa best friend niya. Eh kung makatakbo kala mo nakidnap na si Sandy." ani Baskie.

"Oo nga, napaka-In Denial King! Kaya Iel, dapat talaga magsama kayo ni Gelo. Pareho lang kayo."

"Hoy, ibahin niyo naman ako sa ugok na yun! At least ako, aminado ako na may gusto ako Gael. Hindi kagaya ni Gelo."

Samantala, si Gelo naman ay kumaripas papunta kay Sandy. Simula kasi ng makita niya ito sa labas ng silid nila na malungkot, hindi na naalis ang pag-aalala niya dito. Kahit habang nag-eexam ay si Sandy ang nasa isip niya, kaya hindi niya sigurado ang mga sagot niya. Pero wala na siyang pakialam, dahil ang importante sa kanya ay ang makamusta ang kaibigan.

Nakarating siya malapit sa pinto ng silid nina Sandy. Tumigil siya dahil napansin niyang may teacher pa sila. Hinintay niyang lumabas ito at pansamantalang huminga. Maya-maya pa ay lumabas na ito at binati siya.

"Oh, Angelo!"

"Good afternoon po, Ms. Rizoa"

"Naparito ka? Hinihintay mo ba Alessandra?"

"Hm.. Opo!"

"Ahh.. sige. By the way, maswerte ka't may kaibigan kang matalino, 'wag mo na siyang pakawalan ah!" sabi ng guro sabay kindat. Nagtaka naman si Gelo sa ginawa nito. "Oh siya, mauuna na ko."

"O-okay po miss."

Siniguro muna ni Gelo na hindi na ito babalik bago pumasok ng kwarto. Pagpasok niya, medyo nagulat pa ang iba sa mga kaklase ni Sandy. Pero ang kaibigan, walang kamalay-malay na nasa loob ng classroom si Gelo.

"Sige, Kris, magpaschedule ka na lang meeting kay Ms. Hidalgo. Then, pacopy na lang din ako ng revised calendar." ani Sandy habang kausap ang secretary ng Student Council at kaklase na si Kristine.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 14, 2017 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

From The StartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz