031 || Ofiara

1.6K 82 34
                                    

Wonwoo ✨

8:29 AM
Psst

Good morning (・ิω・ิ)

8:30 AM
Wonwooo ♡

8:31 AM
Nasa'n ka na? Kanina pa kita hinihintay.

8:31 AM
On the way palang ako sa school. Late ako nagising eh. Malapit na ako, magpa-park nalang driver namin.

8:32 AM
Sabi ko naman kasi sayo matulog ka ng maaga. Iniisip mo 'ko buong madaling araw 'no? ( ´∀`)

8:35 AM
Huh? Ano ba pinagsasabi mo? Hindi 'no! Hindi talaga. Iniisip ko lang kung ano kakainin ko para sa breakfast ko. Hindi ko naman namalayan inabot ako ng hanggang umaga kakaisip.

8:36 AM
Talaga lang huh ლ(´ڡ'ლ)

Ay, ayan na, nakikita na kita. Lawak ng ngiti natin ah. Ano iniisip mo?

8:37 AM
Iniisip ko yung ulam namin kanina ( ・ิω・ิ)

_

THIRD PERSON's POV

Sa totoo lang, kanina pa talaga nasa school si Mingyu. Maaga pa nga itong nakadating sa school nila, sadyang nagpa-late lang ito sa pagpapakita kay Wonwoo.

Mahigit kalahating oras niya rin pinaghintay si Wonwoo sa tapat ng fountain at mahigit kalahating oras niya rin pinagmasdan ito sa kalayuan. Nag-enjoy naman siya sa pag-sight seeing niya kay Wonwoo kaya wala siyang nararamdaman na kahit konting guiltiness sa pagiging late. May kasabihan nga kasi siyang pinapaniwalaan na better late than never.

Medyo marami na ang tambay sa tapat ng fountain ng school. Ito kasi talaga ang number one tambayan sa university.

Naglakad na papalapit si Mingyu kay Wonwoo. Habang naglalakad, tumitingin si Mingyu sa paligid niya. Hindi niya kasi alam kung titingin ba siya ng diretso kay Wonwoo. Pagkatapos kasi ng confession na ginawa niya kaninang madaling araw ay nahihirapan na siyang harapin si Wonwoo na kagaya ng dati. Parang may biglang humigop sa ka-walangyaan ni Mingyu at napalitan ito ng over na kahiyaan.

Noong magkalapit ang dalawang binata, biglang nabalot ng awkwardness ang buong paligid. Nakayuko si Mingyu sa harap ni Wonwoo, habang si Wonwoo naman nakatingala kay Mingyu.

While Mingyu is looking at the floor, hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. He was shaking a little because of his thoughts. Kinakabahan siya sa maaring mangyari ngayong araw kasama si Wonwoo. Hindi niya alam kung makakausap pa ba niya ng diretso ang lalaking nasa harap niya. He is afraid of speaking dahil baka kung ano ang lumabas sa bibig niya na maging dahilan ng pag-iwas ni Wonwoo sa kanya.

Pero bigla niyang naalala, hindi nga pala ako lalayuan ni Wonwoo.

Mingyu is choosing between looking at Wonwoo or looking at the floor, after a few seconds, he chose the latter. For some reasons he was glad he chose the latter dahil sa sunod na nangyari.

Nagulat si Mingyu nung maramdaman niyang hinawakan ni Wonwoo ang baba niya. Itinaas ito ni Wonwoo para nakatingin na siya ng diretso sa kanya. Wonwoo smiled infront of Mingyu, itinaas baba pa nga niya ang kilay niya para asarin si Mingyu.

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon