065 || Ofiara

911 52 10
                                    

MINGYU’s POV

"Babe, ang galaw mo talaga eh. Nahihilo ako sayo." Reklamo ni Wonwoo habang nakatingin pa rin sa librong binabasa namin. Alam kong nakakunot na noo niya ngayon dahil sa tono ng boses niya.

Sinandal ko ang pisngi ko sa ulo niya at pumikit, "Sorry, hindi na ako gagalaw, promise."

"Makikibasa ka pa ba?" Tanong niya. Pinulupot ko ang kamay ko sa bewang niya at umiling, "Hindi na, tinatamad na ako magbasa."

"Okay."

"Tatapusin mo ba yan ngayong gabi?" No joke, he can read a novel in four hours only.

"Hindi ko alam. Medyo sumasakit na ulo ko kaya baka bukas ko na tapusin."

"Matulog ka na. Sumasakit na pala ulo mo eh." Sita ko sa kanya.

"Okay, pero isang chapter pa tapos matutulog na talaga ako."

I smirked, "Baka mamaya yung isang chapter mo maging hanggang epilogue na."

He laughed softly, "Isang chapter lang, promise."

"Okay." Pinikit ko nalang ang mata ko. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako eh. Nagising nalang ako nung maramdaman kong sobrang init na pinagpapawisan na ako. Ugh, kaya ayokong nagsusuot ng shirt kapag natutulog eh.

Pagkamulat ko ng mga mata ko, nakita kong mahimbing na natutulog si Wonwoo sa tabi ko. He's curled up beside me, balot na balot siya ng kumot at pansin kong namamawis rin siya.

Anong meron? Sobrang init ba ng temperature ngayon?

Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ni Wonwoo para sana hindi siya gaano pagpawisan pero napatigil ako sa pag-alis ng kumot noong may mapansin at may naramdaman ako. He’s breathing heavily at mainit ang hininga niyang tumatama sa balat ko. Kinapa-kapa ko ang leeg niya at nanlaki ang mata ko nung maramdaman kong sobrang init niya.

Malamig lang ata kamay ko? Kaya siguro mainit siya kapag kinapa ko. Pero para sigurado, Ininit ko muna ang mga kamay ko sa loob ng kumot ko bago ko ulit kinapa ang leeg ni Wonwoo, and this time, I'm really convinced that he's really hot. Bumilis naman ang tibok ng puso ko noong biglang nagdagsaan ang mga kung ano-ano sa isip ko. Anong gagawin ko? Nasaan yung thermometer? Kailangan ko na ba siya dalihin sa ospital? Anong gamot ipapainom ko sa kanya? Hihingi ba ako ng tulong?

Dahan-dahan akong bumangon at umalis sa kama. Kahit nahilo pa ako sa biglaang pagtayo ko, nagtuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad. Pumunta ako sa CR at kinuha yung isang tabo at linagyan iyon ng tubig. Pero habang lumalabas ang tubig sa gripo, iniisip ko kung dapat bang maligamgam na tubig o malamig na tubig ang gagamitin ko pangpunas ng katawan ni Wonwoo? Pinatay ko ang gripo.

Sht Kim Mingyu, bakit sa ganitong bagay ka pa walang alam? I pulled my hair out of frustration. Lumabas ako sa CR at pumunta sa kwarto. Kinuha ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan, tinignan ko ang number ni Jisoo sa contacts ko. Nung mahanap ko yon, tinext ko kaagad siya at tinanong kung anong dapat kong gawin kay Wonwoo. Ilang segundo nakasagot rin siya kaagad. Medyo nagulat pa nga ako dahil madaling araw na, pero naalala ko night shift nga pala siya sa internship niya sa ospital.

Jisoo: maligamgam na tubig ang gamitin mo, yung tama lang. pagkatapos no'n, palitan mo na siya ng damit para hindi tumuyo pawis niya sa likod. Lagyan mo na rin siya ng medyo basang tuwalya sa noo. Tsaka bigyan mo na rin siya ng gamot. Kahit bioflu lang.

Nagsend ako ng thank you at ginawa ang mga sinend niya. Nagpainit ako ng tubig saglit tapos hinalo ko yun sa malamig na tubig hanggang sa natimpla ko na siya ng tama. Pumasok ako sa kwarto namin bitbit ang ilang gamit. Linapag ko ang lalagyan na may maligamgam na tubig sa sahig tapos marahan kong tinapik ang balikat ni Wonwoo para magising siya.

"Wonwoo? Wonwoo gising." I softly said. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. I bit my lip when I saw his eyes a little red. Ayokong nakikita siyang ganito.

Tinulungan ko siyang medyo makaupo sa kama, "Baby, may lagnat ka. Kaya mo ba tanggalin damit mo? Baka kasi tumuyo pawis mo sa katawan." Sabi ko sa kanya. He blinked his eyes, tapos unti-unti siyang umiling, "H-Hindi ko kaya."

"O-Okay. Ako na. . . Ako na magtatanggal?" Nagdadalawang isip kong tanong.

"Okay lang." He weakly said.

"Okay, o-okay." Kinalma ko ang sarili ko bago tinanggal ang suot niyang shirt. He can't put his hands up kaya doble effort ako sa pagtanggal ng shirt niya. Nung matanggal ko na iyon, sinimulan ko na ang pagpunas ng katawan niya gamit ang tuwalya na maliit na medyo basa ng maligamgam na tubig. Noong matapos kong punasan ang katawan niya, kumuha ako ng panibagong damit niya. Ako na ang nagpalit sa kanya.

"B-Babe, masakit." Mariin niyang pinikit ang mga mata niya kaya ako naman 'tong nag-alala.

"Anong masakit? Sabihin mo lang."

"Masakit ulo ko." I suddenly had the urge to hug him tight. I suddenly had the urge to make the pain go away from him. But I don't know how.

"Saglit lang, okay? Kukunin ko lang gamot mo. Pagkatapos mo inumin yung gamot tatabihan na kita." Sabi ko sa kanya ng masinsinan. Tumango siya saakin kaya nagmadali akong naghanap ng gamot sa kwarto namin. Nakita ko naman ang isang lalagyanan na puno ng gamot, medyo nakahinga ako ng maluwag noong makita kong may bioflu doon.

Kinuha ko ang isang tablet, bumalik ako kay Wonwoo at ipinainom ko siya noong gamot. Pagkatapos, tinulungan ko siyang makainom ng tubig. Iniwan ko ang isang baso ng tubig sa desk na malapit lang sa kama namin.

I changed Wonwoo's position again. Inihiga ko na siya kama. Sumunod naman ako sa kama tapos lumoob ako sa kumot at yinakap siya ng sobrang higpit. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang napakainit niyang hininga.

Tinapik-tapik ko ang likod niya. I kissed his forehead, tapos narinig kong nagsalita siya, "Baka m-mahawaan kita."

"Sshh, hindi yan. Matulog ka na, huh? Rest. Para mawala ang lagnat mo."

"Thank you."

I slowly intertwined his fingers with mine, "I love you. Magpagaling ka."

←→

nagkasakit na lahat—

Ofiara • meanieWhere stories live. Discover now