-03-

2 0 0
                                    


Malapit nang mag-umpisa ang klase at magkakasama pa rin ang apat na magbabarkada.

"Oi!! Nakatingin ka na naman sa room nina Sandy. Tapos, sasabihin mo di ka inlove sa kanya?" asar naman ni Devin sa kay Gelo.

"Di naman talaga! Kaya pwede ba tigilan niyo na ko, 'yang si Iel ang intindihin niyo" sagot nito sa kanila. Lahat naman sila ay lumingon kay Iel, pero wala pala sa tabi nila. Nauna na pala ito ng hindi nila namamalayan. "Asan na naman yung isang yun? Bigla na lang nawawala. Aish!! Lagi na lang..."

"Wag muna nating intindihin ang wala dito. Sa'yo tayo magfocus ngayon." sabi ni Baskie, sabay akbay sa inaasar na kaibigan. Agad rin namang tinanggal ni Gelo ang pagkakaakbay niya.

"Oo nga!! Alam mo kasi pare, wag mo na ideny. Halata ka na eh! Matagal na." gatong ni Devin.

"Bwiset!! Asan ba kasi si Iel? Bakit ba niya ko iniwan sa dalawang 'to? Pag nakita ko talaga yun, babangasan ko siya. Naku!!!!!!!! Makikita niya ang hinahanap niya..."

"Hep-hep, wag mong iniiba ang usapan. Alam mo, gusto lang naming magpakatotoo ka. Aminin mo na, may gusto ka naman talaga kay Sandy, diba Devin?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang nahahalata niyo? Ha? Para masabi nyong may gusto nga ako kay Sandy. Sige, saan ang ebidensya niyo?"

"Ano pa? edi yang pagiging OVER PROTECTIVE mo kay Sandy. Ayaw mo siyang magkaboyfriend, kahit ang maligawan" sagot nila sa tanong ko.

"Syempre, BEST FRIEND ko siya kaya pinoprotektahan ko siya. Best friend ko siya kaya natural lang na gawin ko ang mga yun. Kasi ayoko siyang masaktan. Isa pa, kilala niyo naman yon, diba? Ayaw pa talaga niyang magpaligaw, nahihirapan lang siyang tumanggi dahil ayaw niyang makasakit. Tinutulungan ko lang siya."

"Hindi! Ginagawa mo yun kasi MAHAL mo siya. Naalala mo ba si Kendrick nung grade 8 tayo? Diba, muntik mo nang pilayan yun kasi nanliligaw siya kay Sandy. Buti na nga lang itinigil niya na eh! Kundi, sigurado nasa ilalim na siya ng lupa ngayon dahil sa bugbog mo sa kanya." kwento ni Baskie.

Bigla namang naalala ito ni Gelo...

--

"Diba, sabi niya sa'yo hindi pa siya tumatanggap ng manliligaw. Bakit ba ang kulit mo?" tanong ni Gelo habang hawak niya si Kendrick sa kwelyo nito.

"Gusto--gusto ko ka--si siya. Kaya tu---tumulo-y pa rin a-ko." paubong sagot nito.

"Ganon, gusto mo siya? HA? Ibig sabihin hindi ka takot masaktan? Ha? Gusto mo pa mabalian, ha?"

"Hi--hi-ndi Gelo. Titigi-il na ko. Tama na"

Pagkarinig nito ay binitiwan na ni Gelo si Kendrick at dahil sa naunang pananakit sa kanya ay bumagsak din ito agad.

"Mabuti, siguraduhin mo lang na titigil ka na. Dahil kung hindi, alam mo nang mangyayari sa'yo, ha?"

--

"Oo nga, saka si Rodge nung 3rd year tayo.." paalala ni Devin. Nang marinig ang boses ng kaibigan ay bumalik na si Gelo sa ulirat.

"Tama, last year lang yun!!" dagdag ni Baskie.

"Hmm... diba binlack mail mo siya na ipagkakalat mo na bakla siya pag hindi niya tingilan si Sandy. Ang alam ko pa nga, kinuhanan mo siya ng pics nung nalasing siya sa birthday party ko eh!! Yung nakapambabae siya." Natatawang sabi ni Devin.

--

Pagpasok pa lang ni Gelo sa CR ay nakita na niya agad si Rodge. Nakapako ang mata nito sa salamin habang inaayos ang buhok.

From The StartWhere stories live. Discover now